Wikipedia:Pagbura ng mga pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tuwirang daan:
Erase stub.png

May mga ilang kaparaanan ng pagbura ng mga pahina o midya sa Wikipedia. May ilang mga nilalaman na maaaring pumasa bilang isang kandidato para sa mabilisang pagbura. Kung hindi, maaaring burahin ng isang tagapangasiwa sa loob ng limang araw kung walang tumututol sa proseso ng pagmungkahi. O kaya, maaaring buksan ang isang pagtatalo ng isang tagagagamit sa isa sa mga pahinang nakatala sa ibaba. Gamitin ang suleras na {{Mungkahi-burahin}} para sa pagmumungkahi ng pagbura, kasama ang dahilan ng paghiling mo. Kung minsan, ginagamit din ang {{Burahin}} para sa kahilingan ng mabilisang pagbura. Subalit mas minumungkahi ang paggamit ng {{Mungkahi-burahin}}.


Mga dahilan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Binubura ang mga pahina o lathalain (maging mga larawan) dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
  • Walang nilalaman ang artikulo
  • Walang saysay ang nilalaman ng lathalain
  • Hindi pa sapat ang katanyagan ng paksa
  • Hindi Tagalog ang lathalain. Karaniwang ginagamit ang panandang {{Hinditagalog}} para bigyan ng palugit ang nagtala o nag-ambag na isalin ito (karaniwang mga dalawang linggo mula sa unang pagkakatala). Subalit kung hindi nagkaroon ng pagbabago, binubura ang pahina, maliban na lamang kung may mga bahaging nakasalin sa Tagalog. Sa kasong ito, pinapanatili ang naka-Tagalog habang ikinukubli o inaalis naman ang mga hindi nasa wikang Tagalog. Para sa pagsasalin, tingnan ang WP:Salin.
  • Paglabag sa karapatang-ari (kung hindi nabago o napainam ayon sa panuntunan ng Tagalog Wikipedia)
  • Bandalismo o pambababoy

Hindi pagbura[baguhin | baguhin ang batayan]

  • May mga kasong hindi buburahin ng tagapangasiwa
  • Ayon sa napagkasunduan sa usapan.
  • Kung mapapainam naman ang artikulo o nilalaman nito. Maaari gawin ng isang wikipedista o tagapangasiwa ang pagpapainam at pagdaragdag ng kaalaman sa loob ng lathalain.

Mga pahinang buburahin[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kasalukuyang usapin[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga artikulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga iba't ibang pahina[baguhin | baguhin ang batayan]

Arkibo ng mga resulta ng usapin[baguhin | baguhin ang batayan]