Abenida Kongresyonal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N129 (Philippines).svg

Congressional Avenue sign.svg

Abenida Kongresyonal
Congressional Avenue
Daang Palibot Blg. 5
Abenida Kongresyonal malapit sa EDSA.
Impormasyon sa ruta
Haba: 6.0 km (3.7 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Kanluran: N1 (Philippines).svgAsian Highway 26 PH sign.svg N1 / AH26 (EDSA)
 
Dulo sa Silangan Abenida Luzon
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Abenida Kongresyonal (English: Congressional Avenue) ay isang 12.4 kilometro (7.7 milyang) lansangan na matatagpuan sa Lungsod Quezon, Pilipinas, na sumasaklaw sa anim na mga linya. Isa ito sa mga daang sekundarya sa Kalakhang Maynila at itinakdang bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at N129 ng sistema ng pambansang lansangan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan.

Nagsisimula ang Abenida Kongresyonal sa sangandaan nito sa EDSA bilang hilagang karugtong ng Abenida Roosevelt, at dadaan ito sa ilan sa mga Project Areas ng lungsod, sa Abenida Tandang Sora, at tatapos sa Abenida Luzon sa pook ng Matandang Balara (Old Balara).

Bilang isang lansangan ng Lungsod Quezon, ang Abenida Kongresyonal ay isa sa mga umuusbong na mga destinasyon pang-pagkain sa lungsod dahil sa kadahilanan na karamihan sa mga establisimiyentong pang-pagkain tulad ng mga foodpark ay nagtatayo ng mga tindahan lalo na sa bahaging karigtong ng abenida.

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Sumusunod ang Abenida Kongresyonal sa rutang pa-titik L mula EDSA hanggang Abenida Luzon. Ang pangunahing bahagi sa kanluran ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa madaming mga sangandaan nito, kung saang mga pangunahing sangandaan ay pinapatupad ng mga ilaw-trapiko habang ang mga ibang sangandaan ay gumagamit ng walang ilaw-trapiko na bagtasan o mga improvised na u-turn slot. Ang bahaging karugtong (Karugtong ng Abenida Kongresyonal) sa silangan ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa kalahating kontrol ng pagpasok, kung saang mga sangandaang nasa lupa ay pinalitan ng mga U-turn slot.

Karugtong sa Abenida Luzon[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong unang bahagi ng dekada-2000, inilarawan ang abenida na magdudugtong sa Abenida Luzon upang mapunan ang pagkokompleto ng Daang Palibot Blg. 5 na kasama ang pagpapalawak ng mga Abenidang Katipunan at Luzon gayunfin ang pagtatayo ng C.P. Garcia-Luzon Flyover na naglalayong ilihis ang C-5 gayundin ang trapiko mula sa makitid na Abenida Tandang Sora pagpunta sa mga Project Area gayundin sa Abenida Mindanao patungo sa magiging NLEX Mindanao Avenue Link ng NLEX.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga ugnay panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°39′22″N 121°3′22″E / 14.65611°N 121.05611°E / 14.65611; 121.05611