Pumunta sa nilalaman

Alma Redemptoris Mater

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang "Alma Redemptoris Mater" (Latin: [ˈalma redempˈtoris ˈmater]; "Inang Kaibig-ibig ng Manunubos") ay isang awitin alay sa Mahal na Birheng Maria. Isa ito sa apat na mga antipona na inaawit bilang panapos sa Panalangin sa Gabi (Compline). Batay sa nakaugalian na ng Simbahan, ginagamit ito buhat Bisperas ng Sabado bago ang unang Linggo ng Adbiyento hanggang sa Kapistahan ng Pagdadala kay Kristo sa Templo (o Pista ng Candelaria) sa ika-2 ng Pebrero. Sa kasalukuyang Divino Offcio ng Simbahan, magagamit sa anumang panahon ang naturang mga antipona.[1]

Sinasabing si Hermannus Contractus (Herman, taguring "Lumpo") (1013-1054) ang siyang gumawa ng naturang awitin, na halaw pa sa mga sulatin nina San Fulgencio, Epipanio, at Irenaeo ng Lyon.[2] Iba't ibang may-akda na ang nakapagsalin nito sa wikang Ingles tulad ni Padre Caswall (Mother of Christ, hear thou thy people's cry) at ni Kardinal Newman (Kindly Mother of the Redeemer). Ang awiting ito ay ukol sa pagbabalita ni Anghel Gabriel kay Maria at sa pagiging Ina niya.

Balangkas ng panitik

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Alma Redemptóris Mater, quæ pérvia cæli

Porta manes, et stella maris, succúrre cadénti,

Súrgere qui curat pópulo: tu quæ genuísti,

Natúra miránte, tuum sanctum Genitórem

Virgo prius ac postérius, Gabriélis ab ore

Sumens illud Ave, peccatórum miserére.[3]


Ang mga sumusunod na sagutang-tawag at panalangin ay maidaragdag batay sa liturhikal na panahon na nakatakda rito:

Sa Panahon ng Adbiyento:

[baguhin | baguhin ang wikitext]

℣. Ángelus Dómini nuntiávit Maríæ.

℟. Et concépit de Spíritu Sancto.

Oremus.

Grátiam tuam quáesumus, Dómine, méntibus nostris infúnde; ut qui, ángelo nuntiánte, Christi Fílii tui Incarnatiónem cognóvimus, per passiónem ejus et crucem, ad resurrectiónis glóriam perducámur. Per eúmdem Christum Dóminum nostrum.

℟. Amen.

Sa Panahon ng Pasko ng Pagsilang hanggang sa Pista ng Candelaria:

[baguhin | baguhin ang wikitext]

℣. Post Partum Virgo invioláta permansísti.

℟. Dei Génitrix, intercéde pro nobis.

Orémus.

Deus, qui salútis ætérnæ beátæ Maríæ virginitáte fecúnda humáno géneri práemia præstitísti: tríbue, quáesumus, ut ipsam pro nobis intercédere sentiámus, per quam merúimus, Auctórem vitæ suscípere Dóminum nostrum Jesum Christum Fílium tuum.

℟. Amen.

Mapagmahal na Ina ng Manunubos,

Tala sa dagat ng aming buhay

bukas na pintuan ng kalangitan

pakinggan mo ang aming dalangin,

kaming makasalanan.

Itindig mo kami sa aming pagkakalugmok.

Tunay, O Maria, Ina ka ng Iyong Manlilikha.

Ika’y kahanga-hanga, Birheng Kalinis-linisan

kaawaan mo kaming makasalanan—

di ba’t tinawag kang puno ng biyaya.

Sa Panahon ng Adbiyento:

[baguhin | baguhin ang wikitext]

℣. Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria.

℟. At naglihi siya lalang ng Espiritu Santo.

Manalangin tayo.

Panginoón, naming Diyos, pagkalooban ang aming mga káluluwâ ng Iyóng mahál na grasya at dahil sa pamamalità ng Ánghel ay nákilala namin ang Pagkákatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo; sa pamamagitan niya sa krus, makinabang nawa kami sa pagkabuhay niyang muli sa kaluwalhatian sa langit. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin.

℟. Amen.

Sa Panahon ng Pasko ng Pagsilang hanggang sa Pista ng Candelaria:

[baguhin | baguhin ang wikitext]

℣. Pagkapanganak mo’y nanatili kang Birheng di-narungisan.

℟. Ina ng Diyos, ipamagitan mo po kami.

Manalangin tayo.

O Diyos, sa pamamagitan ng Birheng Ina ng Diyos, ipinagkaloob mo sa sangakatuhan ang biyaya ng buhay na walang hanggan. Loobin mong madama naming ang kalinga ng Mahal na Birhen, na sa pamamagitan niya’y tinanggap naming ang iyong Anak, na siyang Maylikha ng Buhay. Siyang nabubuhay at naghahari, magpasawalang hanggan.

℟. Amen.

Ang unang panalangin ay matatagpuan sa Misal Romano (1970) at Aklat ng Pagmimisa sa Roma (1981) sa kapistahan ng Pagbabalita ng Anghel kay Maria (ika-25 ng Marso). Ang ikalawang panalangin naman ay sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos (Oktaba ng Pasko ng Pagsilang), sa unang araw ng Enero.

Paglalapat sa ibang himig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa paglipas ng panahon, marami na ring nailathala sa iba't ibang himig o musika ang naturang antipona. Isa rito ay ang gawa ng sikat na kompositor na si Giovanni Pierluigi da Palestrina, na pinamagatang Alma Redemptoris Mater no. 8 (Collegio Romano).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Henry, H. (1907). Alma Redemptoris Mater. In The Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. https://www.newadvent.org/cathen/01326d.htm (sa Ingles)
  2. The Tradition of Catholic Prayer ni Christian Raab, Harry Hagan 2007 ISBN 0-8146-3184-3 pahina 234 (sa Ingles)
  3. Carroll, L. E. (2020, May 1). Singing the Four Seasonal Marian Anthems. Adoremus. https://adoremus.org/2007/09/singing-the-four-seasonal-marian-anthems/ )ds Latin)