Pumunta sa nilalaman

Alugbati

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Basella alba
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
B. alba
Pangalang binomial
Basella alba
Kasingkahulugan
List
  • Basella rubra L.
  • Basella lucida L.
  • Basella japonica Burm.f.
  • Basella cordifolia Lam.
  • Basella nigra Lour.
  • Basella crassifolia Salisb.
  • Basella volubilis Salisb.
  • Basella ramosa J.Jacq. ex Spreng.
  • Gandola nigra (Lour.) Raf.

Ang alugbati[1] o libato[2], na may pangalang pang-agham na Basella alba ay isang halamang baging na perenyal sa pamilyang Basellaceae. Natatagpuan ito sa mga tropiko ng Asya at Aprika kung saan ginagamit ito bilang gulaying dahon. Kalimitan itong ipinansasalit sa espinaka.[2] Katutubo ito sa subkontinenteng Indiyo, Timog-silangang Asya at Bagong Ginea. Naturalisado ito sa Tsina, mga tropiko ng Aprika, Brasil, Belise, Kolombya, Kanlurang Indiyas, Pidyi at Polinesyang Pranses.[3]

Ang alugbati ay isang mabilis-lumaking baging na may malambot na tangkay. Umaabot ang haba nito hanggang 10 metro (33 tal).[4] Ang mga makapal, halos-makatas, hugis-pusong dahon nito ay may banayad na lasa at malagkit na tekstura.[5] May dalawang baryedad—luntian at pula. Lunti ang kulay ng tangkay ng Basella alba gaya ng dahon nito, habang mamula-mulang ube naman ang tangkay ng kultibar na Basella alba 'Rubra'; habang tumatanda ang halaman, unti-unting lalong nagkukulay-ube ang matatandang dahon mula sa pinakapuno ng dahon patungo sa dulo. Matindi ang amoy ng tangkay kapag dinurog. Matatagpuan ang alugbati sa maraming merkadong Asyano, pati na rin sa mga pamilihan ng mga magsasaka.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "alugbati". Pambansang Diksiyonaryo | Diksiyonaryo.ph. Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 7 Marso 2025.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Libato, Malabar nightshade". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  3. Kew World Checklist of Selected Plant Families, Basella alba
  4. Benjamin Dion (2015). "Malabar spinach plant database" [Database ng halamang alugbati] (PDF) (sa wikang Ingles). Florida Gulf Coast University. Nakuha noong 13 Oktubre 2022.
  5. "Malabar spinach - A succulent summer green" [Alugbati - Isang makatas, pantag-init na berde]. Sustainable Food Center (sa wikang Ingles). 8 Mayo 2015. Nakuha noong 23 Abril 2022.

Botanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.