Pumunta sa nilalaman

Abgeordnetenhaus ng Berlin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Abgeordnetenhaus ng Berlin (Kamara ng mga Deputado) (Aleman: [ˈʔapɡəʔɔʁdnətn̩ˌhaʊs]) ay ang parlamento ng estado (Landtag) ng Berlin, Alemanya ayon sa konstitusyon ng lungsod-estado. Noong 1993 lumipat ang parlyamento mula sa Rathaus Schöneberg patungo sa kasalukuyang luklukan nito sa Niederkirchnerstraße sa Mitte, na hanggang 1934 ay ang luklukan ng Landtag ng Prusya. Ang kasalukuyang pangulo ng parlyamento ay si Dennis Buchner (SPD).

Hagdanan

Ang Abgeordnetenhaus ay itinatag ng bagong konstitusyon ng Kanlurang Berlin noong 1951. Pinalitan nito ang dating lehislatura ng lungsod na tinatawag na Stadtverordnetenversammlung (asamblea ng mga deputado ng lungsod), na itinatag ng mga Repormang Pruso noong 1808 at muling itinatag ng halalang estatal na pinangunahan ng mga Alyado noong 1946.

Sa pagitan ng 1951 at 1990 ang Abgeordnetenhaus ay isang parlamento ng pinahigpit na awtonomiya, dahil ang Konsehong Kontrolado ng Alyado ay nag-atas na ang lahat ng batas nito at ang mga halalan nito, tulad ng mga alkalde at mga senador (noon ay inihalal pa at hindi pa hinirang ng alkalde), ay sumailalim sa kumpirmasyon o pagtanggi ng mga Kanlurang Alyado. Pagkatapos ng muling pag-iisa ang Abgeordnetenhaus ay nagpatuloy na maging parlamento ng nagkakaisang Berlin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Landtage (Germany)