Arkitektura

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Parthenon sa tuktok ng Acropolis, Athens, Gresya.

Ang Arkitektura ay ang proseso at produkto bg pagplano, pagdisenyo,at pagtayo ng mga gusali at iba pang pisikal na istruktura. Ang mga gawang arkitektura sa materyal na anyo ng mga gusali ay madalas na kinikilala bilang simbolo ng kultura at gawa ng sining. Ang mga makasaysayang sibilisasyon ay ma,imit na nakikilala dahil sa kanilang mga arkitekturang nagawa na hanggang ngayon ay nakatayo pa.

Ang salitang "arkitektura" ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan.

Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon. Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-iiskedul, pag-tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]


Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.