Wiltime Bigtime

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Wil Time Bigtime (dating kilala bilang Willing Willie) ay isang primetime variety game show na ipinapalabas sa TV 5. Ang una nitong palabas ay inere noong 23 Oktubre 2010. Si Willie Revillame ang pangunahing host ng palabas. Ang palabas ay inihahandog ng Wil Productions, Inc. at ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes (6:00- 9:00 pm, pagkatapos ng Aksiyon) at tuwing Sabado (5:00- 7:30 pm, pagkatapos ng Sabado Sineplex). Ito ay ibinobrodkast ng live mula sa Studio A ng TV 5 Complex.

Kasaysayan[baguhin]

Unang brinodkast sa pangalan na Willing Willie, ang palabas ay nabuo bilang resulta ng pagkansela ng Wowowee at ang paglipat ni Willie Revillame sa TV 5. May bilang ng personalidad mula sa Wowowee ang lumalabas sa Willing Willie, kasama na rito sina DJ Coki Meneses (disc jockey), Owen Ercia (floor director), Anna Feliciano (choreographer), Aprilyn “Congratulations” Gustillo, Lovely Abella at ang dating ASF dancers na ngayon ay bumubuo sa WW Girls, ang in-house na grupo ng dancers ng palabas.

Alitan ng mga mananayaw[baguhin]

Dalawang miyembro ng WW Girls, si Aprilyn “Congratulation” Gustillo at si Monique “Pak” Natada, ang nasuspendi mula sa palabas noong Nobyembre ng 2010 dala ng pakikipag-alitan sa dressing room dahil sa lipstick. Noon 12 Enero 2011 naman, napatawan ng tatlong araw na suspensiyon ang WW Girls buhat ng pakikopag-away diumano ng mga mirembro ng grupo sa microblogging site na Twitter.

Mga Paratang Ukol sa Paglabag ng Copyrights[baguhin]

Noong ika-24 ng Nobyember, 2011, nagsampa ng copyright infringement case ang ABS-CBN laban kay Willi Revillame, sa Wil Productions, Inc. at sa TV5 dahil sa pagkopya diumano ng programang Wowowee ng ABS-CBN. Subalit, ang mga pagdinig sa kaso na inihain sa Makati Regional Trial Court Branch 66 sa ilalim ng hurisdiksiyon ni presiding judge Joselito C. Villarosa, ay nasuspendi pagkatapos paunlakan ng Court of Appeals ang hininging Temporary Restraining Order (TRO) ng TV 5.

Ang TV5 ay naghain naman ng petisyon para sa certiorari, pagbabawal at pagpigil sa paunang kautusan sa Court of Appeals. Bilang tugon, ang ABS-CBN ay naghain ng petisyon upang mapasawalang-saysay ang petisyon ng nauna. Noong 10 Marso 2011, ang Court of Appeals ay naglabas ng desisyon pabor sa TV5.

Kontrobersiya sa Pang-aabuso ng Karapatang Pambata[baguhin]

Noong 12 Marso 2011, ang Willing Willie ay nagtampok ng segment kung saan ang isang amin na taong gulang na bata ay nag “macho dance” bilang pagpapakita ng talento sa palabas. Noong una, ang pangyayari ay di gaano binigyan ng pansin. Nagtamo ng maraming puna ang pagyayari nang lumabas sa video sharing website na Youtube and ilang clip ng sumasayaw na bata. Noong Maso 25, isinulat ni Benjamin Pimentel ng Inquirer ang naturang pahayag, “We have a big problem if it’s OK for most people to let a big shot TV host treat a child like garbage.". Ito ay sinundan ng pagpapalabas ng pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) tatlong araw ang nakalipas na nagsasabi na ang pangyayari ay isang klarong kaso ng child abuse. Sa isang panayam sa media, mariing tinutulan ng DSWD ang ‘emotional abuse and humiliation bestowed on a six-year-old child contestant’. Ang Comission on Human Rights (CHR) ay kasalukuyang nagsasagaw ng imbestigasyon ng programa dahil sa paglabag ng Section 10 ng Republic Act No. 7610, kilala rin bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay sumasailalim rin ng mga pagdinig tungkol sa naturang isyu. Noong ika-8 ng Abril, tatlong miyembro ng MTRCB panel ay umurong mula sa kaso. Ang desisyon ng MTRCB nakatakdang ilabas sa Mayo. Ang isyu ay nagtamo ng mga negatibong puna mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines(CBCP), ilang mga sikat na personalidad sa showbiz tulad nila Jim Paredes, Bianca Gonzalez, Lea Salonga, Aiza Seguerra, Leah Navarro (ng Black and White Movement), K Brosas, Agot Isidro, Mylene Dizon (ng katunggaling programang Mara Clara) at Tuesday Vargas sa mga social networking sites tulad ng Twitter, mga kolumnista ng Philippine Daily Inquirer tulad nina Randy David, Rina Jimenez-David, Michael Tan at Benjamin Pimentel at maging mula sa mga militanteng organisasyon tulas ng GABRIELA.

Ang mga kompayang Mang Inasal, Procter and Gamble, CDO, Cebuana Lhuiller, Nutri-Asia at Unilever ay nagsitanggalan ng kanikanilang mga advertisement mula sa palabas noong unang lingo ng Abril dahil sa presyur na hatid ng kontrobersiya.

Dahil dito, inihayag ni Revillame sa publiko na ang palabas ay magsasailalim sa isang hiatus simula ika-11 ng Abril. Binalaan niya ang mga taong nanira sa kanya sa Twitter. Ayon kay Revillame, ang mga ito ay sasampahan rin ng mga kaukulang kaso. Kwinestiyon rin ni Revillame ang pag-sisingle out sa Willing Willie, habang ang mga palabas na Showtime at Goin’ Bulilit ay hindi pinuna.

Ika-18 ng Abril nang sinabi ni Revillame na hindi na niya sasampahan ng kaso ang mga personalidad na pinagsalitaan siya ng masama sa Twitter. Noong ika-25 ng Abril, ang End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) ay nagsama ng child abuse case laban kay Revillame, sa TV 5 at samga opisyal nito kasama na si Chairman Manuel V. Pangilinan. Ang DSWD ay nagsampa rin ng naturang kaso dalawang araw ang nakalipas.

Ang palabas ay hindi nagpatuloy noong ika-25 ng Abril, isang nakabitin na go-signal mula sa TV5. Noong Aril 27, iniulat ng Philippine Entertainment Portal ang pagbalik telebisyon ng palabas sa Mayo 7 na may bagong format.

3 Mayo 2011 nang nag-isyu ng isang buwang suspensiyon ang MTRCB at inilgagay ang palabas sa probationary status na nangangahulugan na nangangailangan ng daily permit ang palabas mula sa MTRCB bago ibrodkast pagkatapos iangat ang suspensiyon. Ang mga araw na lumipas mula sa unang pag-alis sa ere ng palabas noong ika-8 ng Abril ay sinama sa bilang ng MTRCB.

Pagpapamalagi sa Kahirapan[baguhin]

Sa proseso ng pagdedesisyon ng mga tadhanang parusa laban sa Willing Willie, ang MTRCB, sa isang pahayag ay nagsabi na ito ay humihingi ng pagbabago mula sa industriya ng telebisyon. Sa pahayag, napag-usapan ang isyu ng atraksiyon na dala ng palabas at ng mga programang tulad nito sa pamamagitan ng pagbigay ng mga ‘quick fixes’ sa mga problema ng mga manood sa kahirapan, isa na rito ang pagbibigay ng prize money.

Sa decision ng board na pagsuspendi sa Willing Willie, nakasulat:

"The MTRCB as a government regulatory agency, and as a stakeholder in the television industry, realize the value of setting a good example to the viewing public in general, who are composed of all gender[s] and of all ages, and especially to children. We should always promote the good, and not condone what is reckless. There is a very thin line between exposition and exploitation.

When an uneducated impoverished man is in front of us, we are confronted with the question: "What should we do?" To teach by setting a good example, and not take advantage of his state, and never allow him to wallow in his miseries.

A quick fix does not solve anything permanent. The state of the Philippine television industry is a product of a long process of compromises, and quick-fixes. These quick fixes may be likened to drugs that are so addicting we end up being trapped in its unending cycles of perpetuating poverty, and uneven power relations.

There is a saying that goes: "Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime." False hopes can never be a solution."

Wil Time Bigtime[baguhin]

Noong 9 Mayo 2011, inulat ni Cristy Fermin sa Juicy! Express na magbabalik ang palabas sa ilalim ng bagong pangalan na Wil Time Bigtime sa ika-14 ng Mayo.

References[baguhin]