Pumunta sa nilalaman

Aksiolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang aksiolohiya ay ang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa:

  • Estetika: ang pag-aaral sa mga pangunahing tanong na pampilosopiya tungkol sa sining at kagandahan. Minsan ginagamit ang pilosopiya ng sining upang ilarawan lamang ang mga tanong ukol sa sining, habang "estetika" naman ang mas malawak na salita. Ganon din, minsan namang mas malawak na inilalapat ang "estetika" kaysa "pilosopiya ng kagandahan": upang ibilang ang nakakahanga, nakakatawa, o nakakatakot - sa anumang nadarama natin sa mga gawa ng sining o kasiyahang ipinapalabas.
  • Etika: ang pag-aaral sa mga bagay na ginagawang tama o mali ang isang gawain, at ang mga kaisipan tungkol sa tamang gawain na maaaring ilapat sa mga natatanging katanungang pangmoral. Mga nakakababang sangay nito ang meta-etika, kaisipan sa pagpapahalaga, kaisipan sa pag-uugali, at praktikal na etika.