Alemanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Republikang Pederal ng Alemanya

Bundesrepublik Deutschland
Watawat ng Alemanya
Watawat
Eskudo ng Alemanya
Eskudo
Awit: 
Ikatlong talata ng Deutschlandlied
(Awit ng Alemanya)
tinatawag ring Einigkeit und Recht und Freiheit
(Pagkakaisa at Katarungan at Kalayaan)

Kinaroroonan ng  Alemanya  (kahel) – sa Europe  (kamelyo & puti) – sa the Nagkakaisang Europeo  (kamelyo)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Alemanya  (kahel)

– sa Europe  (kamelyo & puti)
– sa the Nagkakaisang Europeo  (kamelyo)  —  [Gabay]


KabiseraBerlin
(Siya na ring pinakamalaking lungsod)
Opisyal na wikaAleman1
KatawaganAleman
PamahalaanPederal na republikang parlamentaryo
• Pangulo
Frank-Walter Steinmeier
• Kansilyer
Angela Merkel
Wolfgang Schäuble
Dietmar Woidke
Andreas Voßkuhle
Lehislatura
Bundesrat
Bundestag
Pagkabuo
843
962
8 Hunyo 1815
18 Enero 1871
23 Mayo 1949
3 Oktubre 1990
Lawak
• Kabuuan
357,021 km2 (137,847 mi kuw) (ika-63)
• Katubigan (%)
2.416
Populasyon
• Pagtataya sa 2015
82,175,700[1] (ika-16)
• Kapal
227/km2 (587.9/mi kuw) (ika-59)
GDP (PPP)Pagtataya sa 2015
• Kabuuan
$3.842 trilyon[2] (ika-5)
• Kada kapita
$47,033[2] (ika-20)
GDP (nominal)Pagtataya sa 2015
• Kabuuan
$3.371 trillion[2] (ika-4)
• Kada kapita
$41,267[2] (ika-20)
Gini (2014)30.7[3]
katamtaman
HDI (2014)0.916[4]
napakataas · ika-6
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Pagmanehokanan
Kodigong pantelepono49
Dominyon sa Internet.de and .eu

Ang Alemánya[5] (internasyonal: Federal Republic of Germany; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·land]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasáma sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Dinamarka at ng Dagat Baltiko sa hilaga; ng Polonya at Tsekya sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabago-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamataong kasapi ng Unyong Europeo. Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.[6]

Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.

Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya (internasyonal: Federal Republic of Germany) na nakilala bílang Kanlurang Alemanya (Ingles: West Germany) at Demokratikong Republika ng Alemanya (internasyonal: German Democratic Republic) na nakilala naman bilang Silangang Alemanya (internasyunal: East Germany). Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lámang ang kaalaman sa dáting Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban sa Imperyo ng Roma.

Nang ika-9 siglo ay kumalat ang Kristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak si Martin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ng Simbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na ang Protestanismo. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.

Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikát na kaharian ng Prusya at sa pamumuno ni Otto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa Dinamarka at Austria. Sa mga hulíng taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa Pranses.

Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang Dingding ng Berlin ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng Digmaang Malamig.

Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.

Pagkakahati[baguhin | baguhin ang batayan]

Labing-anim na estado (Bundesländer) ang bumubuo sa Alemanya at ang kani-kaniyang kabisera:[7]

  1. Baden-Wurtemberg (Stuttgart)
  2. Baviera (Múnich)
  3. Berlin (Berlin)
  4. Brandeburgo (Potsdam)
  5. Bremen (Bremen)
  6. Hamburgo (Hamburgo)
  7. Hesse (Wiesbaden)
  8. Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania (Schwerin)
  9. Mababang Sahonya (Hanóver)
  10. Hilagang Renania-Westfalia (Düsseldorf)
  11. Renania-Palatinado (Maguncia)
  12. Sarre (Sarrebruck)
  13. Sahonya (Dresde)
  14. Sahonya-Anhalt (Magdeburgo)
  15. Schleswig-Holstein (Kiel)
  16. Turingia (Erfurt)

Tignan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Population at 82.2 million at the end of 2015 – population increase due to high immigration". destatis.de. 26 August 2016.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Germany". International Monetary Fund. October 2015. Nakuha noong 6 August 2016.
  3. "Gini coefficient of equivalised disposable income (source: SILC)". Eurostat Data Explorer. Nakuha noong 13 August 2013.
  4. "2015 Human Development Report" (PDF). United Nations Development Programme. 2015. Nakuha noong 14 Disyembre 2015.
  5. "Alemanya, Deutschland". UP Diksiyonaryong Filipino. 2001.
  6. "Germany Top Migration Land After U.S. in New OECD Ranking". Bloomberg. 20 Mayo 2014. Nakuha noong 29 August 2014.
  7. es:Organización territorial de Alemania

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]