2012 (pelikula)
![]() |
Ang artikulong ito ay maaaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. (Enero 2010) |
2012 | |
---|---|
![]() Poster pangsinehan
|
|
Mga itinatampok na pagaganap |
John Cusack Chiwetel Ejiofor Amanda Peet Thandie Newton Oliver Platt Zlatko Burić Beatrice Rosen Chin Han Jimi Mistry Johann Urb Morgan Lily Liam James John Billingsley Thomas McCarthy Blu Mankuma George Segal Osric Chau Stephen McHattie with Danny Glover and Woody Harrelson |
Sinematograpiya | Dean Semler |
Tagapag-edit | David Brenner Peter S. Elliott |
Estudyo | Centropolis Entertainment |
Ipinamahagi ng | Columbia Pictures |
Petsa ng pagpapalabas |
Nobyembre 11, 2009 Nobyembre 13, 2009 (Domestic) |
(Premiere)
Haba | 158 min |
Badyet | $200 milyon[1] |
Kabuuang kita | $711,248,923[2] |
Ang 2012 ay isang pelikulang amerikano na ginawa noong 2009 na isinalalarawan ang paggunaw ng daigdig na dulot ng pagwawala ng kalikasan at mula naman sa direksiyon ni Roland Emmerich. Pinangungunahan nina John Cusack, Chiwetel Ejiofor, Amanda Peet at iba pa. Ang pelikula ay ipinalabas noong 2009 at sinumulan ang pagshoshoot noong Agosto 2008 sa Vancouver.
Ang pelikula ay tungkol sa paniniwala ng mga Maya na ang daigdig ay guguho sa taong 2012 dahil sa "alignment" ng mga "heavenly bodies" na magbubunga sa pagkawasak ng mundo. Dahil sa mga solar flare, naging mabilis ang pag-iinit ng core na naging sanhi naman sa pagbaligtad ng kalupaan ng mundo (Crustal Displacement). Ipinakita ng Pelikula ang serye ng pagkawasak ng mga lugar tulad ng California na lumubog sa dagat Pasipiko, mga daluyong (tsunami), mga lindol (earthquakes) at iba't-ibang kawasakan na dulot ng pagwawala ng kalikasan. Ang pelikula ay nakasentro sa mga Tauhan (Characters) na gumawa ng iba't-ibang paraan upang marating ang Himalayas para sa kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsakay sa mga arkong sadyang doon ginawa upang maipagpatuloy nila ang naglahong sibilisasyon. Kabilang sa mga mapapalad na nakasakay sa mga arko ay ang mga piling tao kagaya ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba't-ibang mga bansa, mga dalubhasa at ilang mayayaman. Kabilang din dito ang ilan sa mga piling hayop.
Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Blair, Ian (November 6, 2009). "'2012's Roland Emmerich: Grilled". The Wrap. http://www.thewrap.com/article/2012s-roland-emmerich-grilled-9799. Hinango noong December 9, 2009.
- ↑ "Box Office Data". The-Numbers. http://boxofficemojo.com/movies/?id=2012.htm. Hinango noong 2009-12-13.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.