Yungib ng Son Doong

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Yungib ng Son Doong (Biyetnames: Hang Sơn Đoòng) ay bahagi ng Pambansang Liwasang Phong Nha-Ke Bang sa Distrito ng Bo Trach, Quang Binh, Biyetnam. Mga 40 km ito sa hilaga ng lungsod ng Dong Hoi at 450 km sa hilaga ng Hanoi. Malapit ang yungib sa hangganan ng Biyetnam at Laos.

Unang natagpuan ang yungib noong 1991 ni Hồ-Khanh, isang lokal na tao, ngunit hindi ito ipinakilala sa publiko hanggang natuklasan ito ng isang grupo ng mga siyentistang Briton mula sa British Cave Research Association noong 2009. Sa pagtuklas nito, ito ngayon ang pinakamalaking yungib sa mundo, kung saan kinuha nito ang titulo mula sa Yungib Usa sa Malaysia.[1][2]

Mga sanggunian[baguhin]



Biyetnam Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyetnam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.