Assassin's Creed: Rebellion

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Assassin's Creed: Rebellion ay isang maaksyong larong RPG na ginagamitan ng estratehiya. Ang laro na ito ay parte ng serye ng mga laro na base sa Assassin’s Creed, na binuong Behaviour Interactive at nagsimula noong 2007. Ang Assassin's Creed: Rebellion ay idenebelop sa pakikipagtulungan sa Ubisoft, Gameloft, at Griptonite games.[1]

Ang Assassin’s Creed Rebellion ay isang simpleng larong bidyo na makukuha ng libre sa mga iOS at Android na gadyet. Ito ay umiikot sa isang kwento na may tatlong pinakamahalagang tampok. Una, ang pagbuo ng isang pangkat ng mga piling tao; pangalawa, ang pamamahala ng hedkuwarter o HQ; at pangatlo, ang pamamaraan ng pagpasok sa kuta ng mga kalaban.[2]

Mga manlalaro[baguhin | baguhin ang batayan]

Mayroong 43 na karakter na Assassins gaya nina Aguilar de Nerha, Ezio Auditore da Firenze, Niccolò Machiavelli, Claudia Auditore da Firenze, at Shao Jun. Mayroong 20 na bagong karakter na eksklusibo ginawa at maaaring mabuksan sa Rebellion.[1]

Paglalaro[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paglaro ng Assassin’s Creed Rebellion ay nagsisimula sa pagbuo ng pangkat ng kapatiran na binubuo ng mga piling assassins na may natatanging kahusayan. Gamit ang mga maalamat na mga karakter gaya ni Ezio, Aguilar, at Shao Jun, mabubuo ang isang pangkat ng kapatiran na makikipaglaban kontra sa mga Templars.

Ang pangkat ay magkakaroon ng hedkuwarter o HQ kung saan maaaring magsanay ang mga karakter. Makakakuha rin dito ng mga bagong kagamitan na magagamit sa pakikipaglaban. Habang tumataaas ang lebel ng manlalaro, nadadagdagan ang mga kwarto at iba pang nilalaman ang hedkuwarter, kasama ng marami pang opsyon ng pag-upgrade.[3]

Misyon at layunin[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang misyon at pangunahing layunin ng laro ay talunin ang mga kalaban ng walang namamatay sa iyong pangkat ng mga manlalaro. Kaya naman mahalaga na mayroon istratehiya na makakapagpanalo sa iyong pangkat sa digmaan. Kabilang sa istratehiya ang pag-iipon ng mga kayamanan, pagbuo ng mga bagong kwarto, pagsasanay at pagtaas ng lebel ng mga assassin, at pagdebelop ng mga kasangkapan at paglikha ng mga bagong gamot.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Assassin’s Creed Rebellion APK para sa Android/iOs. Red Moon Pie. Hinango noong 13 Agosto 2018.
  2. Assassin's Creed: Rebellion Wikia Page. http://assassinscreed.wikia.com/wiki/Assassin%27s_Creed:_Rebellion
  3. Pahina ng Assassin's Creed: Rebellion. Opisyal na website ng Ubisoft. Hinango noong 13 Agosto 2018.