Yan Fu

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Yan Fu
Kapanganakan 8 Enero 1854(1854-01-08)
China Qing Dynasty Flag 1889.svg Houguan, Fujian, Qing Empire
Kamatayan 27 Oktubre 1921 (edad 67)
Watawat ng Republika ng Tsina Guanhang, Fuzhulang, Republic of China
Alma mater Royal Naval College
Pamagat President of Fudan University
Kataga 1906-1907
Sinundan Ma Xiangbo 馬相伯
Kahalili Xia Jing'guan 夏敬觀
Partidong pampulitika Kuomintang

Si Yan Fu (pinapayak na Intsik: 严复tradisyunal na Intsik: 嚴復pinyin: Yán Fù; Wade-Giles: Yen² Fu⁴; courtesy name: Ji Dao, 幾道; 8 Enero 1854 — 27 Oktubre 1921) ay isang skolar na Tsino at tagapagsalin sa wikang Tsino na pinakakilala sa kanyang pagpapakilala ng mga ideyang kanluranin sa Tsina kabilang ang mga ideya ni Charles Darwin noong ika-19 na siglo. Siya ay kinikilala sa kanyang mga salin sa wikang Tsino ng Evolution and Ethics ni Thomas Huxley, Wealth of Nations ni Adam Smith, at On Liberty and Herbert Spencer's Study of Sociology ni John Stuart Mill.

Teoriya ng pagsasalin[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinaad ni yan sa pauna ng kanyang salin sa wikang Tsino ng Evolution and Ethics (天演論) na may tatlong kahirapan sa pagsasalin: katapatan, paghahayag at pagiging elegante" (譯事三難:信達雅). Simula ng pagkakalimbag ng kanyang mga salin, ang pariralang "katapatan, paghahayag, at pagiging elegante" ay itinuturo kay Yan Fu bilang pamantyan ng anumang mabuting salin at naging isang cliché sa mga pangkat na Akademiko na Tsino na nagpalitaw ng maraming mga debate.