Pumunta sa nilalaman

Ann at Billie Dumaliang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sina Ann at Billie Dumaliang ay magkapatid na mga Pilipina na kasama sa mga ginawaran ng Changing Your Mind Travel Awards ng Vanity Fair noong 2021 at kabilang sa Next Generation Leaders ng Time Magazine noong 2024.[1][2][3] Sila ang nangunguna sa pangangalaga ng Masungi Georeserve at Upper Marikina Watershed.

Mahigit dalawampung taon nang gumagawa sina Ann at Billie Dumaliang sa Masungi Georeserve Foundation upang protektahan ang 2,700 ektaryang lupa na bumubuo sa Masungi Georeserve.[1][4] Sina Ann at Billie ay kapwa katulong na nagtatag ng Masungi Georeserve Foundation.[4] Bukod sa pagprotekta sa Masungi Georeserve ay pinapangalagaan din nila ang Upper Marikina Watershed na isa sa mga pinaka-kritikal na watershed sa Pilipinas.[4] Pinangangalagaan nila ang mga lugar mula sa mga banta na pisikal at legal na nagmumula sa mga nagdedebelop ng mga ari-arian, mga nagtrotroso, at maging sa ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.[4] Kasama ang kanilang walumpung tanog-gubat ay hinaharap nila ang mga pagbabantang pisikal at legal na nagmumula sa mga nagdedebelop ng ari-arian at mga awtoridad katulad ng mga panliligalig, kampanya para sa maling impormasyon at ang mga plano ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Inggles: Department of Environment and Natural Resources) na pawalang bisa ang kasunduan na nagpapahintulot na na ikonserba at mag-reforest sa Masungi Georeserve.[5] Sa kasalukuyan ay nakatuon ang mga pagsisikap ng magkapatid na Dumaliang sa pagpapanumbalik ng mga lugar na watershed kung saan ay dalawampu't limang porsiyento na lamang ang natitira sa takip ng kagubatan.[5]

Parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginawaran sina Ann at Billie Dumaliang ng Vanity Fair Magazine ng Changing Your Mind Travel Award noong 2021 dahil sa mga nagawa nila sa pagtulong sa pagbabalik sa pagiging gubat sa mga parte ng lupa sa Masungi Georeserve na nawalan ng mga puno dahil sa deporestasyon, na masubaybayan ang mga mahihinang lugar sa Masungi Georeserve sa pamamagitan ng paggawa ng mga trails, at sa pagsasama-sama ng lokal na komunidad.[1]

Kasama rin sina Ann at Billie Dumaliang sa sampung nasa Next Generation Leaders List ng Time Magazine noong 2024.[4] Ang parangal na ito ay kumikilala sa sampung trailblazer sa buong mundo na nangunguna nang may empatiya, humahamon sa status quo at gumagawa ng mga solusyon para makamit ang magandang kinabukasan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 3 "Filipina sisters behind Masungi Georeserve bag Vanity Fair award". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. ↑ GMA Integrated News (2024-10-17). "Filipina conservationists Ann and Billie Dumaliang among TIME's 2024 Next Generation Leaders". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. ↑ De Guzman, Chad (2024-10-16). "Environmental Defenders Ann and Billie Dumaliang Aren't Backing Down". Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-02-13. Nakuha noong 2025-02-15.
  4. 1 2 3 4 5 6 Gonzales, Iris. "The world is watching". Philstar.com. Nakuha noong 2025-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. 1 2 "Masungi's Dumaliang duo joins Time's Next Generation Leaders 2024 list". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]