Pumunta sa nilalaman

Accounts receivable

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang accounts receivable ay tungkol sa pera na utang ng mga indibidwal o kumpanya sa kumpanya na nagbebenta ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng kredito. Sa karamihan ng mga negosyo, isinasagawa ang accounts receivable sa pamamagitan ng paggawa ng isang invoice at pagpapadala nito sa kustomer, kung saan ito ay dapat bayaran sa loob ng isang itinakdang panahon, na kung tawagin ay credit terms o payment terms.

  • Ang mga benta na ginawa ng isang negosyo
  • Ang halaga ng perang natanggap para sa mga produkto o serbisyo.
  • Ang halaga ng perang inutang sa katapusan ng bawat buwan ay nag-iiba (sa mga may utang).

Ang pangkat ng accounts receivable ang responsable sa pagtanggap ng pondo para sa kumpanya at pag-apruba nito sa kasalukuyang mga nakabinbing balanse.

Ang pangkat ng koleksyon at kahera ay bahagi ng departamento ng accounts receivable. Habang hinahanap ng departamento ng koleksyon ang may utang, inilalapat ng departamento ng mga kahera ang mga perang natanggap. Layunin ng mga negosyo na makuha ang lahat ng mga hindi pa nababayarang invoice bago ito lumagpas sa nakatakdang araw ng bayaran. Upang makamit ang mas mababang DSO at mas magandang puhunan, kinakailangan ng mga organisasyon na magkaroon ng proactive collection strategy na nakatuon sa bawat account.

Maaaring makaapekto sa liquidity ng kumpanya ang mga accounts receivable, kaya mahalagang bigyang pansin ang mga metriks tungkol dito. Samakatuwid, hangga't maaari ay dapat maging maliit ang panganib ng pamumuhunan.