Zorro (komiks)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Zorro

Capistrano2.jpg
Unang paglabas ni Zorro
The Curse of Capistrano
(Ang Sumpa ni Capistrano)

Tagapaglathala Zorro Productions, Inc.
Unang labas All-Story Weekly (1919)
Nilikha ni Johnston McCulley
Mga katangian
Pangalawang sarili - Don Diego (de la) Vega
(orihinal, magkakaibang kahalili sa iba't ibang mga bersyon)
Kakayahan Superyor na atleta, kabalyero, eskrimador, tirador, at lumalaban na walang armas

Si Zorro (orihinal na tinatawag bilang Señor Zorro) ay isang kathang-isip na tauhan na nilikha ni Johnston McCulley noong 1919. Natampok si Zorro sa ilang mga aklat, pelikula, serye sa telebisyon at ibang midya.

Ginagamit ni Zorro (Kastila para sa soro) ang sikretong pagkakilanlang pangalan na Don Diego de la Vega (orihinal Don Diego Vega), isang maharlika at eskrimador na namuhay noong panahon ng kolonyal na Kastila sa Kalipornya. Dumaan sa mga pagbabago ang katauhan sa paglipas ng panahon, ngunit tipikal ang imahe ni Zorro na bandidong may itim na maskara na pinagtatanggol ang mga tao sa kanilang lupa laban sa mga malupit na mga opisyal at ibang kontrabida. Hindi lamang siya tuso na parang soro na mahirap hulihin ng mga awtoridad, ngunit hinihiya niya ang kanyang mga kalaban upang bigyan kasiyahan ang publiko.



Komiks Ang lathalaing ito na tungkol sa Komiks ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.