Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Teresa, Rizal"

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
m (r2.7.2) (robot dinagdag: de:Teresa (Rizal))
m (robot dinagdag: sv:Teresa (Rizal))
Linya 63: Linya 63:
 
[[nl:Teresa (Rizal)]]
 
[[nl:Teresa (Rizal)]]
 
[[pam:Teresa, Rizal]]
 
[[pam:Teresa, Rizal]]
  +
[[sv:Teresa (Rizal)]]
 
[[vi:Teresa, Rizal]]
 
[[vi:Teresa, Rizal]]
 
[[war:Teresa, Rizal]]
 
[[war:Teresa, Rizal]]

Pagbabago noong 02:23, 23 Agosto 2012

Teresa

Munisipalidad ng Teresa
Teresa,Rizaljf5753 02.JPG
Opisyal na sagisag ng Teresa
Sagisag
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Teresa
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Teresa
Teresa is located in Pilipinas
Teresa
Teresa
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°33′31″N 121°12′30″E / 14.55861°N 121.20833°E / 14.55861; 121.20833Mga koordinado: 14°33′31″N 121°12′30″E / 14.55861°N 121.20833°E / 14.55861; 121.20833
BansaPilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganRizal
DistritoPangalawang Distrito ng Rizal
Mga barangay9
Pamahalaan
 • Punong-bayanRodel N. Dela Cruz (Lakas-CMD) website =
 • Manghalalal40,027 botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan18.61 km2 (7.19 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2015)
 • Kabuuan57,755
 • Kapal3,100/km2 (8,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
13,411
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-2 klase ng kita ng bayan
 • Kita₱139,661,233.00 (2016)
Kodigong Pangsulat
1880
PSGC
045814000
Kodigong pantawag2
Websaytteresarizal.gov.ph

Ang Teresa ay isang ika-4 na klaseng urbanong munisipalidad sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2007, mayroon itong populasyong 44,436 kataon (29,475 katao sa 6,374 kabahayan sa senso ng 2000).

Nalagak ito sa mga libis ng Bulubundukin ng Sierra Madre at nakukulong ng lupa sa apat na sulok ng Lungsod ng Antipolo sa hilaga, ng Angono sa kanluran, ng Baras sa silangan, at ng Morong sa timog.

Karamihan sa mga tao rito ay mga Tagalog. Pangunahing kilala ang Teresa dahil sa kalapit na mga pasyalan, katulad ng Villa Sampaguita Resort at ng Sunset Resort. Taliwas sa ilang mga lathalain, isang lambak ang Teresa na napaliligiran ng mga bundok. Ang lundayan ng bayan ay halos nasa gitna ng lambak. Sa isang tanawin ng Teresa mula sa himpapawid, mapapansin ng isang nagmamasid ang dating malawak na lupaing pangsaka na nahahanggahan ng mga bundok na mayaman sa marmol.

Dati, agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa Teresa. Subalit dahil sa pagbubukas ng mga pabrikang tulad ng FR Cement Factory (Dragon Cement), Teresa Marble, at ABC Chemical Factory, unti-unting lumipat sa larangan ng industriya ang mga kasapi ng pamayanan. Bilang dagdag pa, ang kasiglahan ng pagbebenta ng mga lupa noong mga 1990 ang nagdulot ng paglaki sa bilang ng populasyon sa Teresa kasama ang pagbubukas ng mga tirahang subdibisyong Carisa 1 at Carisa 2.

Dinaraanan ang bayan ng mga motoristang patungo sa mas papaloob na mga kabayanan ng Morong, Baras, Tanay, Pililla, at Laguna at mga lalawigan ng Quezon.

Sa kasalukuyan, pinamumunuan ang Teresa, Rizal ng alkaldeng si Rodel N. Dela Cruz at pangalawang alkaldeng si Raul S. Palino.

Napailalim sa maraming mga pagbabago ang Munisipalidad ng Rizal sa loob ng huling ilang mga taon partikular na sa imprastruktura at pampublikong mga gusali. Kamakailan lamang, nakumpleto na noong nakaraang Disyembre 15, 2007 ang MRF o Material Recovery Facilities (Teresa Integrated Solid Waste Management Facility) na matatagpuan sa Lansangang Pantay Buhangin, Barangay Dalig.

Mga barangay

Ang Teresa ay nahahati sa 9 na mga barangay.

  • Bagumbayan
  • Dalig
  • Dulumbayan
  • May-Iba
  • Poblacion
  • Prinza
  • San Gabriel
  • San Roque
  • Calumpang Santo Cristo

Mga panlabas na kawing

14°34′N 121°12′E / 14.567°N 121.200°E / 14.567; 121.200

  1. "Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.