1914
Ang 1914 (MCMXIV) ay isang karaniwang taon na nagsimula sa Huwebes ayon sa Kalendaryong Gregoryano at isang karaniwang taon na nagsimula sa Miyerkules ayon sa Kalendaryong Juliyano. Ito ang ika-1914 na taon ng Karaniwang Panahon (Common Era o CE) at Anno Domini (AD), ang ika-914 na taon ng ikalawang milenyo, ang ika-14 na taon ng ika-20 dantaon, at ang ika-5 taon ng dekada 1910. Pagsapit ng simula ng 1914, ang Kalendaryong Gregoryano ay 13 araw na nauuna sa Kalendaryong Juliyano, na nanatiling ginagamit sa ilang lugar hanggang 1923.
Sa taong ito nagsimula ang kalauna'y tinawag na Unang Digmaang Pandaigdig, matapos paslangin ang tagapagmana ng trono ng Austriya na si Arkiduke Franz Ferdinand ng Austriya ng nasyonalistang Serbiyo na si Gavrilo Princip. Nasaksihan din sa taong ito ang pagkakatatag ng kauna-unahang kompanya ng eroplano na nagbigay ng nakaiskedyul at regular na komersiyal na serbisyo sa mga pasahero gamit ang mga sasakyang panghimpapawid na mas mabigat kaysa hangin, sa pamamagitan ng Linyang Airboat na San Petersburgo–Tampa.
Sa taon din ito nairehistro ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo sa Pamahalaang Insular ng Kapuluang Pilipinas. Ang pagkakarehistro noong Hulyo 27, 1914 ay may malalim na hula dahil sumabay ito sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ang itinuturing nilang katuparan ng propesiya sa Bibliya ukol sa pagbabalik ng tunay na iglesya sa "mga wakas ng lupa."[1]
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Enero 1 – Nagsimulang magbigay ng serbisyo ang Linyang Airboat na San Petersburgo–Tampa sa pagitan ng San Petersburgo at Tampa, Florida, sa Estados Unidos. Ito ang naging kauna-unahang kompanya ng eroplano na nagbigay ng nakaiskedyul at regular na komersiyal na serbisyo sa mga pasahero gamit ang mga sasakyang panghimpapawid na mas mabigat kaysa hangin.[2]
- Pebrero 12 – Sa Washington, D.C., inilagay ang unang batong-panulok ng Pambansang Alaala ni Lincoln.[3]
- Marso 27 – Isinagawa ng Belhikang siruhanong si Albert Hustin ang kauna-unahang matagumpay na hindi tuwirang pagsasalin ng dugo, gamit ang mga pampigil sa pamumuo ng dugo (anticoagulants).[4]
- Abril 23 – Nabigyan ng opisyal na pagkilala ang wikang Afrikaans nang talumpatian ni Cornelis Jacobus Langenhoven ang kapulungang Ingles ng Konsehong Panlalawigan ng Cape.[5]
- Mayo 18 – Nilagdaan ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas na si Francis Burton Harrison ang isang kautusang tagapagpaganap upang italaga ang 6,675.56 ektarya (16,495.7 akre) ng mga maalat na bukal at kabundukang may kagubatan bilang bahagi ng Salinas Forest Reserve (na kalaunan ay ipinahayag bilang Likas na Bantayog ng Salinas noong 2000).[6]
- Hunyo 28 – Pagpaslang kay Arkiduke Franz Ferdinand ng Austriya: Pinaslang ng 19-na-taong-gulang na nasyonalistang Serbiyo na si Gavrilo Princip si Arkiduke Franz Ferdinand ng Austriya at ang kaniyang asawa na si Dukesa Sophie sa Sarajevo, Bosniya at Hersegobina. Ang pangyayaring ito ang nagpasiklab sa Krisis ng Hulyo, na kalaunan ay humantong sa Unang Digmaang Pandaigdig. Sumiklab din ang mga kaguluhang laban sa mga Serbiyo sa Sarajevo at Zagreb.[7]
- Hulyo 13 – Ipinalista ni Felix Ysagun Manalo sa Pamahalaan ng Pilipinas ang Iglesia ni Cristo bilang isang corporation sole at rehistradong samahang panrelihiyon na nagngangalang Iglesia ni Kristo.[8][9]
- Agosto 31 – Idinaos ng Batikano ang isang konklabe ng papa upang pumili ng kahalili ni Papa Pio X, na namatay noong Agosto 20.[10]
- Setyembre 3 – Humalili si Papa Benedicto XV (Giacomo della Chiesa) kay Papa Pio X.[11]
- Oktubre 4 – Isang lindol na may lakas na 7.0 sa sukatang lakas ng along pang-ibabaw ang yumanig sa Lawa ng Burdur sa timog-kanlurang Turkiya, na nagdulot ng tinatayang 4,000 pagkamatay at sumira sa mahigit 17,000 tahanan.[12]
- Nobyembre 24 – Pinatalsik si Benito Mussolini mula sa Partidong Sosyalista ng Italya.[13]
- Disyembre 18 – Naging protektorado ng Britanya ang Ehipto.[14]
Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Iglesia ni Cristo (INC) | Description, Religion, Church, & Beliefs | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2026-07-21. Nakuha noong 2026-08-05.
- ↑ FAA Aviation News (sa wikang Ingles). Office of Public Affairs, Federal Aviation Agency. 1967. p. 12.
- ↑ United States Office of Public Buildings and Public Parks of the National Capital (1927). Concklin, Edward Franklin (pat.). The Lincoln Memorial, Washington (sa wikang Ingles). United States Government Publishing Office|United States Government Printing Office. p. 466.
- ↑ Atkinson, Richard Stuart; Boulton, T. B., mga pat. (1989). The History of Anaesthesia (sa wikang Ingles). Royal Society of Medicine Services. pp. 436–440. ISBN 978-0-929858-18-0.
- ↑ South African Panorama (sa wikang Ingles). Bol. 18. South African Information Service. 1956. p. 19.
- ↑ "Pamphlets on Forestry in the Philippine Islands, Vol. 1" (sa wikang Ingles). Forgotten Books: London. Nakuha noong 25 Oktubre 2014.
- ↑ "June 28, 1914". National WWI Museum and Memorial (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-04-06.
- ↑ "Iglesia ni Kristo Registration Document 1914". 14 July 1914. Nakuha noong 30 May 2020.
- ↑ Ayabe, Tsuneo, pat. (1998). Nation-state, Identity, and Religion in Southeast Asia (sa wikang Ingles). Singapore Society of Asian Studies. p. 127. ISBN 978-9971-9903-5-0. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2023. Nakuha noong Abril 26, 2021.
- ↑ "Conclave of August 31 - September 3, 1914 (Benedict XV)". The Cardinals of the Holy Roman Church - Conclaves of the 20th Century (1903–1978) (sa wikang Ingles). Salvador Miranda. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2011. Nakuha noong 11 Oktubre 2015.
- ↑ Paulet, R. (2014-01-17). Twentieth Century in Review: The Good, Bad, and Ugly (sa wikang Ingles). Dorrance Publishing. p. 3. ISBN 978-1-4349-2875-7.
- ↑ Ozer, N. (2006). "New information on earthquake history of the Aksehir-Afyon Graben System, Turkey, since the second half of 18th century" (PDF). Natural Hazards and Earth System Sciences (sa wikang Ingles). 6 (6). European Geosciences Union: 1020. Bibcode:2006NHESS...6.1017O. doi:10.5194/nhess-6-1017-2006.
- ↑ Collier, Richard (1971). Duce!: A Biography of Benito Mussolini (sa wikang Ingles). Viking Press. p. 47. ISBN 978-0-670-28603-4. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2023. Nakuha noong Abril 19, 2021.
- ↑ "Egypt: a constitution". Time (sa wikang Ingles). 1923-04-28. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2007. Nakuha noong 2012-08-24.