Pumunta sa nilalaman

Anna Easteden

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Anna Easteden
2009
Kapanganakan
Anna Katariina Shemeikka

(1976-11-29) 29 Nobyembre 1976 (edad 47)

Si Anna Easteden ay isang Finnish Amerikanang na artistang lalabas sa mga pelikulang The House of Branching Love (2009) at Sideways (2009). Kilala siya sa kaniyang pagganap na "Bee Sting" sa pangalawang panahon ng Who Wants to Be a Superhero? sa Sci Fi Channel. Gumanap din siya sa telenobelang Passions at Days of Our Lives sa NBC at sa teleseryeng Bones sa Fox.

Si Easteden ay ipinanganak na Anna Katarina Shemeikka sa Tohmajärvi, Pinlandiya, anak ng mga matagumpay na magsasaka ng mga págatasán. Mayroon siyang kapatid na lalaki, si Antti, na mas bata sa kaniya. Si Easteden ay ipinalaki sa Pinlandia hanggang siya ay teenager. Mahusay sa kaniyang pag-aaral, nagtapos siyang pinakabata sa kaniyang klase.

Karera bilang Modelo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtapos si Easteden sa isang Finnish na eskwelahan pang modelo sa batang edad na 12 at madaling nakuha ang kaunaunahang trabaho niya para mag-modelo sa Finland. Noong nanalo siya sa isang paligsahang pambansa na hawak ng isang tanyag na magasin pang teenager: SinäMinä (na Anna Shemeikka), siya ay lumabas sa kaniyang kaunaunahang harap ng magasin.

Teenager pa lang, natanggap ni Anna Easteden ang kanyang unang kontratang internasyonal na mag-modelo para sa isang agensiya pang modelo sa Hapon, at napalipat siya sa Tokyo. Sa Tokyo, lumabas siya sa mga palathala para sa mga kompanyang tulad ng: Kanebo, Sony, Nissen, Wacoal, Oricom, NEC at Lux. Siya ay naging house model ni Akira Kimijima, isang disenyador, at binigyan ng tanging kontrata ng isang Hapones na kompanyang gumagawa ng cosmetics. Nagmodelo din si Easteden sa Hong Kong, Taiwan, Korea, Singapore, Malaysia, Indonesia, New Zealand, Slovakia, Guam at sa wakas, sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos, nagmodelo si Easteden para sa mga kompanyang katulad ng: Avon, Salvatore Ferragamo, Calvin Klein, XOXO, Hermes, Diesel, Pony, T-Mobile, Toyo Tires, Michael Antonio, Jockey, Ashworth, Kohl’s, Nissen, Victoria’s Bridal, Gottschalks, Anna’s Linens, Pajamagrams, Rio Hotel, Marie Claire, Chevy, Sue Wong at Coffee Bean and Tea Leaf.

Karera bilang Artista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagumpisa si Easteden sa kaniyang karera bilang artista sa mga patalastas (commercial) pang telebisyon sa Hapon, Taiwan at sa Estados Unidos. Sa kaniyang unang dula na Sleeping Beauty, na unang pinalabas sa Chicago, sa Tivoli Theater sa Downers Grove, gumanap siyang “Sleeping Beauty”.

Si Easteden ay kilalang kilala sa kanyang pagganap ng kontrabidang “Bee Sting” sa Who Wants to Be a Superhero? Gumanap din siya sa teleseryeng: Bones at sa mga telenobelang: Passions, at Days Of Our Lives.

Tulong sa Kapwa Tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Easteden ay gumawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga iba ibang bahagi ng mga paraan ng asilo ng mga piniling bansa sa Europa para sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) sa Bratislava, Slovakia. Nakatulong ang kaniyang pananaliksik sa Slovak National Asylum Legislation, na noong panahon na iyon ay linalagyan ng susog. Pinagpatuloy ni Easteden ang kaniyang ginagawa sa Bratislava, na katulong ng isang internasyonal na kasama ng The Foundation for a Civil Society (Estados Unidos), kung saan siyang nakasangkot sa Citizen Campaign OK 98 para sa mga malaya at mainam na eleksiyon.

Pansariling Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikinasal si Easteden kay Rob McKinley, isang Amerikanong beysbol coach noong 2007. Si Easteden ay nakatira sa Los Angeles.

[baguhin | baguhin ang wikitext]