Alexis Bouvard

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Alexis Bouvard
Alexis Bouvard.jpg
Alexis Bouvard
Kapanganakan27 Hunyo 1767(1767-06-27)
Contamines, Pransiya
Namatay7 Hunyo 1843(1843-06-07) (edad 75)
Paris
NasyonalidadPranses
Karera sa agham
Laranganastronomiya
InstitusyonObserbatoryo ng Paris
Ang bukid ni Alexis Bouvard sa Contamines-Montjoie

Si Alexis Bouvard (27 Hunyo 1767 – 7 Hunyo 1843) ay isang astronomong Pranses. Partikular siyang kilala para sa kanyang maingat na pag-oobserba sa mga iregularidad na paggalaw ng Urano at ang kanyang teorya ng pagkakaroon ng ikawalong planeta sa sistemang solar .

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak siya sa Contamines, Dukado ng Savoy. Nakilala siya sa pagtuklas ng walong iba't ibang mga kometa at ang pagsasaayos niya ng mga talahanayan ng astronomiya ng Hupiter, Saturno at Urano . Ang unang dalawang talaan ay naging matagumpay, ngunit ang huli ay nagpakita ng malaking pagkakaiba-iba sa mga sumusunod na pag-aaral. Pinangunahan ni Bouvard ang pagpapalagay ng pagkakaroon ng ikawalong planeta na responsable para sa mga iregularidad na orbita ng planetang Urano. [1] Ang posisyon ng planetang Neptuno ay kasunod na kinakalkula ni Urbain Le Verrier mula sa mga obserbasyon ni Bouvard kalaunan matapos ang kanyang kamatayan.

Si Bouvard ay kalaunan naging direktor ng Obserbatoryo ng Paris matapos magsimula doon bilang isang estudyanteng astronomo noong 1793 at nagtrabaho siya sa ilalim ni Pierre-Simon Laplace . Namatay siya sa Paris noong 1843. [1]

Mga parangal[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Bibliograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]