Wikang Sebwano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sebwano
Bisaya, Sinugbuanon
Sinasalitang katutubo sa Pilipinas
Region Gitnang Kabisayaan at Mindanao
Ethnicity Mga Sebwano
Mga katutubong
tagapagsalita
21 millyon  (2007)[1]
Ikalawang pinakasinasalitang wika sa Pilipinas
Pamilyang wika
Mga dialekto
Pamantayang Sebwano (diyalekto sa Lungsod ng Cebu)
Leyteño (Kana)
Mindanao Cebuano (Bisaya)
Sistema ng pagsulat Latin (Cebuano alphabet)
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa Regional language in the Philippines
Regulated by Visayan Academy of Arts and Letters
Mga kodigo ng wika
ISO 639-2 ceb
ISO 639-3 ceb
Distribution-ceb.png
Mga pook sa Pilipinas na sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika

Ang wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.

Balarila[baguhin]

Mga panghalip[baguhin]

  Palagyo Paari1 Paari2 Palayon
Pang-isahang ika-1 tao ako, ko (Tagalog: ako) nako, ko (ko) ako, akoa (aking) kanako, nako (sa akin)
Pang-isahang ika-2 tao ikaw, ka (ikaw) nimo, mo (mo) imo, imoha (iyong) kanimo, nimo (sa iyo)
Pang-isahang ika-3 tao siya niya iya, iyaha (kaniyang) kaniya, niya (sa kaniya)
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao kita, ta (tayo) nato (natin) ato, atoa (ating) kanato, nato (sa atin)
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao kami, mi (kami) namo (namin) amo, amoa (aming) kanamo, namo (sa amin)
Pangmaramihang ika-2 tao kamo, mo (kayo) ninyo inyo, inyoha kaninyo, ninyo (sa inyo)
Pammaramihang ika-3 tao sila nila ila, ilaha (kanilang) kanila, nila (sa kanila)

Talasalitaan at hiniram na salita[baguhin]

Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.

Pamamahaging heograpikal[baguhin]

Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.

Mga salita at parirala[baguhin]

Mga bilang[baguhin]

Kardinal Ordinal
1 usà isa
2 duhà dalawa
3 tulò tatlo
4 upàt apat
5 limà lima
6 unòm anim
7 pitò pito
8 walò walò
9 siyàm siyàm
10 napú'ô sampu


Mga sanggunian[baguhin]

  1. Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000
  2. Ulrich Ammon, Norbert Dittmar, & Klaus J. Mattheier (2006). Sociolinguistics: an international handbook of the science of language and society. Volume 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 978-3-11-018418-1. http://books.google.com/books?id=LMZm0w0k1c4C&printsec=frontcover#v=onepage&q&f=false. 


Mga panlabas na kawing[baguhin]

Mga kurso sa web[baguhin]

Balarila[baguhin]

Mga talahulugan[baguhin]

Mga tekstong pangmag-aaral[baguhin]