Wikipedia:Mga huling idinagdag

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling dinagdag)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Alam Ba Ninyo?
(T:ABN)
Gabay (WP:ABN-gabay)
Paghahanda (WP:ABN-handa)
Susunod (WP:ABN-sunod)
Mungkahi (WP:ABN-mungkahi)
Supnayan (WP:ABN-supnay)
Sinupan (WP:ABN-sinop)

Ito ang mga huling mga bagong artikulo sa Wikipedia na napili sa Unang Pahina bilang bahagi ng Alam ba ninyo? Tingnan ang mga bagong pahina para sa kumpletong tala ng mga bagong pahina. May sinusunod na mga gabay ang Tagalog Wikipedia hinggil sa pagdagdag sa "Alam ba ninyo?", subalit kahit sino ay maaaring magdagdag basta't susundin ang mga gabay na ito. Maaari mong ilagay o idagdag ang iyong mungkahing paksa (ito ang pangalan ng pahina o ang pamagat ng artikulo) at pamukaw na tanong sa paghahanda at mga mungkahi para sa Alam Ba Ninyo? ng mga maaaring gamitin para sa "Alam ba ninyo?". Doon sa handaang iyon kumuha ng pamalit na pangkat para sa Unang Pahina. Basahin sa ibaba kung ilan ang dapat na laman ng bawat pangkat. Sa kasalukuyan, lingguhan ang pagpapalit ng mga pangkat upang maitanghal ng husto ang mga paksa. Ibabalik ito sa isa hanggang dalawang ulit na pagpapalit ayon sa bilang ng mga kandidatong artikulo o pahina. Pero, inuulit po lamang, na pakibasa muna ang mga gabay na nasa ibaba bago ito gawin. O, kaya maaaring magmungkahi muna kayo sa Usapan hinggil sa mungkahi at paghahanda para sa Alam Ba Ninyo?.

Mga gabay at panuntunan

Ito lamang ang mga paunang gabay sa pagdagdag ng paksa sa "Alam ba ninyo?":

  • Tumingin ng mga bagong pahina sa Natatangi: Mga Bagong Pahina (o Special:Newpages) para maidagdag.
  • Dapat na may sanggunian ang artikulo o lathalain. Kung wala pa, pakihanapan at pakilagyan.
  • Bilang tulong at ambag sa Tagalog na Wikipedia, pumili o magsulat po sana ng artikulong hindi bababa sa 1,500 titik o karakter (mga 2 kilobyte) ang nilalaman ng katawan ng artikulo hindi kabilang ang pamagat o pangalan ng pahina, mga pamagat ng seksiyon, mga titik na nasa sanggunian, kawing na panlabas, mga kapsyon ng larawan, mga kahon ng impormasyon (infobox), talaan, tabla, kategorya, at mga katulad. Isa lamang pong mungkahi at panukala ang mga ito para sa kapakanan ng mga mambabasa at tagagamit ng Tagalog na Wikipedia. Maaari mong bilangin ang mga nilalamang titik ng iyong artikulo sa pamamagitan ng pagkopya nito patungo sa isang pahinang pandokumento ng Microsoft Word sa tulong ng Tools (kasangkapang-kagamitan) kung saan matatagpuan ang word count o pambilang. Maaari ka ring gumamit ng ibang program na pangkompyuter, kung ibig. Sa ibang paraan ng pagpapaliwanag: mas mainam ang mahigit sa isang dangkal na haba ng lathalain kaysa kalahating dangkal lamang. Mas lalong nakaaangat ang lampas pa sa dalawang dangkal.
  • Kung minsan, maaari pa rin kayong makakita ng maiikling artikulo sa "Alam ba ninyo?", depende sa bilang ng mga kandidato sa loob ng isang panahon. Sa kasong iyon, hinihiling po na tumulong kayo sa pagpapahaba, pagpapalawig, at pagpapaunlad ng artikulo hanggang sa maabot o malampasan ang hinihinging bilang, maging ang kalidad. Lalo na kung usbong (stub) pa ito. Ngunit talaga pong higit na mas mainam kung umabot na sa bilang at pamantayan ang artikulo bago ito mailagay dito sa Alam Ba Ninyo? dahil mas nakatutulong na sa tagabasa.
  • Dapat na nakapupukaw ng pansin ang pamukaw na tanong na gagamitin (tingnan ang mga halimbawang nasa supnayan na nasa ibaba).
  • Hindi isang pangkalahatang seksiyon ng tribya (trivia) ang "Alam ba ninyo?".
  • Dapat nasa loob ng nakaraang 30 araw (isang buwan) ng Mga Bagong Pahina ang artikulo na idadagdag.
  • Nasa artikulo dapat ang binanggit sa "Alam ba ninyo?"
  • Kailangang may larawan ang nasa pinakaibabaw na paksa.
  • Dapat naka-'''BOLD''' ('''MAKAKAPAL ANG MGA TITIK''') ng titulo ng bagong dinagdag na paksa sa "Alam ba ninyo?"
  • Sa pangkalahatan, nakalimita lamang sa LIMANG (5) paksa, ngunit kung anumang kaso maaaring mahigit dito ngunit hindi lalampas sa SIYAM (9). Siguraduhin lamang na susukat ito sa pahina noong mga panahong iyon. Gamitin ang inyong sintido kumon o "karaniwang kaisipan".
  • Lagyan ng tag o tatakan ng {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan}} ang pahina ng usapan ng artikulo bilang rekord.
Halimbawa:
Updated DYK query.svg Ang isang lahok mula sa lathalaing Mga huling idinagdag ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Setyembre 3, 2007.
Wikipedia

.

  • Bukod sa itaas, maaari mong padalhan ng isang mensahe ang may-akda o nagsimula ng artikulo sa pamamagitan ng paggamit ng suleras na ito: {{subst:AlamBaNinyoUsapan2|Abril 3|2008|Pangalan ng artikulo}} --~~~~ (nagmula sa: {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan2}}), upang maipagbigay-alam sa may-akda ang pagkakapili ng kaniyang artikulo. Kung sakaling wala pang panagutan ang nag-ambag ng artikulo, ipadala pa rin ang mensahe upang mahikayat siyang gumawa ng sariling akawnt. Huwag mong kalimutang lumagda sa pahina ng usapan ng pinagbigyan ng mensahe. Ganito ang mababasa ng pinadalhan ng mensahe:
Napiling artikulo para sa ABN Noong Marso 30, 2008, ang Alam Ba Ninyo? ay napunan ng kaalaman mula sa lathalaing [[{{{3}}}]], na iyong kinatha, isinalinwika, at/o pinalawig. Magpatuloy ka pa sana sa paglikha ng ganitong uri ng mga lathalain. Salamat sa iyo at mabuhay ka!
  • Kung minsan, maaaring muling mapili ang isang lumang artikulo, lalo na kung napalawig ito ng may ikatlong ulit ang haba (mungkahi) o higit pa, at may kahalagahan at nakapupukaw ng isipan ang mga nadagdag na kaalamang maipapamahagi nito sa mambabasa.
  • Idagdag dito sa supnayan sa ibaba ang mga paksang tinanggal (ayon sa petsa: buwan at taon) - dahil nagamit na - para sa "Alam ba ninyo?". Pakiusap, maglagay ng patlang o puwang sa pagitan ng bawat pangungusap.
  • Nilalagay na sa mga sinupan (ayon sa taon; nasa ibaba, sa gawing kanan) ang mga dating nasupnay dito sa ibaba kapag tapos na ang kasalukuyang taon, o kung masyado nang mahaba ang tala ng supnayan sa ibaba.

Supnayan ng mga napiling Alam ba ninyo?

Alam ba ninyo...

Setyembre 2014

  • ... na ang alkohol na amyl ay isa sa 8 mga alkohol na may pormulang C5H11OH?

Agosto 2014

  • ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus?
  • ... na ang alkali ay ang matubig na solusyon na mayroong halaga ng pH na mahigit sa pito?
  • ... na ang epinephrine at ang adrenalin ay iisang hormone lamang?
  • ... na ang akromegalya ay isang kalagayang medikal na nangyayari kapag ang glandulang putwitaryo ay gumagawa ng labis na hormonang pampalaki pagkatapos ng pubertad?
  • ... na si Scott Bradlee ay isang piyanistang kumpositor na lumikha ng mga bidyong sumikat at lumaganap sa YouTube?

Hulyo 2014

  • ... na bagaman nakarehistrong tatak-pangkalakal ang JumboTron na pagmamay-ari ng Sony Corporation, itinigil ng Sony ang paggawa ng mga kagamitang ito noong 2001 at simula noon ang salitang jumbotron ay naging pangkalahatang tatak-pangkalakal?

Hunyo 2014

  • ... na matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Kampo Murphy sa dalawang kampo, ang Kampo Crame at ang Kampo Aguinaldo?
  • ... na ang Boléro ni Maurice Ravel ang dahilan ng pagkapanalo ng dalawang mananayaw sa yelo noong Olimpiko ng 1984?
  • ... na ang Shabu-shabu ay isang masabaw na lutuing Hapones?
  • ... na si Hans Bethe ang pinakadakilang manlulutas ng suliranin noong ika-20 daantaon?
  • ... na si Swamp Thing ay isang kathang-isip na humanoid na halaman?

Mayo 2014

  • ... na si Arnold Sommerfeld ay ang pisiko na nagpasimula ng mga kaunlaran sa pisikang atomiko at kuwantum?
  • ... na si Peter Barakan ay ang punong-abala sa seryeng Begin Japanology?
  • ... na si Paul Forman ay isang Amerikanong historyador na awtor ng dalawang kontrobersiyal na mga tesis?
  • ... na mula kay Gilbert N. Lewis nahubog ang modernong mga teoriya ng pagsasanib na kimikal?
  • ... na tinawag ni Lee de Forest ang kaniyang sarili bilang ang "Ama ng Radyo"?
  • ... na si Friedrich Paschen ay ang pisikong Aleman na nakilala dahil sa mga pagdiskarga ng kuryente?
  • ... na si Reggie Lee ay may dalawang nakababatang kapatid na lalaki si Lee, ang musikerong si Nathan at manlalarawan ng komiks na si R.V. Valdez?
  • ... na ang mayang Costa ay isa lamang sa mga maraming uri ng pipit na pinapangalanang "maya" sa [[wikang Pilipino]?