Willy Garte

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Willy Garte (namatay noong Setyembre 6, 1998 sa Lungsod ng Pasay) ay isang Pilipinong mang-aawit at manunulat na sumikat noong dekada 1990. Isa siyang bulag na manganganta na nagpasikat ng mga kantang Bawal na Gamot, Nasaan ang Liwanag, Kay Lupit ng Tadhana, at iba pa.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Willy Garte sa bayan ng, Samar. Nabulag siya habang nasa edad na tatlong taon pa lamang, kaugnay ng pagkakaroon ng sakit na tigdas. Nagbuo siya ng isang banda sa Samar na nagtagal ng sampung taon at tinangkilik naman sa Samar, Leyte at mga kalapit na bayan. Bilang mahusay na artista, ikinintal at tinaguyod ng Universal Records ang kaniyang tinig, mga awitin, at talento sa musika, na nagresulta sa isang album na kinapapalooban ng kantang Nasaan Ang Liwanag. Nagkamit ng dobleng platinum ang album na ito. Isa siya sa mga naunang mga kapansanan sa matang tulad ng pagkabulag na nagtamo ng adhikain maipamahagi ang kaniyang talento sa pag-awit at naparangal sa ganitong pamamaraan.

Naikuwento ang makulay na buhay ni Willy sa palabas ng GMA 7 na Magpakailanman. Ginampanan ni Ariel Rivera ang katauhan ni Willy Garte.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Siya ay namatay sa lungsod ng Pasay noong ika-6 ng Setyembre, 1998, makaraang mabundol siya ng rumaragasang trak.

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Ang Di Malilimutang Pasko
  • Ang Iyong Dangal Sayang
  • Ang Pasko ay Mahalaga
  • Ano Ang Gagawin
  • Araw ng Pasko
  • Bawal na Gamot
  • Christmas ng Mahihirap
  • Hain Na Ang Utlanan
  • Hilong Hilo na Ako
  • Ikaw ang Lahat
  • Ikaw Lamang
  • Ikaw Ang Tanging Minamahal
  • Iniwan ng Liwanag
  • Kahit Sa Pangrap Lang
  • Kapakyasan sa Pasko
  • Kasalanan Ba
  • Kay Lupit ng Tadhana
  • Kilos
  • Kuilang ng Pasko
  • Lorena
  • Maligayang Pasko Sa Iyo
  • Maligayang Pasko, Bati na Tayo
  • Merry Christmas Mahal
  • Narito Na Ang Pasko
  • Nasaan Ang Liwanag'
  • Nasaan Ka
  • Pangakong Napako
  • Pasko Na
  • Piitan
  • Sana Naman
  • Tanging Regalo
  • Tibok ng Puso
  • Una't Huling Pag Ibig