Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipediang Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tuwirang daan:

Ito ang pahina para sa nominasyon sa pagiging Tagapangasiwa.

Tandaan na ang patakaran dito ay katulad ng sa Ingles na Wikipedia.

Mga kasalukuyang nominasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Burokrata[baguhin | baguhin ang batayan]

Tagapangasiwa[baguhin | baguhin ang batayan]

Namayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ako si Namayan, nag-simulang mag-ambag sa Wikipediang Tagalog noong Hulyo 2009, at mula noon nakapagpatnugot na ng higit sa 2,800. Maliban dito may higit sa 9,400 ang aking napatnugot sa English Wikipedia.

Nais kong pag-ibayuhin pa ang aking ambag sa Tagalog Wikipedia. Sadyang maraming mali sa interface, na hindi natutugunan, at mga artikulong walang saysay na nahahayaang manatilì. Ang ilan sa mga artikulo ay "masamâ" ang pagkakasalin mula sa dayuhang wika patungo sa Tagalog kailangan magkaroon ng maayos na pamantayan at maagapan ang mga ito sa paglilipat ng mga artikulo sa tamang pamagat upang hindi maging katawa-tawa ang Wikipedia Tagalog. -- Namayan 04:21, 14 Hulyo 2014 (UTC)

Hamham31[baguhin | baguhin ang batayan]

Kumusta!

Nais ko sanang maging tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia upang maging masigla at aktibo ang sayt na ito, bagamat aaminin ko na hindi ako masyadong aktibo sa sayt na ito ay nais ko pa ding makatulong, at nangangako ako na hinding-hindi ako gagawa ng mali at kung may balak mang mag-bandalisa ang ilang mga taggagamit ng ilang artikulo sa sayt na ito ay gagawin ko ang nararapat upang ito ay maitama.

Maraming salamat po at Mabuhay!

Komento - Ako ay taos-pusong nagsasabi na inuurong ko na ang aking nominsayon sa kadahilanang may nag-iimbestiga sa Wikipedia (sa Wikang Ingles) sa akin patungkol sa paggamit ko ng ika nga'y multiple accounts (gumagamit ng maraming kwenta). At hindi na din ako muling hihiling pa ng kahit anong nominasyon kung ito ay mapatunayan. Hamham31 (makipag-usap) 00:55, 13 Setyembre 2013 (UTC)

Maaari po bang ikawing mo rito ang imbestigasyong iyon para matulungan ang pamayanan ng Wikipediang Tagalog na maunawaan ang akusasyong ito? Sa ngayon mananatiling bukas pa rin ang nominasyon mo kahit kung inurong mo ito, at tandaan na hindi kailangang bigyan ng timbang ang anumang mga gawain sa ibang Wikipedia dito sa Wikipediang Tagalog: sa pangkahalahatan, binibigyan lang ng pansin dito ang merito ng inyong nominasyon batay sa mga nagawa mo rito sa Wikipediang Tagalog, ngunit maaari ring bigyan ng konsiderasyon ng pamayanan ang mga gawain mo sa Wikipediang Ingles. --Sky Harbor (usapan) 04:30, 13 Setyembre 2013 (UTC)

Angelo1345[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga mahal kong mga tagapangasiwa,

Gusto kong maging tagapangasiwa dahil nakikita ko na hindi na aktibo ang wikipediang tagalog. Gusto ko namang pagtuunan ng pansin ang ating pambansang wika. Dahil dati akong aktibo sa ingles na wikipedia. At simula ngayon ay araw araw kong i uupdate ang news na may kabubuluhan .

Kaya ko pong harapin ang mga tanong ibibigay nyo saakin.

Sana ay tanggapin nyo ang aking nominasyon. Kung ako ay inyong tatangapin ay hindi kayo magsisisi Maraming Salamat ! - Angelo1345 (makipag-usap) 15:37, 8 Abril 2013 (UTC)

Maraming salamat sa inyong pagharap, Angelo1345. Maaari mo bang sagutin ang mga tanong na ito?
  • Anong uri ng pangangasiwa ang nais mong gawin?
  • Ano ang pinakamagandang ambag mo sa Wikipedia? (Maaaring dito sa Wikipediang Tagalog, o sa ibang proyektong Wikimedia.)
  • Sangkot ka ba sa alitan?
  • Gaanong katagal ka nang naglilingkod bilang patnugot ng Wikipedia?
  • Responsable ka bang patnugot? Kapag naging tagapangasiwa ka na, paano mo ba ito maitutupad?
Inaasahan ko ang mga sagot sa tanong na ito, at maraming salamat sa inyo. :) --Sky Harbor (usapan) 02:32, 10 Hunyo 2013 (UTC)

Sagot sa Unang Tanong: Ang uri ng pangangasiwa na nais kong ihandog sa Wiki site ng ating sariling wika ay kung ano ang ipapagawa saakin. At, magiging responsable ako at aktibo.Nais kong araw araw na i-update ang ating Unang Pahina, nais ko din maghandog ng aking kaalaman sa mga artikulong may maling impormasyon upang ang mga Pilipino na magreresearch o magsasaliksik sa ating Wiki site ay magkaroon ng tamang impormasyon.

Sagot sa Ikalawang Taon:

Ang pinakamagandang ambag ko ay ang pagtatama ng impormasyon sa mga may maling impormasyon dito sa Wikipediang Tagalog at ingles, gumagawa din ako ng mga artikulo ng ibang tao o kaganapan (mga bagyo, krisis pambansa, lindol, pagsabog ng bulkan), species ng hayop, na pinagkaka-iinteresan ko.At alam ko ang mga artikulo na aking ginawa o isinaayos ay nakatulong.

Sagot sa Ikatlong katanguan Sa tingin ko ay hindi sapagkat ako ay nage-edit lamang sa mga Artikulo na nasa salik ng aking interes.

Sagot sa Ikaapat na Tanong:

Simula 2007, dahil noon ay naglalaro lamang ako sa mga cafe shop kaya palipat-lipat ang aking I.P Adress at wala pa akong sapat na kaalaman sa paggawa ng akkawnt, ngunit ako ay aktibong tagagamit parin ng Wikipedia.

Sagot sa ikalimang tanong:

Ako ay responsable, dahil nakikita ko sa ibang diskusyon dito sa Wikipediang Tagalog na nagkukulang kayo sa tagapangasiwa at hindi gaanong kaaktibo ang Wikipediang Tagalog naisipan kung magsumite ng nominasyon, kaya kong gampanan ang aking tungkulin. - Angelo1345 (makipag-usap) 15:37, 8 Abril 2013 (UTC)

WayKurat[baguhin | baguhin ang batayan]

WayKurat (talkcontribs)

Iniharap ang sarili.

  • Mga tanong Upang maipreserba ang kalidad ng pangangasiwa, at bilang isang barometro ng iyong kakayahang mangasiwa, pakisagot po ang mga sumusunod:
    • Mga kinakailangang tanong batay sa nominasyon sa pangangasiwa sa English Wikipedia:
      • Anong uri ng pangangasiwa ang nais mong gawin?
Karamihan ng gagawin ko dito sa Tagalog Wikipedia ay tungkol sa paglilinis ng mga bandalo (vandalis) na nilikha ng mga Filipinong bandalo na naharang (block) sa English Wikipedia.
      • Ano ang maituturing mong pinakamagandang ambag mo sa Wikipedia?
Mayroon akong tatlong nilikhang artikulo sa en.wiki na ipinakita sa unang pahina sa seksyong "Do You Know". Ito ay ang Jun Bernardino Trophy, 1991 PBA First Conference Finals at 2011–12 PBA Philippine Cup Finals. Isinaayos ko rin ang mga pahina ukol sa Philippine Basketball Association at humanap ng mga larawan para rito.
      • Sangkot ka ba sa anumang alitan o naiinis ka ba sa anumang kasapi? Paano mo ba ito naireresolba ngayon at paano mo ito gagawin sa kinabukasan?

Wala pa akong naka-alitang tagagamit sa en.wiki, maging sa tl.wiki.

    • Mga tanong batay sa experience ng pangangasiwa dito sa Tagalog Wikipedia:
      • Gaanong katagal ka na ba bilang ganap na kasapi ng pamanayang Wikipedia/Wikimedia?
Mahigit walong taon na akong nagco-contribute sa English Wikipedia at mahigit apat na taon dito sa Tagalog Wikipedia.
      • Maituturing ka bang isang responsable na editor? Pakilahad kung paano mo ito maitutupad kapag ika'y naging isang tagapangasiwa.
Ako ay patuloy na lumalaban sa mga bandalo (vandals) sa en.wiki. Katunayan nito, ilang taon ko na rin pinipigilan ang mga bandalismo nina Bertrand101, Lpkids2006, Dragon2016, Brianmagallano at marami pang iba.
      • Ano ang dahilan mo sa paghaharap mo bilang kandidato sa pangangasiwa?
Gusto kong pigilan ang pambababoy at pagbabandalo ng mga tagagamit na nabanggit ko sa itaas. Ang nagiging ugali nila ay matapos silang maharang (block) sa English Wikipedia, ay dito naman sila lumilipat o kaya sa Cebuano Wikipedia. Nais ko ring malinis ang kanilang mga ginawa at ayaw kong matulad sa Wikipilipinas ang Tagalog Wiki.

-WayKurat (makipag-usap) 11:04, 9 Hunyo 2013 (UTC)

Sang-ayon[baguhin | baguhin ang batayan]
  • Bilang isa sa mga nanghikayat kay WayKurat na tumakbo bilang tagapangasiwa, sang-ayon ako. --Sky Harbor (usapan) 02:25, 10 Hunyo 2013 (UTC)
  • Sumasang-ayon ako --- Titopao (makipag-usap) 07:00, 21 Hunyo 2013 (UTC)
  • Sumasang-ayon din ako upang marami rin ang makapagmatyag at makapagbantay laban sa mga bandalismo dito sa Tagalog Wikipedia --- Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 07:10, 21 Hunyo 2013 (UTC)
  • Sumasang-ayon ako -- Namayan 07:20, 21 Hunyo 2013 (UTC)
  • Sumasang-ayon din ako --雅博直井(会話) 06:23, 22 Hunyo 2013 (UTC)
Tutol[baguhin | baguhin ang batayan]
Resulta[baguhin | baguhin ang batayan]

Binabati kita, isa ka nang ganap na tagapangasiwa (administrator). Mangyaring pag-aralan ang gabay na ito na nasa English Wikipedia kung ano ang tungkulin ng isang tagapangasiwa. Salamat. --bluemask (makipag-usap) 07:30, 26 Hunyo 2013 (UTC)

Mungkahi[baguhin | baguhin ang batayan]

23prootie[baguhin | baguhin ang batayan]

23prootie (talkcontribs)

Iniharap ang sarili.

  • Mga tanong Upang maipreserba ang kalidad ng pangangasiwa, at bilang isang barometro ng iyong kakayahang mangasiwa, pakisagot po ang mga sumusunod:
    • Mga kinakailangang tanong batay sa nominasyon sa pangangasiwa sa English Wikipedia:
      • Anong uri ng pangangasiwa ang nais mong gawin?

Nais kong makatulong sa pag-salin ng mga artikulo patungo dito. Mas mapadadali iyon kong ako ay magiging isang tagapangasiwa. Malaki ang interes ko sa layunin proyektong "Alam nyo ba?" kaya't nais ko ilaan ang aking pangangasiwa sa proyektong iyon.

      • Ano ang maituturing mong pinakamagandang ambag mo sa Wikipedia?

Ang pagsasalin ng mahusay mula sa Wikang Inggles ang sa aking palagay ang pinakamahusay kong naambag dito. Makikita ang proeba sa pahina ng aking usapan. Maaari ko ring idagdag ang aking pagkabihasa sa mga Wikang Tagalog at Inggles pati na rin ang karanasan ko dito sa Wikipedia (pati na sa Commons) ng talong taon.

      • Sangkot ka ba sa anumang alitan o naiinis ka ba sa anumang kasapi? Paano mo ba ito naireresolba ngayon at paano mo ito gagawin sa kinabukasan?

Hindi ako sangkot sa anumang alitan sa kaslukuyan at mabuti ang pakikisama ko sa mga kasapi dito sa Wiipediang ito. Mayroon na akong nakaalitan sa nakaraan at di kanais-nais ang naging resulta nito. Nais ko lamang ipaalala na maliban sa limang taong ito, walang nang ibang mangagamit ang aking naaalitan. Nais ko ring sagihin na di dapat gamiting basehan ang kanilang pananaw laban sa akin dito sa nominasyong ito dahil hindi naman sila aktibong nag-aambag dito sa Tagalog na Wikipidya.

    • Mga tanong batay sa experience ng pangangasiwa dito sa Tagalog Wikipedia:
      • Gaanong katagal ka na ba bilang ganap na kasapi ng pamanayang Wikipedia/Wikimedia?

Halos limang taong na sa lahat ng proyektong maarin akong maka-ambag. (Meta, Commons, Wiktionaryong Tagalog, Sa Inggles, at dito).

      • Maituturing ka bang isang responsable na editor? Pakilahad kung paano mo ito maitutupad kapag ika'y naging isang tagapangasiwa.

Oo. Ang responsibilidad ng isang tagagamit ay tumulong sa paggawa ng isang mahusay na ensiklopedya hindi ang mamulitoko o ang mangritiko ng iba pang manggagamit. Naatunay ko na ng apat na taon ang layuning ito. Nais ko lamang pahusayin pa ang naaabot na kaalaman nito. Hindi ako natutuwa sa mga taong ginagamit ang kanilang pagiging tagapangasiwa sa kanilang sariling interes gaya ng nangyayari ngayon sa Inggles na Wikipidya.

      • Ano ang dahilan mo sa paghaharap mo bilang kandidato sa pangangasiwa?

Nais kong sanang iahon ang dangal na nawala sa akin dahil sa maliit at kakaunting alitang nangyari sa Wikipidyang Ingles. Nalulungkot akong may mga taong ambisyoso na makagagawa noon sa akin.

Salamat.

--23prootie 15:49, 31 Mayo 2010 (UTC)

Sang-ayon[baguhin | baguhin ang batayan]
  • Sang-ayon ngunit may kundisyon - Kung may sasang-ayon pang iba. Isa ako sa mga nagbibigay ng bagong pagkakataon. Subalit huwag lamang abusuhin ang pribilehiyong ibibigay sa iyo o pabayaan ito, sapagkat isa ako sa magmumungkahing alisin ang karapatan mo bilang tagapangasiwa. - AnakngAraw 00:26, 24 Setyembre 2010 (UTC)
Tutol[baguhin | baguhin ang batayan]
  • Tutol: [1], [2], [3]. Elockid 23:31, 25 Setyembre 2010 (UTC)
    • Kumento - Pakilahad naman, gamit ang Wikang Tagalog, kung bakit ka tumututol. Nais ko lamang idagdag na wala o halos walang naiambag ang tagagamit na ito sa proyektong Tagalog Wikipidya. -23prootie 23:38, 5 Nobyembre 2010 (UTC)
Resulta[baguhin | baguhin ang batayan]
Mungkahi[baguhin | baguhin ang batayan]
  • Mungkahi. Maaari naman pong maibalik ang dangal kahit na hindi ka isang tagapangasiwa.--JL 09 11:37, 9 Hunyo 2010 (UTC)
    • Kumento - Ang bahaging ito ay ginagamit para idetalya ang maaaring maging aksyon o hakbang pagkatapos masara ang proseso ng pagnomina kaya't walang kuneksyon ang kumento mo dito. - 23prootie 23:40, 5 Nobyembre 2010 (UTC)


  • Isara at iurong muna ng panandalian - Hindi naman magandang hayaan lna lang ang pagkain madapuan ng langaw, no? --23prootie 23:52, 5 Nobyembre 2010 (UTC)

Mga nagdaang nominasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ryomaandres[baguhin | baguhin ang batayan]

Shirou15/Masahiro Naoi[baguhin | baguhin ang batayan]

23prootie[baguhin | baguhin ang batayan]

The Wandering Traveler[baguhin | baguhin ang batayan]

jericoflorm[baguhin | baguhin ang batayan]

Jojit fb[baguhin | baguhin ang batayan]

Nickrds09 (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Iniharap ni AnakngAraw

  • 3 sumasang-ayon
  • 0 tumututol
  • Isa nang ganap na Tagapangasiwa

Sky Harbor (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Iniharap ni AnakngAraw

  • 6 sumasang-ayon/sumusuporta
  • Naging Tagapangasiwang Burokrata na

Lenticel (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Iniharap ni AnakngAraw

  • 7 sumasang-ayon
  • Isa nang ganap na Tagapangasiwa

Estudyante (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Iniharap ni AnakngAraw

  • 4 sumasang-ayon
  • Isa nang ganap na Tagapangasiwa

Delfindakila (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Iniharap ni AnakngAraw

  • 4 sumasang-ayon
  • Isa nang ganap na Tagapangasiwa

AnakngAraw (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ihinarap ni Felipe Aira

  • 9 sumasang-ayon
  • Isa nang ganap na Tagapangasiwa

Celester Mejia (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ihinarap ang sarili.

  • 1 tumututol

Felipe Aira [pangalawang paghaharap] (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ihinarap ng sarili.

  • 5 sumasang-ayon (hindi kabilang ang mga kasama sa Virtual meetup)
  • 3 tumututol
  • Kasalukuyang nangangasiwa

Lenticel [unang paghaharap] (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ihinarap ni AnakngAraw, tumanggi sa pagiging tagapangasiwa.

Felipe Aira [unang paghaharap] (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Nominado ni User:Estudyante
  • Walang sang-ayunang naganap
  • 4 na sumasang-ayon
  • 3 tumututol

Sky Harbor [pagkatagapangasiwa] (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Nominado ni Jojit
  • Sinangayunan ng Komunidad
  • Isa nang ganap na Tagapangasiwa noong 13:31, 25 Disyembre 2007 (UTC).

Tomas De Aquino (Pangalawa)[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Nominasyon ni : Tomas de Aquino 10:28, 16 Enero 2005 (UTC) (sariling-nominasyon)
  • Natapos sa 00:00 23 Enero 2006 (UTC)
  • Walang nangyaring halalan.

Tomas De Aquino (Una)[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Iniuurong ang sariling nominasyon

Jojit fb (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

Život (tingnan ang resulta)[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Nominado ni Tomas De Aquino
  • Tumanggi sa nominasyon