Pumunta sa nilalaman

Angpao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angpao
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino紅包
Pinapayak na Tsino红包
Kahulugang literal"pulang pakete"
Alternatibong pangalang Tsino
Tsino利是, 利市 or 利事
Kahulugang literal"mabuti para sa negosyo"
Pangalang Burmese
Burmesအန်ပေါင်း
an paung
Pangalang Biyetnames
Alpabetong Biyetnameslì xì
mừng tuổi
Hán-Nôm利市
𢜠歲
Pangalang Thai
Thaiอั่งเปา
RTGSang pow
Pangalang Hapones
Kanjiお年玉袋
祝儀袋
Pangalang Malay
Malayangpau
Pangalang Tagalog
Tagalogᜀᜅ᜔ᜉᜏ᜔ / ᜀᜋ᜔ᜉᜏ᜔
angpao / ampaw
Pangalang Khmer
Khmerអាំងប៉ាវ
ăngpav

 Ang angpao o ampaw (Tsinong tradisyonal: 紅包; Tsinong pinapayak: 红包; pinyin: hóngbāo; Pe̍h-ōe-jī: âng-pau) ay pulang sobre na nilalagyan ng pera para iregalo. Ibinibigay ito tuwing mga kapistahan o para sa mga espesyal na okasyon tulad ng kasal, pagtatapos, at kaarawan.[1] Nagmula ito sa Tsina bago kumalat sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya at mga iba pang bansa na may malaking populasyon ng etnikong Tsino. Tinatawag din itong lai see (Tsino: 利是; Cantonese Yale: laih sih), hongbao, pulang sobre o pulang pakete.

ng mga pulang sobre na may pera sa loob, na kilala bilang hongbao sa Mandarin at laisee sa Kantones, ay mga regalong ibinibigay sa mga pagtitipon tulad ng mga kasalan o pista opisyal tulad ng Bagong Taon ng mga Tsino; inireregalo rin sila sa mga bisita bilang pagpapakita ng mabuting pakikitungo. Sumisimbolo ang pulang kulay ng sobre sa kaswertehan at nagtataboy rin sa mga masasamang espiritu.[2] Sa Tsino, ang angpao ay tinatawag ding "perang nagtataboy sa katandaan" (壓歲錢; yāsuì qián) para sa Bagong Taon ng mga Tsino.

Ang paghihiling ng mga pulang pakete ay karaniwang tinatawag na tao hongbao (Tsino: 討紅包; pinyin: tǎo hóngbāo) o yao lishi (Tsino: 要利是; pinyin: yào lìshì), at, isa timog ng Tsina, dou lishi (Tsino: 逗利是; pinyin: dòu lìshì; Cantonese Yale: dauh laih sih). Kadalasang ibinibigay ang mga angpao sa mga nakababatang henerasyon na karaniwang nag-aaral pa o wala pang asawa.[3]

Karaniwan, nagtatapos ang halaga ng perang nasa loob ng sobre sa tukol na bilang, alinsunod sa mga paniniwala ng mga Tsino; ayon sa tradisyon, may kaugnayan ang mga regalong pera na may gansal na bilang sa mga libing.[3] Eksepsiyon dito ang siyam, dahil magkatunog ang pagbigkas ng siyam (Tsino: ; pinyin: jiǔ) sa salitang mahaba (; jiǔ), at ito ang pinakamalaking solong dihito.[4] Sa ilang rehiyon ng Tsina at sa diyasporang Tsino, pinapaboran ang mga gansal na bilang para sa mga kasalan dahil mahirap hatiin ang ganoong mga bilang. Isang malawakang tradisyon ang pag-iwas sa pagbibigay ng perang nakaapat, o dapat walang apat sa halaga, tulad ng 40, 400, at 444, dahil magkatunog ang pagbigkas ng salitang apat (; ) sa salitang kamatayan (; ). Kapag nagbibigay ng pera, pinapaboran ang perang bago kaysa sa perang luma. Karaniwang makakita ng mahahabang pila sa bangko bago ang Bagong Taon ng Mga Tsino na may mga taong naghihintay para makakuha ng bagong pera.[5]

Birtuwal na angpao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga birtuwal na angpao sa mga mobile payment platform. Noong Bagong Taon ng Mga Tsino ng 2014, inilunsad ng aplikasyong pangmensahe na WeChat ang kakayahang mamahagi ng mga birtuwal na angpao na may pera sa mga kontak at pangkat sa pamamagitan ng WeChat Pay platform nito. Kabilang sa paglunsad nito ang naibrodkast na promosyon noong CCTV New Year's Gala — ang pinakapinapanood na espesyal sa telebisyon sa Tsina — kung saan maaaring manalo ang mga manonood ng mga angpao.[6][7]

Dumami ang gumamit ng WeChat Pay kasunod ng paglulunsad, at higit sa 32 bilyong birtuwal na angpao ang naipadala noong pista ng Bagong Taon ng Mga Tsino noong 2016 (sampung ulit na pagtaas kumpara sa 2015). Dahil sa kasikatan nitong tampok, ginaya ito ng mga ibang bendidor; nagkaroon ng "digmaan ng angpao" sa pagitan ng may-ari ng WeChat, Tenchat, at ng makasaysayang karibal nito, Alibaba Group, na nagdagdag ng magkahawig na punsyon sa serbisyong pangmensahe nila at nagsagawa ng mga katulad na promosyon.[6][7] Tinantiya ng mga analista na mahigit 100 bilyong dihital na angpao ang ipapadala sa pista ng Bagong Taon ng 2017.[8][9] Ayon sa isang pag-aaral, sumikat ang birtuwal na angpao dahil nakahahawa ang tampok—nakadama ng obligasyon ang mga taong nakatanggap ng angpao na magbigay rin.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Red Pockets" [Mga Pulang Pakete]. chinesenewyear.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Abril 2020. Nakuha noong 3 Abril 2021.
  2. "The real value of "lucky" money" [Ang tunay na halaga ng "maswerteng" pera]. thestar.com (sa wikang Ingles). 26 Enero 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2023. Nakuha noong 20 Enero 2023.
  3. 3.0 3.1 "Hongbao giving | Infopedia" [Pagbibigay ng hongbao | Infopedia]. eresources.nlb.gov.sg (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Pebrero 2023. Nakuha noong 20 Enero 2023.
  4. "The History of the Red Envelopes and How to Use them In the Year of the Yin Earth Pig 2019" [Ang Kasaysayan ng Mga Angpao at Paano Gamitin Ang Mga Ito sa Taon ng Lupang Baboy na Yin 2019]. FengshuiWeb.co.uk (sa wikang Ingles). 19 Hunyo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2017. Nakuha noong 2 Abril 2017.
  5. "Long queues for new banknotes ahead of Chinese New Year" [Mahahabang pila para sa bagong papel de bangko bago mag-Bagong Taon ng Mga Tsino]. CNA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2023. Nakuha noong 20 Enero 2023.
  6. 6.0 6.1 "How Social Cash Made WeChat The App For Everything" [Paano Naging App Para sa Lahat Ang WeChat Dahil sa Social Cash]. Fast Company (sa wikang Ingles). 2 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2017. Nakuha noong 4 Enero 2017.
  7. 7.0 7.1 Young, Doug. "Red envelope wars in China, Xiaomi eyes US" [Digmaan ng angpao sa Tsina, minamata ng Xiaomi ang Amerika] (sa wikang Ingles). South China Morning Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2015. Nakuha noong 18 Pebrero 2015.
  8. "Why this Chinese New Year will be a digital money fest" [Bakit magiging dihital na pistang mapera itong Bagong Taon ng Mga Tsino]. BBC News (sa wikang Ingles). 27 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2017. Nakuha noong 29 Enero 2017.
  9. "Tencent, Alibaba Send Lunar New Year Revelers Money-Hunting". Caixin Global (sa wikang Ingles). 13 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2018. Nakuha noong 29 Agosto 2018.
  10. Gift Contagion in Online Groups: Evidence From WeChat Red Packets [Pagkalat ng Regalo sa Mga Pangkat sa Onlayn: Katibayan Mula sa Angpao ng WeChat] (sa wikang Ingles). "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-06. Nakuha noong 2025-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link), Yuan et al., arXiv preprint, 2020.