Wikang Serbiyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Serbiyo
српски srpski
Ginagamit sa Serbiya, Montenegro, Bosnia at Herzegovina, Croatia at mga magkalapit na rehiyon


Bilang ng mga tagapagsalita 12 million[1]
Pamilya ng wika Indo-Europeo
Sistema ng pagsulat Alpabetong Siriliko, bersiyong Serbiyo
Alpabetong Latin ni Gaj
Opisyal na Katayuan
Opisyal na Wika sa Watawat ng Serbiya Serbia
Watawat ng Bosnia at Herzegovina Bosnia and Herzegovina
Watawat ng Kosovo Kosovo
Kinikilalang wika ng menorya sa Watawat ng Croatia Croatia
Watawat ng Unggarya Hungary[2]
Watawat ng Montenegro Montenegro
Watawat ng Eslobakya Slovakia[3]
Watawat ng Republikang Tseko Czech Republic[4]
Watawat ng Republika ng Masedonya Macedonia[5]
Watawat ng Rumanya Rumanya
Pinamamahalaan ng Board for Standardization of the Serbian Language
Mga kodigong panwika
ISO 639-1 sr
ISO 639-2 srp
ISO 639-3 srp
Lingwaspero
Serbo croatian languages2006.png

Ang Serbiyo ang isa sa mga pamantayang bersyon ng diyasistemang Gitnang-Timog Eslabo, na dating (at malimit pa ring) tinatawag na Serbo-Kroato (Serbo-Croatian). Pangunahing ginagamit ang Serbiyo sa Serbiya, Montenegro, ang Republika Srpska sa Bosnia at Herzegovina, at ng mga Serbiyo sa ibayong dagat.

Base sa dyalektong Štokavski ang Serbyo, may anyo itong Kanluran at Silangan, at pareho itong nasusulat sa Alpabetong Latin at Alpabetong Siriliko. Naiiba rin ang bersyong Serbyo sa ponetikong pagtranskribi nito ng mga pangalang banyaga.

Nagsimulang lumitaw ang literaturang Serbyo noong Gitnang Panahon, kung kailan nalikha ang ilang mga akda tulad ng Miroslavljevo jevandjelje (Ang Ebanghelyo ni Miroslav) na isinulat noong 1192 at ang Dušanov zakonik (Ang Kodigo ni Dušan). Habang kaunti lang ang napreserbang sekular na akda, akma naman sa panahon ang mga yon na napreserba. Halimbawa ang Serbian Alexandride, isang akda tungkol kay Dakilang Alejandro, at isang salin sa Serbiyo ng Tristán at Isolda.

Sa kahulihang dulo ng ika-14 dantaon, nalupig ng Imperyong Otomano ang Serbya at nawalan ng oportunidad ang paglikha ng sekular na literatura. Gayunman likha ng panahong ito ang ilan sa mga pinakadakilang akdang panliteratura sa Serbyo at ito ay nasa anyo ng literaturang oral, kung saan ang pinakatanyag ay ang mga epikong Serbiyo. Isang katotohanan na inaral ni Goethe ang wikang Serbiyo upang makapagbasa ng poesiyang epikong Serbyo sa orihinal. Nalikha lamang ang literatura sa anyong nakasulat sa mga monasteryo at simbahan para sa gamit pangrelihyon, at nasa Sinaunang Eslabong Pansimbahan (Old Church Slavonic) ang mga ito. Pagkarating ng kahulihang dulo ng ika-18 dantaon alyenado na ang literaturang nakasulat mula sa wikang sinasalita. Noong simula ng ika-19 dantaon sinundan ni Vuk Karadžić ang mga naunang gawa ni Sava Mrkalj ukol sa pagrereporma ng alpabetong Siriliko gamit ang prinsipyong ponetiko, at ginawa niya ring isulong ang paggamit ng wikang sinasalita bilang pamantayang pangliteratura.

1494 nang unang mailathala sa Cetinje ang unang aklat sa Serbiyo, 40 taon lang ang nakalipas nang maimbento ni Johannes Gutenberg ang movable type.

Estadistika ng mga tagapagsalita alinsunod sa bansa:

Talasanggunian[baguhin]


Mga kawing panlabas[baguhin]

Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Serbiyo