Pumunta sa nilalaman

Am Timan

Mga koordinado: 11°2′N 20°17′E / 11.033°N 20.283°E / 11.033; 20.283
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Am Timan

أم تيمان
Am Timan is located in Chad
Am Timan
Am Timan
Location in Chad
Mga koordinado: 11°2′N 20°17′E / 11.033°N 20.283°E / 11.033; 20.283
Bansa Chad
RehiyonSalamat
DepartmentoBarh Azoum
Sub-PrepekturaAm Timan
Taas
407 m (1,335 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan38,261
Sona ng oras+ 1

Ang Am Timan (Arabe: أم تيمان‎, ʾUmm Tīmān) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Salamat. Kilala rin ang Am Timan bilang Dabengat sa Chad, na nagngangahulugang yaman ng mga produkto. Ito ang sentro ekonomiko ng rehiyon ng Salamat, at kabilang sa mga kabuhayan nito ang isda, mga gulay at karne. Bilang kabisera ng prepektura, saklaw nito ang lawak ng maraming mga nayong sa paligid nito, pati ang Pambansang Liwasan ng Zakuma. Walang pamantasan ang lungsod ngunit mayroon itong mga paaralan at kolehiyo at isang klinka, at nagdadaos ng isang malaking araw ng tiyangge at mga pagdiriwang ng pista.

Ang mabuhanging paliparan ng lungsod, Paliparan ng Am Timan IATA: AMCICAO: FTTN ay pinaganda ng French Foreign Legion noong 1971 upang maisangalang-alang ang mga padala ng militar gamit ang himpapawid upang matustusan ang pagpupunyagi laban sa mga rebelde. Sa mga panahong iyon, tanging sa himpapawid lamang ang praktikal na paraan papunta o palabas ng lungsod.

Sapagkat tumatagal ang tagtuyo sa humigit-kumulang pitong buwan kada taon, nagiging suliranin ang tubig habang tumatagal ang tagtuyo. Mararating ang mga balon ng tubig sa pamamagitan ng paghukay nang mas-malalim sa pinababaw ng ilog ng Bahr Salamat. Nagsisimulang dumaloy ang ilog sa simula ng tag-ulan.

Sa wikang Arabe, ang Am Timan ay nagngangahulugang "ina ng mga kambal," sapagkat sa lugar na ito nagsilang ng kambal ang isang inang bupalo. Noong panahon ng kaguluhan, nawasak ang isang taniman at planta ng pagpoproseso ng kapok na nasa labas lamang ng lungsod.

Iginiit noong ika-23 ng Oktubre 2006, na ang lungsod ay kinuha ng Union of Forces for Democracy, ang pangunahing pangkat ng manghihimagsik sa Chad. Ngunit hindi sinang-ayunan ng pamahalaan ng Chad ang paggiit na ito.[1]

Historical population
TaonPop.±%
1993 21,269—    
2008 30,443+43.1%
Reperensiya: [2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]