Pumunta sa nilalaman

Abenida Crisanto Mendoza de los Reyes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida Crisanto Mendoza de los Reyes
Crisanto Mendoza de los Reyes Avenue
General Trias Drive
Daang Tagaytay–Amadeo (Tagaytay–Amadeo Road)
Ang Abenida C.M. Delos Reyes malapit sa Gusaling Pambayan ng Amadeo.
Impormasyon sa ruta
Haba40.1 km (24.9 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaKalye Marseilla sa Rosario
 Lansangang Antero Soriano sa Rosario
Governor's Drive sa Heneral Trias
Dulo sa timogLansangang Tagaytay–Nasugbu sa Tagaytay
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodTagaytay, Heneral Trias
Mga bayanRosario, Amadeo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Crisanto Mendoza Delos Reyes (Ingles: Crisanto Mendoza Delos Reyes Avenue), na kilala rin bilang Abenida C.M. Delos Reyes (C.M. Delos Reyes Avenue), Gov. Luis Ferrer Drive, at Daang Tagaytay–Amadeo (Tagaytay–Amadeo Road), ay isang 40.1 kilometro (24.9 milyang) lansangan na may dalawa hanggang apat na linya at dumadaan sa mga gitnang bayan ng lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Nagsisilbi itong daang sekundarya sa Lansangang Aguinaldo at isa rin itong alternatibong ruta mula Maynila papuntang Tagaytay. Kalinya nito ang Lansangang Aguinaldo sa silangan.

Ang hilagang dulo ng lansangan ay sa bayan ng Rosario, at pagkatapos ay dadaan ito sa buong kahabaan ng Heneral Trias at Amadeo. Tatapos ito sa Tagaytay.

Ang hilagang bahagi ng lansangan ay isang daang patag, makinis, at aspaltado, at kasalukuyang pinapalawak, mula dalawa hanggang apat na linya, upang makasya ang mas-maraming mga sasakyan. Ang katimugang bahagi na papuntang Tagaytay ay isang daang kongkreto at patag.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Coordinates needed: you can help!