Pumunta sa nilalaman

Pangunahing pagkain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Staple food)
Pamanang bigas mula sa Cordillera

Ang pangunahing pagkain, pagkaing isteypol, o isteypol lamang, ay isang pagkain na madalas kinakain at sa ganoong dami ay bumubuo ng karamihang bahagi ng isang karaniwang diyeta para sa isang indibidwal o isang pangkat ng populasyon, na nagbibigay ng malaking bahagi ng kinakailangang enerhiya at bumubuo rin ng makabuluhang proporsiyon ng pagkonsumo ng mga iba pang sustansiya.[1] Kapag tao ang pinag-uusapan, araw-araw o sa bawat kainan kinakain ang isteypol ng isang partikular na lipunan, at nabubuhay ang karamihan ng mga tao sa diyetang batay lamang sa iilang baryante ng isteypol.[2] Nag-iiba ang mga isteypol sa bawat lugar, ngunit tipikal na mura at madaling hanapin ang mga ganitong pagkain na nagsusuplay ng isa o higit pa sa mga makrosustansiya at mikrosustansiya na kinakailangan para mabuhay at maging malusog: mga karbohidrata, protina, taba, mineral, at bitamina.[1] Kabilang sa mga karaniwang halimbawa ang mga butil (siryal at legumbre), binhi, nuwes at halamang-ugat (mga bukol at ugat). Sa mga ito, bumubuo sa halos 90% ng pagkonsumo ng kaloriyang de-pagkain sa mundo ang mga siryal (bigas, trigo, obena, mais, atbp.), mga legumbre (lentehas at bins) at mga bukol (e.g. patatas, gabi at tugi).[1]

Uri[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinahango ang mga pangunahing pagkain mula sa mga produktong halaman o hayop na natutunaw ng tiyan ng mga tao at maaaring isuplay nang maramihan. Kabilang sa mga karaniwang isteypol na de-halaman ang mga siryal (hal. bigas, trigo, mais, dawa, sebada, obena, senteno, espelta, emmer, triticale at batad), mga magawgaw na bukol (hal. patatas, kamote, tugi at gabi) o mga halamang-ugat (hal. kamoteng-kahoy, pulang singkamas, karot, rutabaga), at mga pinatuyong legumbre (lentehas at bins).[3] Kabilang sa mga de-hayop na isteypol ang mga iba't ibang uri ng karne (kadalasan mga pinaghahayupan at poltri), isda, itlog, gatas at produktong de-gatas (hal. keso).[2] Kabilang sa mga ibang pangunahing pagkain ang sago (hango sa ubod ng punong palma),[4] at mga malalaki at malalamang prutas (hal. rimas, breadnut, niyog at platano). Maaari ring isama ang mga prosesadong produktong pagkain (depende sa rehiyon) tulad ng langis ng oliba, langis ng niyog, at asukal.[5][6][7]

Karaniwan, ang mga pangunahing pagkain ay halaman, dahil kadalasang mahal ang mga karne at pinakain ng mga nakakaing halaman. Malimit mas mapaggagamitan, mas maraming sustansiya, at hindi napapanis kaagad ang mga pananim kumpara sa karne. Kabilang sa mga eksepsiyon ang paghahayupan sa mga rehiyon kung saan hindi makakain ng mga tao ang mga halaman sa paligid, tulad ng sa Mongolya (tupa), sa rehiyon ng mga Sioux (bison), at mga Sami (karibu).[8][9][10]

Galeriya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 Su, Wen-Hao; He, Hong-Ju; Sun, Da-Wen (24 Marso 2017). "Non-Destructive and rapid evaluation of staple foods quality by using spectroscopic techniques: A review". Critical Reviews in Food Science and Nutrition. 57 (5): 1039–1051. doi:10.1080/10408398.2015.1082966. ISSN 1040-8398. PMID 26480047.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 United Nations Food and Agriculture Organization: Agriculture and Consumer Protection. "Dimensions of Need - Staples: What do people eat?". Nakuha noong 15 Oktubre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Around the world in dishes made with pulses" [Palibot sa daigdig sa mga putaheng gawa sa mga legumbre]. Food and Agricultural Organisation of the United Nations (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 2015. Nakuha noong 23 Setyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The Sago Palm: The Food and Environmental Challenges of the 21st Century [Ang Palmang Sago: Ang Mga Hamon sa Pagkain at Kalikasan ng Ika-21 Siglo] (sa wikang Ingles). Kyoto University Press. 2015. p. 331. ISBN 978-1-920901-13-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "African Food Staples" [Mga Pangunahing Pagkain ng Aprika] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Olive Oil & Health - All Olive Oil" [Langis ng Oliba & Kalusugan - Lahat Langis ng Oliba] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "How Sugar Went From a Condiment to a Diet Staple" [Asukal na Dating Kondimento, Paano Naging Pandiyetang Isteypol]. Time (sa wikang Ingles).
  8. "Bidos". Marso 26, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Sustainability of the Indigenous People's food system. 2021. doi:10.4060/cb5131en. ISBN 978-92-5-134561-0. {{cite book}}: |website= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hill, Christina Gish (Mayo 2, 2016). "Precolonial Foodways". The Routledge History of American Foodways [Ang Kasaysayang Routledge ng Mga Amerikanong Gawi sa Pagkain] (sa wikang Ingles). Routledge. doi:10.4324/9781315871271-3/precolonial-foodways-christina-gish-hill (di-aktibo 2024-05-08). ISBN 978-1-315-87127-1.{{cite book}}: CS1 maint: DOI inactive as of Mayo 2024 (link) CS1 maint: date auto-translated (link)