Alchemilla vulgaris
Lambong ng babae Alchemilla vulgaris | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Rosales |
Pamilya: | Rosaceae |
Sari: | Alchemilla |
Espesye: | A. vulgaris
|
Pangalang binomial | |
Alchemilla vulgaris |
Ang alkemilyang bulgar, alkemilyang bulgaro, o alkemilyang bulgaris (mula sa pangalang pang-agham na: Alchemilla vulgaris[1]) ay isang uri ng halamang yerba. Isa ito sa mga halamang tinatawag na lambong ng babae (Lady's mantle sa Ingles) na kabilang sa mga alkemilya, na mahalaga sa mga hinekolohikal na paggamit, partikular na sa labis na pagdurugo sa panahon ng pagreregla at pangangati sa puki. Nakapipigil ito ng pagdurugo at mayaman sa mga tanin (tannin). Naging isang tanyag na panghilom ng mga sugat ito noong mga panahon ng digmaan sa Kanluraning mundo noong mga ika-15 at ika-16 na daantaon. Nagagamit ang mga bahagi nito (pinatuyo o sariwa) bilang mga pamahid at tintura, na mainam sa paglulunas ng pagtatae, gastroentiris, malakas na pagreregla, pananakit sa pagreregla, at pangkontrol o pagpapanatili sa regular na siklo ng pagreregla. Dahil malamig sa pandama, nagagamit din itong pang-alis ng mga pamamaga at mga impeksiyon.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Ody, Penelope (1993). "Alchemilla vulgaris, Lady's mantle". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.