Yip man

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Yip Man (1 Oktubre 1893 – 2 Disyembre 1972), na maaari ding maispel na Ip Man [1], at kilala rin bilang Yip Kai- Man, ay isang Tsinong marsyal artist. Marami siyang naging mga mag-aaral na naging magagaling na guro sa marsyal arts sa kanilang sariling panahon. Isa na sa mga ito si Bruce Lee.

Kabataan[baguhin]

Si Yip ay anak nila Yip Oi-dor at Ng Shui. Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Siya ay lumaki sa isang mayamang pamilya sa Foshan, Guangdong at doon din ay nakatanggap ng tradisyunal na edukasyong Tsino. Ang pangalan nang kanyang mga kapatid ay sina Yip Kai-gak (lalake), Yip Wan-mei (babae) at si Yip Wan-hum(babae)[2].

Si Yip ay nagsimulang matuto ng Wing Chun mula kay Chan Wah-shun noong siya ay 13 na taong guang. Dahil si Chan ay 70 taong gulang na noong panahong iyon, si Yip na ang kanyang naging huling mag-aaral[3][4]. Dahil sa edad ng kanyang guro, natutunan ni Yip ang karamihan ng kanyang galaw at pamamaraan mula sa pangalawang pinakamatandang mag-aaral ni Chan na si Ng Chung-sok. Si Chan ay namatay tatlong taon pagkatapos magsimulang mag-aral ni Yip at isa sa kanyang kahilingan ay para kay Ng na ipagpatuloy ang pagtuturo kay Yip.

Sa edad na 15, si Yip ay pumuntang Hong Kong sa tulong nang kanyang kamag-anak na si Leung Fut-ting. Makalipas ang isang taon, siya ay pumasok sa St. Stephen’s College na isang sekondaryang paaralan para sa mayayamang pamilya at banyaga na nakatira sa Hong Kong[2]. Noong si Yip ay nasa St. Stephen’s, nakita niya ang mga pulis opisyal na binubugbog ang isang babae at siya ay nakialam[2]. Nagtangkang atakihin ng opisyal si Yip pero sinuntok ni Yip ang opisyal at tumakbo kasama ng kanyang kamag-aral papuntang paaralan. Naikwento nang kanyang kamag-aral ang nangyari sa isang matandang lalake na nakatira sa kanilang apartment. Ang lalakeng ito ay nakipagkita kay Yip at nagtanong siya king anong marsyal art ang kanyang ginagamit. SInabi ng lalake kay Yip na ang kanyang porma ay hindi masyadong magaling[2]. Hinamon ng lalake si Yip gamit ang kanyang sariling marsyal art na chi sao (isang porma ng pagsasanay kung saan kontrolado ang pagatake at depensa). Nakita ito ni Yip na isang oportunidad para mapatunayan ang kanyang galling pero siya ay natalo pagkatapos matamaan nang ilang beses. Nagpakilala ang kanyang katunggali bilang si Leung Bik, isang nakakatanda kay Chan Wah-shun at anak ng guro ni Chan na si Leung Jan. Pagkatapos ng paglalabang ito, ipinagpatuly ni Yip ang kanyang pag-aaral sa tulong ni Leung Bik.

Si Yip ay bumalik sa Foshan noong siya ay 24 na taong gulang at naging isang pulis[2]. Siya ay nagturo ng Wing Chun sa ilang katrabaho, kaibigan at kamag-anak pero hindi siya opisyal na nagpatakbo ng isang paaralan tungkol sa marsyal arts. Ilan sa kanyang mga naging mag-aaral ay sina Lok Yiu, Chow Kwong-yue, Kwok Fu, Lun Kah, Chan Chi-sun at Lui Ying. Sa mga nabanggit, sinasabing si Chow Kwong-yue ang pinakamagaling pero hindi kalaunan ay pinagtuunan niya ng pansin ang komersyo at tumigil sa pag-aaral ng marsyal arts. Sina Kwok Fu and Lun Kah ay nagpatuloy sa pagtuturo ng kanilang sariling mga mag-aaral at ipinasa nila ang Wing Chun sa rehiyon ng Foshan at Guangdong. Sina Chang Chi-sun at Lui Ying ay pumuntang Hong Kong pero hindi na tumanggap ng mga mag-aaral. Si Yip ay tumira kasama ni Kwok Fu noong pangalawang gera ng Sino-Hapon at bumalik lamang ng Foshan pagkatapos nito kung saan ipinag patuloy niya ang kanyang trabaho bilang isang pulis. Si Yip ay umalis ng Foshan at pumuntang Hong Kong noong 1949 matapos italaga ng Chinese Communist Party ang People’s Republic of China sa Chinese mainland. SI Yip ay isang opisyal ng Kuomintang (Chinese Nationalist Party), ang kalaban ng mga komunista noong gerang sibil ng Tsina[5].

Buhay sa Hong Kong[baguhin]

Sa simula, ang negosyo ni Yip na pagtuturo ng marsyal arts ay naging mahina dahil kaunting mga mag-aaral lamang ang tumatagal ng ilang buwan. Siya ay dalwang beses na naglipat ng paaralan. Una ay sa Castle Peak Road na nasa Sham Shui Po at pangalwa ay sa Lee Tat Street na nasa Yau Ma Tei. Simula noon, ang kanyang mga mag-aaral ay naabot na ang galing na matuto ng Wing Chun at makapagsimula ng kanilang mga sariling paaralan. Ilan sa kanyang mga mag-aaral ay nakipagkompitensya sa ibang mga marsyal artists para makumpara ang kanilang galing at ang kanilang mga panalo ay nagpataas sa reputasyon ni Yip. Noong 1967, si Yip at ilan sa kanyang mga mag-aaral ay nagtayo ng Hong Kong Wing Chun Athletic Association.

Si Yip ay sinasabing regular na gumagamit ng opium[6]. Isa sa kanyang mga dating mag-aaral na si Duncan Leung ay sinabing ginagamit ni Yip ang pera mula sa matrikula upang masuportahan ang kanyang pagkalulong sa opium[7].

Pagkamatay at Pamana[baguhin]

Si Yip ay namatay noong 2 Disyembre 1972 dahil sa kanser sa lalamunan[8].

Ang kanyang pamana ay ang pag-aaral ng Wing Chun sa buong mundo. Ilan sa kanyang magagaling na mag-aaral ay sina Leung Sheung, Lok Yiu, Leung Ting, Chu Shong-tin, Wong Shun leung, Wong Kiu, Yip Bo-ching, William Cheung, Hawkins Cheung, Bruce Lee, Wong Long, Wong Chok, Law Bing, Lee Shing, Ho Kam-ming, Moy Yat, Duncan Leung, Derek Fung Ping-bor, Chris Chan CHing, Viktor Kan Wah Chit, Stanley Chan, Chow Sze, Chuen, Tam Lai, Lee Che-kong, Kang Sin-sin, Simon Lau, ang kanyang pamangkin na si Lo Man-kam at mga anak na sina Ip Ching at Ip Chun.

Nag-iwan din si Yip ng isang tala tungkol sa Wing Chun,[9]. Maraming sa kanyang kagamitan ay makikita sa museo ng “Yip Man Tong” sa Foshan Ancestral Temple[10].

Sa Kulturan Popular[baguhin]

Ang Ip Man, ay isang pelikula na nakabase sa buhay ni Yip Man. Ito ay inilabas sa mga sinehan noong 2008 at si Donnie Yen ang gumanap na marsyal artist. Ang pelikula ay nagkaroon ng ilang mga pagkakaiba mula sa buhay ni Yip para magkaroon ng karagdagang drama ang istorya. Ang panganay na anak ni Yip na si Ip Chun ay lumabas sa pelikula at nagsilbing kasangguni sa proyektong ito. Ang pelikula ay nagpokus sa buhay ni Yip noong 1930s hanngang 1940s. Ang proyektong ito ang unang pelikulang nakabase sa buhay ni Yip. Ang kasunod nitong Ip Man 2 ay nagpokus sa pagsisimula ni Yip sa Hong Kong kasama ang kanyang mga disipulo kasama na si Bruce Lee. Isa pang pelikula ang lumabas tungkol kay Yip na may pamagat na The Legend is Born- Ip Man. Ito ay inilabas sa mga sinehan noong Hunyo 2010. Si Herman Yau ang director ng pelikula at si Dennis To ang gumanap na Yip Man. Si Ip Chun ay nagkaroon ng espesyal na paglabas sa pelikula bilang si Leung Bik.

Ang pelikula ni Wong Kar-wai na The Grandmaster kung saan si Tony Leung ang gaganap na Yip Man ay nakatakdang ilabas ngayong 2012. Si Yu Chenghui ay gumanap na Yip Man sa The Legend of Bruce Lee[11], isang serye sa telebisyon noong 2008 na nakabase sa buhay ni Bruce Lee na isa sa mga mag-aaral ni Yip.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. As written in Romanised text in his passport which is on display in the Yip Man Tong museum in Foshan in China.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Title: Yip Man – Portrait of a Kung Fu Master, Page:3, Author(s): Ip Ching and Ron Heimberger, Paperback: 116 pages, Publisher: Cedar Fort (23 January 2001), Language: English, ISBN 1-55517-516-3, ISBN 978-1-55517-516-0
  3. "Sam kwok Wing Chun – Yip Man Family Tree". Kwokwingchun.co.uk. http://www.kwokwingchun.co.uk/history-family-tree. Hinango noong 29 November 2011. 
  4. Mastering Wing Chun, By Samuel Kwok
  5. http://www.kwokwingchun.co.uk/ip-man-biography
  6. Bruce Lee: Fighting Spirit: A Biography, Bruce Thomas, p. 208 "Both Bruce's father and even his wing chun master Yip Man were no strangers to the opium pipe."
  7. http://www.atimes.com/atimes/China/KE16Ad02.html
  8. Title: Complete Wing Chun: The Definitive Guide to Wing Chun's History and Traditions, Author(s): ~ Robert Chu, Rene Ritchie,Y. Wu, Page:9, Paperback: 160 pages, Publisher: Tuttle Publishing; 1st edition (15 June 1998), Language: English, ISBN 0-8048-3141-6, ISBN 978-0-8048-3141-3
  9. "chinese-history"
  10. "Ip Man tong virtual tour". Foshanmuseum.com. http://www.foshanmuseum.com/ymt/ymt.htm. Hinango noong 29 November 2011. 
  11. "Ip Man (Character)". http://www.imdb.com/character/ch0143340/. Hinango noong 4 Feb 2011. "TV episode, Played by Cheng-Hui Yu (as Ye Wen)"