Arch Enemy
Arch Enemy | |
|---|---|
Arch Enemy in 2016; from left to right: Sharlee D'Angelo, Michael Amott, Alissa White-Gluz, Jeff Loomis, and Daniel Erlandsson | |
| Kabatiran | |
| Pinagmulan | Halmstad, Sweden |
| Genre | Melodic death metal |
| Taong aktibo | 1995−present |
| Label | |
| Miyembro | |
| Dating miyembro | |
| Websayt | archenemy.net |
Arch Enemy ay isang Swedish melodic death metal band, na orihinal na isang supergroup mula sa Halmstad, na binuo noong 1995. Ang mga miyembro nito ay nagmula sa mga banda tulad ng Carcass, Armageddon, Carnage, Mercyful Fate, Spiritual Beggars, The Agonist, Nevermore, at Eucharist. Itinatag ito ng gitarista ng Carcass na si Michael Amott kasama si Johan Liiva, na pareho ring nagmula sa death metal band na Carnage. Nakapaglabas na ang banda ng labing-isang studio album, tatlong live album, tatlong video album at apat na EP. Ang orihinal na pangunahing bokalista ay si Johan Liiva, na pinalitan ng Aleman na si Angela Gossow noong taong 2000. Umalis si Gossow sa banda noong Marso 2014, at naging manager ng grupo, at siya ay pinalitan ng Canadian na bokalista na si Alissa White-Gluz. .
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga unang taon at Black Earth (1995–1997)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang sa bansang Sweden ang Arch Enemy noong 1995 ni Michael Amott, at ang unang album na Black Earth ay naitala sa loob ng siyam na araw sa Studio Fredman at inilabas ng ngayo’y wala nang Wrong Again Records noong 1996
Stigmata, Burning Bridges, at Gossow (1998–2000)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkatapos mailabas ang Black Earth, lumipat ng record label ang banda at lumagda ng kontrata sa Century Media. Noong 1998, inilabas ng Arch Enemy ang Stigmata, kung saan sumali bilang bassist si Martin Bengtsson at drummer si Peter Wildoer. Nakakuha ang album ng mas malawak na tagapakinig at kasikatan sa Europa at Amerika. Ito rin ang unang album ng Arch Enemy na inilabas sa buong mundo.
Noong 1999, kinuha si Sharlee D’Angelo (ex-King Diamond, ex-Mercyful Fate) bilang bassist ng Arch Enemy, at muling narekrut si Daniel Erlandsson (Eucharist, ex-Carcass) bilang drummer. Inilabas nila ang Burning Bridges, na sinundan ng live album na Burning Japan Live 1999. Sa panahon ng pag-tour para sa Burning Bridges, pansamantalang napalitan ng dalawang beses si D’Angelo; una ni Dick Lövgren (Meshuggah, ex-Armageddon) at pagkatapos ay ni Roger Nilsson (ex-Spiritual Beggars, Firebird, the Quill). [1]
Noong Nobyembre 2000, umalis si Johan Liiva bilang bokalista at siya ay pinalitan ng Aleman na death metal vocalist na si Angela Gossow. [2]
Mga myebro at taon na sila ay kabilang
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Discography
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Black Earth (1996)
- Stigmata (1998)
- Burning Bridges (1999)
- Sahod ng Kasalanan (2001)
- Anthems of Rebellion (2003)
- Doomsday Machine (2005)
- Rise of the Tyrant (2007)
- Khaos Legions (2011)
- War Eternal (2014)
- Will to Power (2017)
- Mga Manloloko (2022)
- Blood Dynasty (2025)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sharpe Young, Garry. CAMIONB BLANC: ANTHOLOGIE DU METAL Tome 2. Camion Blanc. ISBN 978-2-35779-636-2.
- ↑ "Interview: Arch Enemy with Angela Gossow". Metal Bite (sa wikang Ingles). 2002-05-29. Nakuha noong 2024-08-08.