Yuko Nakazawa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Yuko Nakazawa (中澤裕子 Nakazawa Yuko; ipinanganak noong Hunyo 19, 1973 sa Kyoto Prefecture ng bansang Hapon) ay isang Hapones na mang-aawit at aktress, kilala bilang isa sa mga miyembrong nagtatag ng grupong Morning Musume. Sa kasalukuyan, siya ay isang solo artist at isa sa mga punong abala ng palabas na Hello! Morning.

Karera[baguhin]

Si Yuko ay isa sa limang runner-up na sumali sa isang paligsahan upang maging bagong idolo ng isang rock band sa bansang Hapon. Pagkatapos ng timpalak, ang musikero at produser na si Tsunku ay binigyan siya pati ang iba pang runner-up (Kaori Iida, Aya Ishiguro, Natsumi Abe, at Asuka Fukuda) ng pagkakataon na maging ganap na mang-aawit sa pamamahala ni Tsunku, sa isang kondisyon: dapat silang magbenta ng 50,000 CDs ng kanilang awit na "Ai no Tane" sa loob ng limang araw. Ang lima ay nagtagumpay sa loob lamang ng apat na araw at, kaya, sinilang ang grupong Morning Musume sa taong 1997 (at ang kanilang opisyal na unang single na "Morning Coffee" ay inilabasa sa taong 1998). Sila ay kilala at matagumpay ngunit, ilang tao ang naiilang dahil sa pagpapalitpalit ng mga miyembro ng grupo, pati na rin sa "pagtapos" o pag-alis ng mga miyembro.

Pagkatapos ng pagbuo ng grupo, kaagad gumawa si Yuko ng sariling karera bilang isang mang-aawit noong taong 1998. Siya ay nagsimulang umawit ng mga awit na nasa istilong enka (isang tradisyonal na pag-awit ng mga Hapones) pero unti-unting umaawit ng mga mababagal at magulang na mga awitin kaysa sa mga awit ng Hello! Project (isang kompanya na humahawak sa grupong Morning Musume at iba pang grupo).

Lagi siyang nakikitang umaawit sa palabas ng Hello! Project na "Folk Songs," kung saan siya pati na rin ang ibang miyembro at grupo sa pamamahala ng Hello! Project ay umaawit ng tradisyonal na mga kanta. Siya rin ay inilagay sa Akagumi 4, isang grupong lumabas sa taong 2000. Sa Morning Musume, siya ay madalas na umaawit sa likod o background at may kakaunting sariling linya sa kanta.

Bilang pinakamatanda ng unang henerasyon ng Morning Musume (siya ay dalamput-apat noong binubuo pa ang grupo at magiging dalamput-walo noong siya ay "nagtapos" sa grupo), si Yuko ay ginawang pinuno ng grupo hanggang siya ay umalis noong taong 2001. Sa kanyang pagpapaliwanag para sa kanyang "pagtatapos," sinabi niya na gusto niyang gumawa ng maraming bagay bago siya maging trenta anyos. Sa kanyang pagtatapos, siya ay mas matanda kay Ai Kago, ang pinakabatang miyembro ng tropa sa edad na labing-tatlo, ng labing-apat na taon.

Pagkatapos ng kanyang pag-alis, nagtrabaho rin si Yuko sa mga Japanese drama (katulad sa "Beauty 7" at "Home Maker") at ipinagpatuloy ang sariling karir bilang mang-aawit. Siya pa rin ay nagtratrabaho kasama ang Morning Musume, at laging host ng palabas na "Hello! Morning".

Diskograpiya[baguhin]

Mga album[baguhin]

Mga single[baguhin]

Filmograpiya[baguhin]

Mga palabas sa telebisyon[baguhin]

Mga pelikula[baguhin]

Pahayagan[baguhin]

Mga photobook[baguhin]

Kiwi panglabas[baguhin]


Hello! Project: Morning Musume
Mga Miyembro
Ai Takahashi (pinuno) | Risa Niigaki (bise-pinuno) | Eri Kamei | Sayumi Michishige | Reina Tanaka | Koharu Kusumi | Aika Mitsui | Jun Jun | Lin Lin
Asuka Fukuda | Aya Ishiguro | Sayaka Ichii | Yuko Nakazawa | Maki Goto | Kei Yasuda | Natsumi Abe | Nozomi Tsuji | Ai Kago | Kaori Iida | Mari Yaguchi | Rika Ishikawa | Asami Konno | Makoto Ogawa | Hitomi Yoshizawa | Miki Fujimoto
Diskograpiya
Mga Single: 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35
Mga Opisyal na Album: First Time | Second Morning | 3rd -Love Paradise- | 4th "Ikimashoi!" | No.5 | Ai no Dai 6Kan | Rainbow 7 | 7.5 Fuyu Fuyu Morning Musume Mini! | Sexy 8 Beat
Mga Best-of Album: Best! Morning Musume 1 | Best! Morning Musume 2 | Early Single Box | All Singles Complete