Ampaw
![]() Ampaw na may mani, mula sa Cebu | |
Ibang tawag | Ampao, arroz inflado, pop rice, puffed rice, popped rice |
---|---|
Kurso | Meryenda |
Lugar | Pilipinas |
Rehiyon o bansa | Visayas |
Ihain nang | Temperatura ng silid |
Pangunahing Sangkap | Bigas |
|
Ang ampaw, ampao o arroz inflado, ay isang matamis na Pilipinong kakanin na gawa sa pinaputok at magkakadikit na mga butil ng mga nalutong bigas o mais.[1] Kabilang dito ang kilalang papkorn,[2] ang ampaw na mais.[1]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]"Binusang butil" ang ibig sabihin ng ampaw sa mga wikang Pilipino. Bagama't tumutukoy ito sa bersiyong gawa sa bigas, maaari ring tukuyin ang papkorn bilang ampaw ("ampaw na mais", para mas tumpak).[3] Sa islang ng Sebwano, isang eupemismo ang ampaw para sa "[taong] mahangin". Hinango ang salita mula sa *ampaw ng Proto-Malayo-Polinesyo (“hungkag na talupak (ng bigas, atbp.)”).[4]
Hindi dapat ikalito ang ampaw sa isa pang salita sa Filipino, ang angpao (na binabaybay ring ampaw o ampao, mula sa Pilipinong Hokkien; Tsino: 紅包; Pe̍h-ōe-jī: âng-pau; lit.: "pulang pakete"), na tumutukoy sa pulang sobre ng mga Tsino, dahil singkatunugan o homonimo ang dalawang salita.[5]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gawa ang ampaw sa kanin (kadalasan, bahaw). Pinapatuyo ito sa araw sa loob ng mga apat na oras. Pagkatapos, ipiniprito ang mga ito sa mantika upang pumutok. Inaalis ang mantika pagkatapos prituhin. Hiwalay na niluluto ang pamahid na asukal mula sa maskobado o pulot (o sirup de-mais), asin, mantikilya, at suka o katas ng kalamansi. Ibinubuhos ang pamahid sa ampaw at hinahalo hanggang sa pantay ang pagkapahid. Pinapatuyo ito at hinuhubog sa ninanais na hugis bago ito tumigas. Karaniwang hinahati ang mga ito sa mga parisukat o parihabang bloke o hinuhubog para maging mga bola-bola.[6][7][8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ Puffed grain
- ↑ "Ampaw". Tagalog Lang. Nakuha noong Marso 28, 2019.
- ↑ Blust, Robert. "Austronesian Comparative Dictionary: Cognate Sets *a" [Diksiyonaryong Pahambing ng Austronesyo: Mga Pangkat ng Magkaugnay]. Austronesian Comparative Dictionary (sa wikang Ingles).
- ↑ "Ampaw Anyone?". Greenpeace Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2019. Nakuha noong Marso 28, 2019.
- ↑ "Ampaw (Puffed Rice)". Mama's Guid Recipes. Nakuha noong Marso 28, 2019.
- ↑ "Filipino traditional snack: AMPAO (dried rice with sugar and lemon)" [Tradisyonal na Pilipinong meryenda: AMPAW (pinatuyong kanin na may asukal at limon)]. Sharsy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 28, 2019.
- ↑ "Puffed Rice (Ampaw)". Atbp.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 28, 2019.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.