Sulat Hanunuo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Alpabetong Hanunó’o)
Jump to navigation Jump to search
Hanunó'o
(Baybaying Mangyan/Surat Mangyan)
ᜱᜨᜳᜨᜳᜢ
Hanunoo script sample.svg
UriAbugida
Mga wikaHanunó'o
Panahons. 1300–kasalukuyan
Mga magulang na sistema
Mga kapatid na sistemaSa Pilipinas:

Buhid (Mangyan Baybayin, Surat Mangyan)
Kulitan (Súlat Kapampángan)
Sulat Tagbanwa
Ibalnan script
Sa mga ibang bansa:
Balines
Batak
Habanes
Lontara
Sundanes
Rencong

Rejang
ISO 15924Hano, 371
DireksyonKaliwa-kanan
Alyas-UnicodeHanunoo
Unicode rangeU+1720–U+173F

Ang Hanunoo (PPA: [hanunuʔɔ]), na isinasalin din bilang Hanunó'o, ay isa sa mga kaparaanan ng pagsulat na katutubo sa Pilipinas at ginagamit ng mga Mangyan ng katimugang Mindoro upang isulat ang wikang Hanunó'o.[1][2] Ito ay isang abugida na nagmula sa Sulat Brahmiko na malapit ang kaugnayan sa Sulat Tagalog, at kilala ito na nakasulat patayo ngunit sinusulat pataas, sa halip na pababa na nasa halos lahat ng ibang kaparaanan ng pagsulat (bagaman, binabasa ito ng pahalang mula sa kaliwa papuntang kanan). Madalas itong nakasulat sa kawayan sa pamamagitan ng pag-ukit ng mga titik nito ng patalim.[3][4] Karamihan sa mga kasalutang Hanunó'o ay kamakailan lamang dahil madaling masira ang kawayan at samakatuwid, mahirap matukoy ang kasaysayan nito.[5]

Kayarian[baguhin | baguhin ang batayan]

Kumakatawan ang labinlimang saligang titik ng sulat Hanunó'o sa tig-iisa sa mga labinlimang katinig /p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /ɡ/ /m/ /n/ /ŋ/ /l/ /r/ /s/ /h/ /j/ /w/ na susundan ng likas na katinig /a/.[4] Isinusulat ang mga ibang pantig sa pagbabago ng bawat titik gamit ang isa sa dalawang kudlit na nagbabago ng tunog ng patinig tungo sa /i/ o /u/.[3] Pareho ang glipo para sa /la/ at /ra/ ngunit magkaiba ang mga glipo para sa /li/ at /ri/, pati na rin para sa /lu/ at /ru/. Mayroon ding tatlong glipo na kumakatawan sa mga patinig na nag-iisa (ponetikong pinangungunahan ng impit, isinusulat bilang q sa Romanong pagsasatitik).[6] Hindi isinusulat ang mga huling katinig, kaya kailangang ipasiya ayon sa konteksto.[3] Si Antoon Postma, isang antropologong Olandes, na pumunta sa Pilipinas mula sa Olanda noong dekada 1950, ay nagpakilala sa pamudpod (   ) upang ipahiwatig ang huling katinig na pantig.[7] (Nagsisilbi ang pamudpod bilang isang virama.)

Mga Patinig ng Hanunó'o
Pauna Dumidepende
Transkripsyon a i u i u
Titik
Mga Pantig ng Hanunó'o[7]
Transkripsyon k g ng t d n p b m y r l w s h
Katinig + a
Katinig + i ᜣᜲ ᜤᜲ ᜥᜲ ᜦᜲ ᜧᜲ ᜨᜲ ᜩᜲ ᜪᜲ ᜫᜲ ᜬᜲ ᜭᜲ ᜮᜲ ᜯᜲ ᜰᜲ ᜱᜲ
Katinig + u ᜣᜳ ᜤᜳ ᜥᜳ ᜦᜳ ᜧᜳ ᜨᜳ ᜩᜳ ᜪᜳ ᜫᜳ ᜬᜳ ᜭᜳ ᜮᜳ ᜯᜳ ᜰᜳ ᜱᜳ
Kasama ang pamudpod ᜣ᜴ ᜤ᜴ ᜥ᜴ ᜦ᜴ ᜧ᜴ ᜨ᜴ ᜩ᜴ ᜪ᜴ ᜫ᜴ ᜬ᜴ ᜭ᜴ ᜮ᜴ ᜯ᜴ ᜰ᜴ ᜱ᜴

Paalala: Nang walang wastong suporta sa pagsasalin, dapat kahawig ang pantig ng Hanunó'o na NGU sa itaas (ᜥᜳ) ng italikong V na isinama sa dalawang, agapay at pahilis na linya ( \\ ).

Gumagamit ang sulat na ito ng solong ( ) at dobleng ( ) panandang danda.[7]

Direksyon ng pagsusulat[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga alternatibong titik ng Hanunó'o na Ra at Wu.
Isang pana mula sa Oriental Mindoro na gawa sa kawayan, lokal na tinatawagang Bayi (ᜪᜬᜲ), na may nakaukit na sulat Hanunó'o.

Karaniwang isinusulat ang sulat Hanunó'o palayo sa katawan (mula ibaba pataas) sa mga tudling mula kaliwa pakanan.[3] Sa loob ng mga tudling, maaaring magkaroon ng anumang oryentasyon ang mga titik ngunit dapat pare-pareho ang oryentasyon para sa lahat ng mga titik sa isang teksto. Kadalasang patayo ang mga titik na nasa kaliwa ang tuldik ng /i/ at nasa kanan ang /u/, o pahalang na nasa itaas ang /i/ at nasa ibaba ang /u/.[6] Madalas na nagsusulat ang mga taong kaliwete nang pabaligtad sa direksyon ng pagsusulat (kanan pakaliwa sa halip ng kaliwa pakanan) at sa mga titik mismo.[4]

Pag-aaral ng pagsusulat[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing nang pinag-aaralan ng mga binatang at dalagang Hanunó'o (tinatawagang layqaw) ang pagsusulat upang kabisaduhin ang mga awit ng pag-ibig. Ang layunin ay matutuo ng mararaming kanta hangga't maaari, at nakatutulong ang paggamit nitong kaparaanan sa pagsulat ng mga kanta sa prosesong ito. Ginagamit din ito upang magsulat ng mga liham, abiso, at iba pang dokumento. Hindi kinakabisaduhan nang magkakasunod ang mga titik; kadalasang nagsisimula ang mga mag-aaral sa pagsusulat ng kanilang pangalan. Mataas ang kanulatan sa mga Hanunó'o kahit may kakulangan sa pormal na edukasyon sa pagsusulat nito.[4]

Unicode[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang sakop ng Hanunó'o sa Unicode ay U+1720–U+173F:

Hanunoo[1][2]
Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF)
  0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
U+172x
U+173x
Talababa
1.^ Pagsapit ng bersyong 13.0 ng Unicode
2.^ Ipinapahiwatig ng mga kulay-abo na puwang ang mga di-itinalagang puntos ng kodigo

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://newsinfo.inquirer.net/985669/protect-all-ph-writing-systems-heritage-advocates-urge-congress
  2. Postma, Antoon (July 1971). "Contemporary Mangyan Scripts". Philippine Journal of Linguistics. 2 (1): 1–12.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Rubino, Carl. "The Hanunoo Script". Ancient Scripts of the Philippines (sa Ingles). Nakuha noong 2016-10-08.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Conklin, Harold C. (2007). Fine Description: Ethnographic and Linguistic Essays. New Haven: Yale University Southeast Asia Studies. pp. 320–342. Unknown parameter |lagnuage= ignored (tulong)
  5. Postma, Antoon (Hulyo 1971). "Contemporary Mangyan Scripts". Philippine Journal of Linguistics (sa Ingles). 2 (1): 1–12.
  6. 6.0 6.1 Daniels, Peter; William Bright (1996). The World's Writing Systems. New York: Oxford University Press. pp. 481–484.
  7. 7.0 7.1 7.2 "Chapter 17: Indonesia and Oceania" (PDF). Unicode Consortium. March 2020.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]