Pumunta sa nilalaman

Alessandra De Rossi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alessandra de Rossi
De Rossi at the Berlin International Film Festival in 2016
Kapanganakan
Alessandra Tiotangco Schiavone

(1984-07-19) 19 Hulyo 1984 (42 taong gulang)
London, England
Mamamayan
  • Philippines
  • Italy
Trabaho
  • Actress
  • director
  • screenwriter
  • businesswoman
Aktibong taon1997–present
Kamag-anakAssunta de Rossi (sister)
ParangalFull list

Si Alessandra de Rossi (ipinanganak bilang Alessandra Tiotangco Schiavone; Hulyo 19, 1984) ay isang Pilipinang aktres at direktor. Kilala sa kanyang mga pagganap sa drama at komedya sa mga independyenteng pelikula at telebisyon, pormal siyang nagsimula sa pag-arte sa seryeng pantelebisyon na !Oka Tokat (1997–1998). Naging malaking daan sa kanyang kasikatan nang gampanan niya si Valentina sa seryeng Darna (2005), na nagbukas ng pinto para sa iba't ibang papel bilang suportang karakter at kontrabida sa telebisyon. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, nakatanggap si de Rossi ng iba't ibang parangal at pagkilala mula sa mga kilalang lupon ng gawad, kabilang ang isang ASEAN International Film Festival and Award, tatlong FAMAS Award, tatlong Gawad Urian, tatlong PMPC Star Awards for Movies, at isang QCinema International Film Festival Award.[1]

Ipinanganak si Alessandra de Rossi bilang Alessandra Tiotangco Schiavone noong Hulyo 19, 1984, sa London, Inglatera. Ang kanyang ama na si Luigi Schiavone ay isang Italyano mula sa Martano,[2][3] habang ang kanyang ina na si Nenita Schiavone ay isang Pilipina. [4] Mayroon siyang nakatatandang kapatid na babae, si Assunta, at nakababatang kapatid na babae na si Margarita. Lumipat ang kanyang pamilya pabalik ng Italya noong siya ay bata pa, at doon siya lumaki kasama ang kanyang mga magulang. [5] Lumabas sina Alessandra at Assunta sa telebisyon sa Pilipinas noong kanilang kabataan nang isama sila ng kanilang ina sa iba't ibang palabas sa telebisyon habang sila ay lumalaki.[6]

De Rossi promoting Firefly at the 2023 Metro Manila Film Festival parade of stars

Noong 2017, nakatambal ni De Rossi ang komedyanteng si Empoy Marquez sa pelikulang komedyang romantiko na Kita Kita. Kalaunan, ang pelikula ang naging pinakamatagumpay at pinakamalaking kumitang independyenteng pelikulang Pilipino sa kasaysayan, na nakalikom ng ₱300 milyon (humigit-kumulang US$5.88 milyon) sa loob lamang ng tatlong linggo mula nang ipalabas ito. Dahil sa malaking katanyagan ng pelikula, binansagan ng media at industriya ng aliwan sa Pilipinas ang kanilang tambalan bilang "AlEmpoy".[7]

Matapos ang kanyang matagumpay na pagganap sa Kita Kita, nangako si De Rossi na hindi na tatanggap ng mga papel bilang kontrabida sa telebisyon man o sa pelikula.[8] De Rossi returned to Viva when she signed exclusive contract with Viva Artists Agency and made her film production business co-ventured by Viva Films named AWOO, acronym of "A World of Our Own"; her first movie Magic Kingdom was produced & released by Viva Films in 1997.[9]

Muling nagtambal si De Rossi at si Marquez sa pelikulang Walang KaParis noong 2023 na iprinodyus ng Viva Films.[10]

Ipinamalas ni De Rossi ang kanyang kakayahan bilang direktor, kabilang na tagataguyod, at pangunahing bituin sa kanyang unang tampok na pelikula na My Amanda noong 2021—isang romantikong drama kung saan nakatambal niya si Piolo Pascual. Ang pelikula ay ipinalabas sa Netflix.[11]

Pinamatnugutan niya ang kanyang ikalawang pelikula, ang Everyone Knows, Every Juan—isang pampamilyang pelikula na ipinalabas noong Oktubre 2025.[12]

Itinatag ni De Rossi ang kanyang sariling kompanya, ang A World of Our Own (AWOO Production), kung saan siya ang nagsisilbing Punong Ehekutibong Opisyal (CEO) mula noong 2021.[13] Ang AWOO Production ay may sariling kumpanya sa produksyon ng pelikula at tatak ng rekord ng musika, ang AWOO Music Records, na isang sub-label ng Lilystar Records. Sina Hya at Alfa ang naging unang dalawang artistang lumagda sa AWOO Records noong 2021.[14]

Taon Pamagat Ginampanan Marka Sanggunian
1997 Magic Kingdom
1998 Mystrio (Uno...Dos...Tres Pilyos!) Juliet
2001 Hubog Nikka
Azucena Lily
2002 Small Voices Melinda
Pakisabi na lang...Mahal ko siya Icee
2003 Mano Po 2: My Home Ingrid
Homecoming Abigael Edades
The Cory Quirino Kidnap: NBI Files Helen
Message Sent
2004 Astigmatism Rio
Spirit of the Glass Myra
2005 The Maid Rosa Dimaano
Kutob Mayen
2006 Barcelona Clarissa
2007 Hide & Seek Dolor Buntag
2008 One Night Only Angela
2009 Independencia Stranger
Manila Aleria
Pinoy Sunday Celia
2010 Romeo at Juliet Angel
Presa
Dalaw Trina
2011 Busong
Ka Oryang Oryang
2012 Sta. Niña Madel
Mater Dolorosa Fatima
Baybayin Alba
2013 Alfredo S. Lim (The Untold Story) Amalia [15]
Liars Eloisa
The Mango Tree Maria
Woman of the Ruins
2014 Relaks, It's Just Pag-Ibig Mace
Mauban: Ang Resiko Lota
2015 Bambanti Belyn [16]
Kid Kulafu Dionisia Pacquiao
Water Lemon
2016 A Lullaby to the Sorrowful Mystery Caesaria Belarmino
Sakaling Hindi Makarating Cielo
Echorsis Girl Vatuh
2017 Kita Kita Lea
12 Erika
2018 Through Night and Day Jen
2019 Lucid Ann
Unforgettable
2020 Watch List Maria
2021 My Amanda Amanda (Fream) Directorial debut, also writer [17][18][19]
2023 Walang KaParis Marie
What If Billie
Firefly Elay
2024 Green Bones Betty
2025 Republika ng Pipolipinas Herself [20]
Everyone Knows Every Juan Raquel Sevilla [21]

Talasanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "YES! 100 Most Beautiful Stars: The Unfailingly Good". PEP (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-25.
  2. ↑ Ruiz, Marah (August 7, 2024). "Alessandra de Rossi receives recognition from hometown in Italy". GMA Entertainment. GMA Network. Inarkibo mula sa orihinal noong February 23, 2026. Nakuha noong February 23, 2026.
  3. ↑ Evangelista, Jessica Ann (August 8, 2024). "Alessandra de Rossi gets recognition in Italy for her cinematic contributions". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong September 7, 2024. Nakuha noong February 23, 2026.
  4. ↑ Gonzalez-Abucay, Pia (December 20, 2011). "Multi-Awarded Filipina-Italian Actress Alessandra De Rossi Receives Prestigious "2011 Pugliesi nel Mondo" Award". Ako ay Pilipino. Inarkibo mula sa orihinal noong November 11, 2025. Nakuha noong February 23, 2026.
  5. ↑ Lo, Ricky (August 13, 2026). "Alessandra & Jeremy: The First Time/ The Last Time". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong February 23, 2026. Nakuha noong February 23, 2026.
  6. ↑ Kumar, Gayna (August 28, 2013). "Alessandra de Rossi: The multifaceted artist". GMA News Online. Inarkibo mula sa orihinal noong February 23, 2026. Nakuha noong February 23, 2026.
  7. ↑ Cruz, Marinel R. (August 11, 2017). "'Kita Kita' earnings more than P300M". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong June 2, 2023.
  8. ↑ Gabinete, Jojo (23 September 2023). "Alessandra de Rossi hindi nagsisisi sa desisyon na huwag nang gawin ang role na ito" [Alessandra de Rossi does not regret decision not to accept these kind of roles]. PEP.ph (sa wikang Filipino). Philippine Entertainment Portal, Inc. Nakuha noong 9 December 2023.
  9. ↑ Alessandra de Rossi, magdidirek na ng sarili niyang pelikula ngayong 2019
  10. ↑ Tomada, Nathalie (March 19, 2023). "Alessandra, Empoy revive their tandem in Walang KaParis". The Philippine Star. Nakuha noong June 2, 2023.
  11. ↑ "Alessandra de Rossi directorial debut My Amanda hits Netflix". PEP. Nakuha noong 24 November 2025.
  12. ↑ "Why veteran stars agreed to be directed by Alessandra De Rossi in one-shot film". PhilStar. 23 October 2025. Nakuha noong 24 November 2025.
  13. ↑ "Alessandra de Rossi puts up her own indie music label". ABS-CBN. 10 October 2021. Nakuha noong 24 November 2025.
  14. ↑ "Hya, Alfa join Alessandra de Rossi-helmed AWOOO Records, which launches today". PEP. 2 October 2021. Nakuha noong 24 November 2025.
  15. ↑ The Philippine Star (February 10, 2013). "Cesar puts finishing touches to Lim movie". The Philippine Star. Manila, Philippines. Nakuha noong May 26, 2021.
  16. ↑ Bayani San Diego Jr. (19 March 2015). "Actors shine in Sinag Maynila". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 April 2024.
  17. ↑ Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Tattler); $2
  18. ↑ Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Top2netflix); $2
  19. ↑ Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Amanda); $2
  20. ↑ "What's worth watching at Cinemalaya 2025?". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2025-10-10. Nakuha noong 2025-10-12.
  21. ↑ Santiago, Ervin (October 22, 2025). "'Everyone Knows Every Juan' ni Alessandra pak na pak sa comedy, drama" [Alessandra's 'Everyone Knows Every Juan' is perfect for comedy, drama]. Inquirer Bandera. Nakuha noong February 16, 2026.