Ikaapat na Aklat ng mga Hari
Lumang Tipan ng Bibliya |
---|
|
Ang Ikaapat na Aklat ng mga Hari[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya na sumusunod sa Ikatlong Aklat ng mga Hari. Pinaniniwalaang nasulat ang librong ito kasama ng naunang 3 Mga Hari noong mga 600 BK, na sinanib ang iba pang mga karagdagan mga limampung taon pa ang nakalipas[1]
Dapat lamang tandaan na katumbas ang Ikaapat na Aklat ng mga Hari (o 4 Mga Hari) ng 2 Mga Hari sa Bibliyang Ebreo.[2]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang bahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalarawan ng unang bahagi ng aklat na ito ang mga milagrong ginawa ng propetang si Elisha, ang kapalit ni Elijah. Kabilang sa mga ito ang pagbabalik ng pagkakaroon ng buhay sa isang namatay nang bata, at ang pagpapagaling sa isang komandante ng Syria na may sakit na ketong. Tinuruan din dito ni Elijah si Jehu na kuhanin ang trono ng Kaharian ng Israel mula kay Haring Ahab at sa asawa nitong si Jezebel, isang reynang sumasamba kay Baal. Samantala, ibinalik naman ni Haring Joash sa kaharian ng Judah ang pananampalataya sa Diyos. Bago maganap ang pagbabalik na ito sa pananampalataya sa Diyos sa templo ng Judah, dating namamayani ang pagsamba kay Baal dahil sa anak na babae ni Ahab, na si Athaliah.[1]
Pangalawang bahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa sumunod na bahagi ng aklat, ipinagpatuloy ang paglalahad hinggil sa mga monarkiyang Ebreo. Palagiang sinisindak ng mga Asiryano, isang kahariang lumalakas ang kapangyarihan, ang Israel, hanggang sa masakop ni Haring Shalmaneser ang Assyria noong mga 722 BK at 721 BK. Nanganib naman ang kaharian ng Judah noong panahon ni Haring Hezekiah subalit nailigtas, partikular na ang Herusalem dahil kay propeta Isaiah. Subalit, bagaman nabago at napalinis ni Haring Josiah ang mga gawaing pampananampalataya noong kaniyang kapanahunan, nabigo ang mga kasunod niyang hari sa panganib na sanhi ng Ehipto at Babylon. Sa bandang huli, nasakop ang kaharian ng Judah noong mga 587 BK, at napalayas patungong Babylon ang mga mamamayan nito.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Reader's Digest (1995). "2 Kings". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Mga Aklat ng mga Hari". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ikaapat na Aklat ng mga Hari (2 Kings, sa Bibliang Ebreo), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Ikatlong Aklat ng mga Hari (2 Mga Hari, sa Bibliyang Ebreo), mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net