Yoyoy Villame

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Yoyoy Villame (Roman Villame ang tunay na pangalan; ipinanganak noong 18 Nobyembre 1932) ay isang artista, manunulat ng awit at mang-aawit na Pilipino at lumuwas ng Maynila para ipagpatuloy ang hilig sa pagkanta. Namatay siya sa atake sa puso noong 2007.

Nakagawa siya ng isang importanteng papel sa pelikulang Biktima noong 1974 kung saan inipit siya ng kotse ni Vilma Santos sa isang talyer hanggang sa mamatay. Una siyang gumanap na title role sa pelikulang Barok Goes to Hong Kong.

Nakakontrata sa Plaka Pilipino Records at unang sumabog ang awitin niya noong 1977 ang "Mag-Exercise Tayo" at nasundan pa ng ilang mga hit na bumenta sa panlasa ng mga Pilipino bagay na siya ang hari ng novelty. Anak niya si Hannah Villame na isa ring mang-aawit na kadalasang kasama niya ngayon sa mga konsiyerto niya.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.