Íngrid Betancourt

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Íngrid Betancourt
Íngrid Betancourt mentre guarda la Torre di Pisa.jpg
Senador ng Colombia
In office
20 Hulyo 1998 – 23 Pebrero 2002
Pansariling detalye
Ipinanganak (1961-12-25) Disyembre 25, 1961 (edad 57)
Bogotá, Colombia
Partidong pampolitikaPartidong Oxygen Green
(Mga) AsawaFabrice Delloye (m. 1983, div. 1990s)
Juan Carlos Lecompte[1]
ChildrenMelanie Delloye, Lorenzo Delloye
ResidenceBogotá
OccupationSyentipikong Pampolitika, politiko

Si Íngrid Betancourt (ipisinilang noong 25 Disyembre 1961)[1] ay isang politikong sa Colombia, dating senador at aktibistang kalaban ng korupsiyon. Kinidnap ng mga Rebolusyonaryong Puwersadong Armado ng Kolombya (FARC) noong 23 Pebrero 2002 at naligtas mula sa pagkakabihag makaraan ang anim at kalahating taon, kasama ang 14 pang mga bihag panagot (tatlong Amerikano at 11 Kolombyanong pulis at sundalo). Isinagawa ang pagsagip ng lakas pangseguridad ng Colombia noong 2 Hulyo 2008 sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga FARC na napaniwalang sila ay mga makakaliwang di-pampamahalaang organisasyon.[2][3] Sa kabuoan, nanatiling bihag siya sa loob ng 2,321 mga araw matapos na dukutin habang nangangampanya para sa halalang pam-pangulo noong 2002, sa ilalim ng partidong Oxygen Green, matapos na magpasyang mangampanya sa isang pook na mas mataas na bilang mga gerilya bagaman binigyan siya ng mga babala ng gobyerno, pulis at militar. Tumanggap ang pagdukot sa kaniya ng malawakang pagtanaw ng midya sa Pransiya dahil sa kaniyang pagiging Pransesang nasyonal. Nakiisa ang pamahalaan ng Pransiya sa pagiging tagapamagitan at tagapagtulak ng paglaya niya at ng lahat ng mga prisonerong bihag mga gerilya ng FARC.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Profile: Ingrid Betancourt". BBC News. 2008-02-28. Hinango noong 2008-04-08.
  2. "Colombia: Betancourt, US hostages freed". The Associated Press. 2008-07-02. Hinango noong 2008-07-02. Check date values in: |date= (tulong)
  3. "Colombia hostage Betancourt freed". BBC News. British Broadcasting Corporation. 2008-07-03. Hinango noong 2008-07-03.