Alejandro Roces, Sr.
Alejandro Roces Sr. | |
---|---|
Nasyonalidad | Pilipino |
Kilala sa | La Vanguardia, El Renacimiento |
Larangan | Tagapaglathala |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Tagapaglathala 1916 |
Si Alejandro Roces, Sr.[2] ay isang tanyag na tagapaglathala sa Pilipinas. Itinuturing siya bilang “Ama ng Makabagong Pagpapahayag sa Pilipinas.” Anak niya si Ramon Roces na siya namang naglunsad ng mga magasing Liwayway, Bannawag, Hiligaynon, at Bisaya.[2]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1916, binili ni Alejandro Roces ang arawang pahayagang La Vanguardia, isang babasahin na nasa wikang Kastila at nag-ugat sa pahayagang El Renacimiento, isang lathalaing pinatnugutan ni Teodoro M. Kalaw ngunit nagsara dahil sa isang kaso ng paninirang-puri sa Amerikanong si Dean Worcester noong 1923.[2]
Itinatag ni Roces ang English Tribune noong 1925, isang pahayagang dating pinatnugutan naman ni Carlos P. Romulo. Inilunsad niya rin ang Ang Taliba. Nasakop ng tatlong pahayagang ito, na T-V-T rin kung tawagin, ang lahat ng mga uri ng mambabasa ng kapanahunan: ang Ang Taliba para sa mga bumabasa ng wikang Tagalog, ang La Vanguardia para sa mga tagapagtangkilik ng wikang Kastila, at ang English Tribune naman para sa mga sumisipi ng kopyang nasa wikang Ingles.[2]
Naging pangunahing katunggali ni Roces sa larangan ng palathalaang pampamamahayag ang mga tinatawag na DMHM ng mga angkang Elizalde: na binubuo ng mga pahayagang El Debate (nasa wikang Kastila), Mabuhay (nasa wikang Tagalog) at The Philippines Herald (nasa wikang Ingles).[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://blog.rocesfamily.com/2006/03/portrait-of-don-alejandro-roces-sr.html
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Alejandro Roces", sa kasaysayan ng Liwayway, Komiklopedia, The Philippine Komiks Encyclopedia, Komiklopedia.wordpress.com, 2 Abril 2007