Pumunta sa nilalaman

Anak na babae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Pierre Mayer kasama ang kanyang anak na si Constance Mayer, ipininta ni Constance Mayer

Ang isang anak na babae o anak na babayi ay isang babaeng supling; isang babae sa anumang gulang na may kaugnayan sa kanyang mga magulang. Ang pagiging anak na babae (daugtherhood) ay ang estado ng pagiging anak ng isang tao. Ang lalaki nitong katumbas ay tinatawag na anak na lalaki. Ginagamit din ang katagang ito sa iba't ibang larangan upang ipakita ang relasyon sa pagitan ng mga grupo o elemento. Mula sa perspektibo ng biyolohiya, ang isang anak na babae ay isang malapit na kamag-anak sa unang antas. Bukod dito, ang salitang "anak na babae" ay ginagamit din upang tumukoy sa isang babaeng inapo o isang kaugnayan sa dugo.

Sa mga patriyarkal na lipunan, ang mga anak na babae ay madalas may kakaibang karapatan sa pamilya kumpara sa mga anak na lalaki. Mas gusto ng ibang pamilya ang magkaroon ng mga anak na lalaki kaysa sa mga babae, at maaaring sumailalim ang mga anak na babae sa female infanticide (pagpatay sa sanggol na babae).[1] Sa ilang lipunan, kaugalian na ang isang anak na babae ay 'ibinebenta' sa kanyang mapapangasawa, na kailangang magbayad ng bride price (bayad-pangkasal). Ang kabaligtaran ng kaugaliang ito, kung saan ang mga magulang ang nagbabayad sa mapapangasawa ng babae bilang kabayaran sa gastusin nito, ay tinatawag na dowry (dote). Ang pagbabayad ng dote ay karaniwang makikita sa mga lipunan kung saan ang mga babae ay hindi nagtatrabaho sa labas ng bahay.[2]

Ang numero sa tabi ng bawat kahon sa Table of Consanguinity (Talaan ng Pagkakamag-anak) ay nagpapakita ng antas ng relasyon kaugnay sa tinutukoy na tao.
Unang gining ng Estados Unidos na si Betty Ford kasama ang kanyang anak na si Susan Ford.

Ang salitang "anak" (ᜀᜈ) ay nagmula sa Sinaunang Tagalog, na nangangahulugang supling o lahi, habang ang "babae" (ᜊᜊᜁ) ay tumutukoy sa kasarian ng indibidwal. Kapag pinagsama, ang "anak na babae" ay literal na nangangahulugang "babaeng supling." Ang "anak na babayi" naman ay isang alternatibong anyo na ginagamit din sa Tagalog, kung saan ang "babayi" (ᜊᜊᜌᜒ) ay isang mas kinagisnang bersyon ng "babae." Makikita rin ang katagang ito sa iba pang wika ng mga Austronesyo, partikular sa Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stein, Dorothy (1988). "Burning Widows, Burning Brides: The Perils of Daughterhood in India". Pacific Affairs. 61 (3): 465–485. doi:10.2307/2760461. ISSN 0030-851X.
  2. Stein, Dorothy (1988). "Burning Widows, Burning Brides: The Perils of Daughterhood in India". Pacific Affairs. 61 (3): 465–485. doi:10.2307/2760461. ISSN 0030-851X.