Pumunta sa nilalaman

Amsterdam

Mga koordinado: 52°22′N 4°53′E / 52.37°N 4.88°E / 52.37; 4.88
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Amsterdam
lungsod, place with town rights and privileges, big city, daungang lungsod, cadastral populated place in the Netherlands, cycling city, largest city, national capital
Watawat ng Amsterdam
Watawat
Eskudo de armas ng Amsterdam
Eskudo de armas
Palayaw: 
Mokum, מָקוֹם א, Damsko, A'dam, Venetië van het Noorden, Venice of the north, Damsko, Asd
Map
Mga koordinado: 52°22′N 4°53′E / 52.37°N 4.88°E / 52.37; 4.88
BansaPadron:Country data Neerlandiya
LokasyonAmsterdam, North Holland, Neerlandiya
Itinatag1300
Ipinangalan kay (sa)Amstel
Pamahalaan
 • mayor of AmsterdamFemke Halsema
Lawak
 • Kabuuan219 km2 (85 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Enero 2023)[1]
 • Kabuuan921,468
 • Kapal4,200/km2 (11,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, Oras ng Gitnang Europa, UTC+02:00
Websaythttps://amsterdam.nl

Ang Amsterdam (bigkas: AMS-ter-dam) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Olanda. Ang kasalukuyang tungkulin ng Amsterdam bilang kabisera ng Kaharian ng Olanda ay pinangangasiwaan ng saligang-batas ng 24 Agosto 1815 at mga kasunod[2] nito. Ang Amsterdam ay may populasyon[3] na 780,152 sa loob ng pinaka-lungsod, 1.2 milyon kung kasama ang mga karatig-pook at 2.1 milyon naman sa buong kalakhan. Ang lungsod ay nasa lalawigan ng Hilagang Olanda sa bandang kanluran ng bansa. Kinalalagyan nito ang hilagang bahagi ng Randstad, and ika-anim na pinakamataong kalakhan sa Europa, na may populasyon na 8.1 milyon ayon sa ilang mga pagtataya.

Ang pangalan nito ay kinuha mula sa Amstelredamme[4], na nagsasabi ng pinagmulan ng lungsod: isang dam ("pang-harang") sa Ilog Amstel. Tinirahan habang isang maliit na bayang palaisdaan noong kahulihan ng ika-12 siglo, ang Amsterdam ay naging isa sa pinakamahalagang daungan sa daigdig noong Ginintuang Panahon ng mga Olandes, na dala ng pag-unlad sa kalakalan. Noong mga panahong iyon, ang lungsod ay nangunguna pagdating sa pinansiya at mga dyamantes.[5] Noong ika-19 at ika-20 siglo, lalong lumawak ang lungsod, at maraming bagong mga pamayanan at karatig-pook ang naitaguyod. Ang mga daang-tubig (Inggles: canal; Olandes: Grachtengordel) na ginawa noong ika-17 siglo ay idinagdag sa UNESCO World Heritage List noong Julyo 2010.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bevolkingsontwikkeling; regio per maand". Nakuha noong 23 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dutch Wikisource. "Grondwet voor het Koningrijk der Nederlanden (1815) (Dutch)". Retrieved 2 Mayo 2008.
  3. "Facts and Figures". I amsterdam. Retrieved 1 Hunyo 2011.
  4. Encyclopædia Britannica Eleventh Edition, Vol 1, p896-898.
  5. Cambridge.org, Capitals of Capital -A History of International Financial Centres – 1780–2005, Youssef Cassis, ISBN 978-0-521-84535-9


Olanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.