Wikang Kastila sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Kolonisasyong Kastila[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimulang maging isa sa mga wika ng kapuluan ang Kastila noong 1565, nang itatag ng eksplorador na Baskong si Miguel López de Legaspi ang unang paninirahan sa Cebú.

Noong una, opsyonal at hindi obligatoryo ang pagturo ng Kastila. Tulad sa Amerikas, nagsermon ang mga pari sa mga katutubo sa mga wikang lokal.

Noong 1593, itinatag sa kapuluan ang kauna-unang prensa. Malaking bahagi ng kasaysayang kolonyal ng kapuluan ay nakasulat sa Kastila. Marami pa ring mga titulo ng lupa, kontrata, dyaryo, at panitikan ang nakasulat sa Kastila.

Binuksan noon 1611 ang Universidad de Santo Tomás, ang kauna-unahang institusyong pang-edukasyon. Noong 1863, ipinagutos ni Reyna Isabel II ng Espanya ang pagtatag ng isang sistemang paaralang pampubliko sa kapuluan.

Impluwensiya sa Tagalog at iba pang mga Wika[baguhin | baguhin ang batayan]

May higit-kumulang na 4000 salitang Kastila sa Tagalog, at mga 6000 sa Bisaya at iba pang mga wika. Marami pa rin ang gumagamit hanggang sa ngayon ng sistemang bilangan, kalendaryo, oras, atbp. ng Kastila. Nakapreserba sa Tagalog at iba pang mga lokal na wika ang maraming makalumang salita o anyo ng mga salitang Kastila tulad ng sabon (jabón, kung saan binibigkas ang j nang parang /sh/, tulad ng sa medyebal na Espanya), relos (reloj, ganon ulit, gamit ang medyebal na Kastila na j), kwarta (cuarta), atbp. Kadalasan ang talasalitaan ay nasa pangmaramihan na bilang (plural form), tulad ng butones (boton), sibuyas (cebolla), uhales (ojal), manggas (manga) atbp.

Sa Cavite, at lalo na sa Zamboanga, sinasalita ang Chavacano, isang creole ng Kastila.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]