Arkitekturang Sino-Portuges

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinakakilala sa Singapur ang mga bahay-tindahan sa estilong Sino-Portuges, lalo na sa Barrio Tsino nito. Ang harapan ng pinakakaliwang halimbawa ay pinabagong-hubog sa isang estilong huling Art Deco.

Ang arkitekturang Sino-Portuges, kilala rin bilang Tsinong Baroko, arkitektura ng Kipot, arkitekturang Eklektikong Singapurense, o arkitekturang Peranakan ay isang haluang Asyanong estilo na naghahalo ng mga elemento ng mga estilo ng arkitekturang Tsino at Portuges. Ito ay laganap sa mga sentrong urbano kung saan tumira ang mga nandarauyhang Tsino sa katimugang Tsina at mga Peranakan ng Tangway ng Malaya, na may mga halimbawa na makikita at pinakainiingatan sa Singapur.

Matatagpuan din ang mga makasaysayang lugar na may ganitong arkitektura sa buong Tangway ng Malaya (gaya ng George Town), Katimugang Taylandiya (pangunahin sa Phuket), Macau, Vietnam, at Hainan (pangunahin ang Haikou). Sa marami sa mga lugar na ito gayunpaman, ang mga naturang estruktura ay ginigiba o nasa isang kalagayan ng pagkasira.

Estilong Sino-Portuges[baguhin | baguhin ang source]

Ang mga katangian ng Sino-Portuges na arkitektura ay pinaghalong Europeo at Tsinong estilo o simpleng arkitekturang kolonyal. Ang mga lumang gusaling ito ay itinayo ng mga Tsinong culi. Ang gusali ay may disenyo (pinta) sa Tsinong estilo, ngunit ang estruktura ay Portuguese. Karaniwan, ang gusali ay isang isa o dalawang palapag na pinaghalong komersiyal-tirahan na gusali. Ang pader ay may lakas dahil sa bigat ng mga tisa sa bubong. Ang bubong ay nakabalot sa mga kurbadang tisa ng Tsinong pinanggalingan.

Sa kontemporaneong Singapur, ang mga naturang estruktura ay regular na pinananatili at pinapanumbalik, na ginagawa itong isang malaking atraksiyong panturista para sa mga dayuhang hindi pamilyar sa gayong mga estruktura. Ang makasaysayang pamana nito pati na rin ang lokasyon nito sa sentro ng lungsod ay nagpapahalaga din sa kanila.[1]

Kasaysayang Sino-Portuges sa Phuket[baguhin | baguhin ang source]

Ang lumang bayan sa Phuket ay may kasaysayan bilang sentro ng pagmimina at kalakalan ng estanyo sa lalawigan. Sa panahon ng imperyalismong Kanluranin, pagkatapos ng 1511 (2054 BE), dumating ang mga Portuges na settler sa Phuket at sa daungan ng kalakalan ng Malacca. Ang mga nandarayuhan ay nagdala ng kulturang Kanluranin kasama nila, pati na rin ang agham, relihiyon, at ang kanilang sariling mga estilo ng arkitektura. Ang mga Portuges na naninirahan ay gumamit ng mga manggagawang Tsino upang magtayo ng kanilang mga bahay at establisimyento. Pinaghalo ng mga estrukturang ito ang mga estilo ng sining ng mga Portuges at Tsino, na nagbunga ng arkitektura ng Sino-Portuges.

Galeriya[baguhin | baguhin ang source]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang source]

 

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. Mahadevan, Sandhya. "Here's Why Shophouses in Singapore Are in High Demand Right Now". Tatler Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 July 2022.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang source]