Pumunta sa nilalaman

Ang Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa
神奈川沖浪裏, Kanagawa-oki Nami Ura
Limbag sa Metropolitan Museum of Art
Alagad ng siningKatsushika Hokusai
Taon1831
TipoUkiyo-e (Imprentang ukit-kahoy)
Sukat25.7 cm × 37.9 cm (10.1 pul × 14.9 pul)

Ang Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa (Hapones: 神奈川沖浪裏, Hepburn: Kanagawa-oki Nami Ura, lit. na'Sa Ilalim ng Alon sa Labas ng Kanagawa') ay isang imprentang ukit-kahoy ni Hokusai, isang Hapones na alagad ng ukiyo-e, na inilikha noong patapos ng 1831 noong panahong Edo sa kasaysayan ng Hapon. Naglalarawan ang limbag ng tatlong bangka na dumadaan sa binabagyong dagat, na may malaking, gasuklay na alon na bumubuo ng ispayral sa gitna sa ibabaw ng mga bangka, at kita ang Bundok Fuji sa likuran.

Ang limbag ay ang pinakakilalang gawa ni Hokusai at ang una sa kanyang seryeng Tatlumpu't anim na Tanawin ng Bundok Fuji, kung saan napabago ang mga imprentang Hapones dahil sa paggamit ng Prusong bughaw. Ang komposisyon ng Ang Dakilang Alon ay isang sintesis ng tradisyonal na imprentang Hapones at paggamit ng perspektibong grapikal na nilinang sa Europa, at umani siya ng agarang tagumpay sa Hapon at kalaunan sa Europa, kung saan ang sining ni Hokusai ay nagbigay-inspirasyon sa mga gawa ng mga Impresyonista. Sa buong mundo, may mga kopya ang ilang mga museo ng Ang Dakilang Alon, na nagmula ang marami sa mga ito sa mga pribadong koleksyon ng mga imprentang Hapones noong ika-19 na siglo. Mga 100 limbag lamang, sa iba't ibang kondisyon, ang inaakalang nakaligtas hanggang sa ika-21 siglo.

Nailarawan Ang Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa bilang "posible na ang pinakanakopyang larawan sa buong kasaysayan ng sining",[1] pati na rin ang pagiging kontringkante para sa "pinakatanyag na likhang sining sa kasaysayan ng Hapon".[2] Nag-impluwensiya itong imprentang ukit-kahoy sa ilang mga Kanluraning alagad-sining at musikero, kabilang dito sina Claude Debussy, Vincent van Gogh at Claude Monet. Nabigyang-inspirasyon din ang mga nakababatang kolega ni Hokusai, Hiroshige at Kuniyoshi, na gumawa ng kanilang sariling mga sining na tuong-alon.

Sining na ukiyo-e

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pohas na ginagamit sa pag-iimprenta ng ukiyo-e

Ang ukiyo-e ay paraang Hapones sa pag-iimprenta na umunlad noong ika-17 hanggang ika-19 na siglo. Nakagawa ang mga alagad nito ng mga imprentang ukit-kahoy at mga ipinintang larawan ng mga paksa tulad ng mga magagandang babae; mga artista sa kabuki at mga mambubuno sa sumo; mga eksena mula sa kasaysayan at kuwentong-bayan; mga eksena sa biyahe at mga tanawin; sanghalamanan at sanghayupan ng Hapon; at erotika. Isinasalin ang ukiyo-e (浮世絵) bilang "[mga] larawan ng mundong lumulutang".

Matapos maging luklukan ng namahalang shogunatong Tokugawa ang Edo (o Tokyo ngayon) noong 1603,[3]:4-5 pinakanakinabang ang klaseng chōnin na binuo ng mga mangangalakal, artesano, at manggagawa sa mabilisang paglago ng ekonomiya ng lungsod,[4]:66 at nagsimulang magpakasawa at tumangkilik sa aliwan ng teatrong kabuki, geisha, at mga kortesana ng mga distrito ng aliwan;[3]:4-5 naging pantukoy ang salitang ukiyo sa ganitong hedonistikong pamumuhay. Pumatok ang mga imprenta o pinturang ukiyo-e sa klaseng chōnin, na yumaman nang sapat na kayang palamutian ang kani-kanilang mga bahay ng mga dekorasyong ito.[3]:6

Lumitaw ang mga pinakaunang gawang ukiyo-e, mga pinta at mga monokromatikong imprenta ng mga babae, noong d. 1670.[5]:31 Unti-unting nagkaroon ng mga de-kolor na imprenta, at noong umpisa ay ginamit lang sa mga espesyal na komisyon. Pagsapit ng d. 1740, gumamit ang mga alagad-sining tulad ni Okumura Masanobu ng maraming bloke ng kahoy para makapagimprenta ng mga kulay.[6]:77

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wood, Patrick (20 Hulyo 2017). "Is this the most reproduced artwork in history?" [Ito ba ang pinakanakopyang likhang sining sa kasaysayan?]. ABC News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobyembre 2020. Nakuha noong 20 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gamerman, Ellen (18 Marso 2015). "How Hokusai's "The Great Wave" Went Viral" [Paano Nagin Viral ang "Ang Dakilang Alon" ni Hokusai]. The Wall Street Journal. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2017. Nakuha noong 11 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Penkoff, Ronald (1964). Roots of the Ukiyo-e; Early Woodcuts of the Floating World [Mga Ugat ng Ukiyo-e; Mga Maagang Ukit-kahoy ng Mundong Lumulutang] (PDF) (sa wikang Ingles). Ball State Teachers College. OCLC 681751700. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 21 Mayo 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Singer, Robert T. (Marso–Abril 1986). "Japanese Painting of the Edo Period" [Pintang Hapones ng Panahong Edo]. Archaeology (sa wikang Ingles). Archaeological Institute of America. 39 (2): 64–67. JSTOR 41731745.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kikuchi, Sadao; Kenny, Don (1969). A Treasury of Japanese Wood Block Prints (Ukiyo-e). Crown Publishers. OCLC 21250.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kobayashi, Tadashi (1997). Harbison, Mark A. (pat.). Ukiyo-e: An Introduction to Japanese Woodblock Prints (sa wikang Ingles). Kodansha International. ISBN 978-4-7700-2182-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)