Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Nabas, Aklan"

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
m (pagpapasapanahon ng bilang ng populasyon (mula sa PSGC) using AWB)
m (robot dinagdag: sv:Nabas (Aklan))
Linya 77: Linya 77:
 
[[nl:Nabas (Aklan)]]
 
[[nl:Nabas (Aklan)]]
 
[[pam:Nabas, Aklan]]
 
[[pam:Nabas, Aklan]]
  +
[[sv:Nabas (Aklan)]]
 
[[vi:Nabas, Aklan]]
 
[[vi:Nabas, Aklan]]
 
[[war:Nabas, Aklan]]
 
[[war:Nabas, Aklan]]

Pagbabago noong 08:03, 23 Agosto 2012

Nabas

Bayan ng Nabas
Unidos Landscape.jpg
Mapa ng Aklan na nagpapakita sa lokasyon ng Nabas.
Mapa ng Aklan na nagpapakita sa lokasyon ng Nabas.
Nabas is located in Pilipinas
Nabas
Nabas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 11°50′N 122°05′E / 11.83°N 122.08°E / 11.83; 122.08Mga koordinado: 11°50′N 122°05′E / 11.83°N 122.08°E / 11.83; 122.08
BansaPilipinas
RehiyonKanlurang Kabisayaan (Rehiyong VI)
LalawiganAklan
DistritoMag-isang Distrito ng Aklan
Mga barangay20
Pamahalaan
 • Punong-bayanRomeo Dalisay
 • Manghalalal22,962 botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan96.82 km2 (37.38 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2015)
 • Kabuuan36,435
 • Kapal380/km2 (970/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
7,829
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Kita₱90,607,024.74 (2016)
Kodigong Pangsulat
5607
PSGC
060414000
Kodigong pantawag36

Ang Bayan ng Nabas ay isang Ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Aklan, Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Tangway ng Buruanga sa hilagang kanluran dulo ng Pulo ng Panay. Ito ay isang baybaying bayan na naghahanggan sa Dagat Sibuyan sa hilaga, ang bayan ng Pandan at Libertad sa timog, ang Dagat Sibuyan at Aklan sa silangan, at ng Malay at Buruanga sa kanluran.

Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 25,014 sa may 4,691 na kabahayan.

Mga Barangay

Ang bayan ng Nabas ay nahahati sa 20 mga barangay.

  • Alimbo-Baybay
  • Buenasuerte
  • Buenafortuna
  • Buenavista
  • Gibon
  • Habana
  • Laserna
  • Libertad
  • Magallanes
  • Matabana
  • Nagustan
  • Pawa
  • Pinatuad
  • Poblacion
  • Rizal
  • Solido
  • Tagororoc
  • Toledo
  • Unidos
  • Union

Nabas Bariw Festival

Ipinagdiriwang ang Nabas Bariw Festival upang alalahanin ang araw ng kapistahan ni San Isidro ang Magsasaka, ang patrong santo ng bayan. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 1215. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang mga produktong bayan tulad ng sombrero, banig at iba pang produktong gawa sa bariw pati na rin ang mga pambihirang pook panturismo at mga likas na tanawin.

Tuwing ginaganap ito, iba't ibang mga kaalaman sa banig, sombrero at paggawa at pagdisenyo sa mga bag ang ipinakikita. Ilan sa mga kaganapan dito ay ang paligsahan sa paggawa ng pinakamalaking sombrero at banig. Pinakikinang ang pista ng walang hintong pagsasayaw sa lansangan ng mga taong-bayang mula sa 20 barangay ng bayan na nakabihis sa iba't ibang damit na gawa sa bariw na sinamahan pa ng mga katutubong mga kawayang instrumento.

Layuning ng pista na mapakilala ang cottage industry nito, na nagbibigay gawaing pangkabuhayan sa bayan. Isa pa, ipinakikita rin nito ang malinis at malamig na bukal, mga lagoon, mahahabang dalampasigan, ilog at mga kagubatan na tahanan ng iba't ibang mga endemikong flora at fauna.

Mga Kawing Panlabas

11°50′N 122°05′E / 11.833°N 122.083°E / 11.833; 122.083

  1. "Province: Aklan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.