Pumunta sa nilalaman

Album

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Album (music))
Para sa ibang gamit, tingnan Album (paglilinaw).

Ang album o rekord album ay isang koleksiyon ng mga kaugnay na mga audio track (kadalasang track ng musika) na inilabas sa isang audio format para pakinggan ng publiko. Ang pinaka madalas na paraan ng pag-distribute ay sa pamamaraan ng komersyo sa ilalim ng isang Tatak. Ngunit mayroong mga grupo at banda, lalo na ang mga maliliit at "Independent" o "unsigned", na madalas na sariling naglalabas ng kanilang mga album direkta sa publika sa pamamaraan ng pagbebenta nito sa pagtapos ng kanilang mga konsiyerto o sa kanilang mga website.

Ayon sa mga batas ng UK Charts, ang isang recording ay kinikilalang isang "album" kapag ito ay mayroon mas dadami sa apat (4) na kanta/tuntunin o tumatagal ng mas mahaba sa labing-dalawang (25) minuto.[1] Minsan, ang mas maiikling album ay tinutukoy bilang isang "mini-album" o EP. Itong batas, gayon man, ay pinangtutukoy sa mga album tulad ng Tubular Bells, Amarok, Hergest Ridge at iba pang mga album ni Mike Oldfield, at Close to the Edge ng bandang Yes, na naglalakip ng mas kakaunti sa apat (4) na kanta/tuntunin. Ang ibang mga banda tulad ng Pinhead Gunpowder ay sadyang binabalewala at nagrerebelde sa ganitong mga depinisyon at batas at tinutukoy parin ang kanilang mga release na parating mas maikli sa labing-dalawang (25) minuto bilang "album".

Kung ang isang album ay sobrang mahaba para makasiksik sa ganitong format, ang artist ay pwedeng mag desisyon na ilabas ito bilang isang double album (dobleng album), kung saan dalawang (2) vinyl LP o compact disc ay binabalot sa iisang lalagyan, o bilang triple album (tripleng album) na naglalaman na tatlong (3) LP o compact disc (CD).

Ang mga beteranong recording artist na mayroong nang malawak na 'back catalog' (koleksiyon nang kanilang sariling musika) ay paminsan-minsan inilalabas muli ang kanilang mga album/s sa loob ng iisang kahon na mayroong pinag-isang disenyo, madalas naglalaman ng isa o madaming CD at/o kalipunan ng mga lumain nilang mga kanta na hindi nila inilabas. Ang mga pagsasamasamang ito ay tinatawag na "box set". Mayrong ding mga musical artist na naglabas nang mas marami pa sa tatlong (3) compact disc o LP ng mga bagong kantahin, sa porma ng boxed sets, gayon man sa mga kasong ito tinutukoy parin ito bilang album.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rules For Chart Eligibility - Albums" (pdf). The Official UK Charts Company. Enero 2007. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-06-27. Nakuha noong 2007-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.