Bagyong Auring (2021)
Bagyo (JMA) | |
---|---|
Bagyo (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | 16 Pebrero 2021 |
Nalusaw | 22 Pebrero 2021 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 75 km/h (45 mph) Sa loob ng 1 minuto: 95 km/h (60 mph) Bugso: 65 km/h (40 mph) |
Pinakamababang presyur | 996 hPa (mbar); 29.41 inHg |
Namatay | 1 |
Napinsala | $2.7 milyon |
Apektado | Pilipinas, Palau |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021 |
Si Bagyong Auring, kilala rin sa pangalang internasyonal nito na Dujuan, ay isang mahinang bagyong unang nabuo noong 16 Pebrero 2021. Ito ang unang bagyong nabuo sa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas para sa panahon ng 2021.[1][2] Tumama ito sa isla ng Batag sa bayan ng Laoang, Hilagang Samar noong 22 Pebrero 2021 bilang isang mahinang depresyon, at tuluyang nalusaw makalipas ng ilang oras.
Bagamat mahina, nagdulot ang bagyo ng pagbaha sa Kabisayaan at Mindanao, lalo na sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur. Ayon sa NDRRMC, di bababa sa 121,000 katao ang naapektuhan ng bagyo. Isa ang naiulat na namatay, habang dalawa naman ang nawawala.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 8:00 n.g. ng 16 Pebrero 2021, iniulat ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang isang bagong depresyon malapit sa "Kapuluan ng Caroline".[3] Naglabas kalaunan ng babala ang Joint Typhoon Warning Center (JTWC), dalawang oras pagkatapos.[4] Bandang 5:00 n.u. ng ika-17 ng Pebrero, idineklara ito ng PAGASA bilang isang depresyon.[5]
Gumalaw ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. Pumasok ang sistema sa Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas noong 8:00 n.u., na nagbigay-hudyat sa PAGASA para ibigay ang pangalang "Auring" sa sistema.[6] Nagpatuloy gumalaw ang sistema pa-kanluran habang patuloy rin itong lumakas.[7] Naging isang ganap na bagyo ito noong ika-18 ng Pebrero, habang tinatahak nito ang hilagang-kanlurang direksyon nang mabagal sa Dagat Pilipinas.[8][9] Samantala, itinaas rin ng JMA ang antas nito kalaunan, at binigay ang pangalang "Dujuan" para sa sistema.
Bago magpalit ng araw, itinaas ng PAGASA ang Babala sa Bagyo Blg. 1 sa Davao Oriental at sa silangang bahagi ng Davao de Oro habang gumagalaw pakanluran nang mabagal si Auring.[10] Itinaas pa sa mas maraming lugar ang Babala sa Bagyo Blg. 1 habang nananatili sa puwesto nito si Auring sa Dagat Pilipinas.[11] Lumakas pa nang husto si Auring at naging isang malubhang bagyo,[12] ngunit agad din itong humina anim na oras pagkatapos habang nagsisimula itong gumalaw pakanluran.[13] Halos di na ito gumagalaw bago magpalit ang araw,[14] at bahagyang humina madaling araw kinabukasan.[15] Noong hapon ng ika-20 ng Pebrero, nagsimula itong gumalaw pahilagang-kanluran habang patuloy itong humihina.[16] Kinabukasan naman ng madaling araw, nagpalit ng direksyon ang bagyo at tinahak ang kanluran hilagang-kanlurang direksyon.[17] Bahagyang bumagal ito umaga ng araw na iyon,[18] at tinahak muli ang hilagang-kanlurang direksyon ilang oras pagkatapos.[19] Bumilis ang takbo nito kalaunan habang papalapit sa Silangang Visayas at Caraga.[20] Tuluyan itong naging isang depresyon bago matapos ang araw.[21] Habang papalapit ito sa lugar ng Kapuluang Dinagat at isla ng Homonhon nung madaling araw kinabukasan, lalo pa itong humina.[22] Nagpalit muli ito ng direksyon nung umagang iyon at tinahak ang hilaga hilagang-kanlurang direksyon patungo sa lalawigan ng Silangang Samar.[23] Tumama ito sa isla ng Batag sa bayan ng Laoang, Hilagang Samar ilang oras pagkatapos.[24] Humina pa lalo si Auring pagkatapos, at naging isang LPA bandang hapon habang binabaybay ang Albay.[25] Tuluyan itong nalusaw ilang oras pagkatapos.[26]
Responde
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang paghahanda sa bagyo, itinaas ng PAGASA ang Babala sa Bagyo Blg. 1 sa ilang lugar sa silangang bahagi ng Mindanao noong ika-19 ng Pebrero.[11][27] Lumawak pa ang mga babala kalaunan, at nasama rin ang ilang bahagi ng Kabisayaan.[13] Samantala, nang lumakas panandalian noong ika-21 ng Pebrero si Auring, itinaas ang Babala sa Bagyo Blg. 2.[28] Ibinaba rin ito ilang oras pagkatapos, nang humina si Auring.[29] Sinuspinde naman ang pasok sa mga paaralan at opisina ng gobyerno sa Romblon, lungsod ng Tacloban, at Negros Oriental, gayundin sa ilang bahagi ng Cebu, Leyte, Davao de Oro, at Surigao del Sur.[30]
Pinsala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagpaulan ang bagyo sa Palau habang dumadaan ito sa naturang bansa.[31][32]
Ayon sa ulat ng NDRRMC, 121,970 katao ang naapektuhan ng bagyo sa Hilagang Mindanao, Caraga, at Davao. Sa bilang na iyon, 77,811 katao ang pansamantalang pinalikas sa 344 na mga evacuation center. Sa Surigao del Norte at Surigao del Sur, 180 kabahayan ang bahagyang napinsala, at 60 bahay naman ang tuluyang nasira ng bagyo. 42 panloob na lipad ng eroplano at biyahe ng barko ang kinansela dahil sa sama ng panahon, at di-bababa naman sa 2,971 pasahero ang naipit sa mga pantalan sa Gitna at Silangang Visayas.[30][33] Sa Caraga, isa ang napaulat na namatay habang may dalawang tao naman ang naiulat na nawawala.[2]
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Adiong, Eugene (19 Pebrero 2021). "Negros braces for Typhoon 'Auring'" [Naghahanda ang Negros para sa [pananalasa ng] Bagyong 'Auring']. Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2022. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Auring leaves 1 dead, 2 missing in Caraga" [Nag-iwan ng 1 patay, 2 nawawala sa Caraga si Auring]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2021. Nakuha noong 24 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "WWJP25 RJTD 161200". Japan Meteorological Agency. 16 Pebrero 2021. Nakuha noong 18 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tropical Cyclone Formation Alert (Invest 91W)" [Babala sa Pamumuo ng Bagyo (Invest 91W)]. Joint Typhoon Warning Center (sa wikang Ingles). 16 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-16. Nakuha noong 18 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tropical Cyclone Advisory #1 for Tropical Depression" (PDF). PAGASA. 16 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Pebrero 2021. Nakuha noong 16 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #1 for Tropical Depression 'Auring'" (PDF). PAGASA. 17 Pebrero 2021. Nakuha noong 17 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #2 for Tropical Depression 'Auring'" (PDF). PAGASA. 17 Pebrero 2021. Nakuha noong 17 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tropical Storm 01W (One) Warning No. 4" [Bagyong 01W (One) Babala Blg. 4] (sa wikang Ingles). Joint Typhoon Warning Center ng Estados Unidos. 2020-02-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-18. Nakuha noong 2020-02-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #3 for Tropical Storm 'Auring'" (PDF). PAGASA. 18 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Pebrero 2021. Nakuha noong 18 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #4 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 18 Pebrero 2021. Nakuha noong 18 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 "Severe Weather Bulletin #5 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 19 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Pebrero 2021. Nakuha noong 19 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #6 for Severe Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 19 Pebrero 2021. Nakuha noong 19 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 "Severe Weather Bulletin #7 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 19 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Pebrero 2021. Nakuha noong 19 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #8 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 20 Pebrero 2021. Nakuha noong 20 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #9 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 20 Pebrero 2021. Nakuha noong 20 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #11 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 20 Pebrero 2021. Nakuha noong 20 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #13 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #14 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #16 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #17 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)". PAGASA. 21 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #19 for Tropical Depression 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #21 for Tropical Depression 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 22 Pebrero 2021. Nakuha noong 22 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #22 for Tropical Depression 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 22 Pebrero 2021. Nakuha noong 22 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #23 for Tropical Depression 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 22 Pebrero 2021. Nakuha noong 22 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #24 (final) for Low Pressure Area (formerly 'Auring') {Dujuan}" (PDF). PAGASA. 22 Pebrero 2021. Nakuha noong 22 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Weather Maps" [Mapa ng Panahon]. Japan Meteorological Agency (sa wikang Ingles). 23 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-23. Nakuha noong 24 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Storm Signal No. 1 up in four Mindanao areas as Auring remains stationary over Philippine Sea" [Babala sa Bagyo Blg. 1, nakataas sa apat na lugar sa Mindanao habang nananatili si Auring sa kanyang posisyon sa Dagat Pilipinas]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2021. Nakuha noong 19 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #18 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 21 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Severe Weather Bulletin #19 for Tropical Storm 'Auring' (Dujuan)" (PDF). PAGASA. 21 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 21 Pebrero 2021. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 30.0 30.1 "Sitrep No. 04 re Preparedness Measures and Effects of Severe Tropical Storm "AURING"" [Sitrep Blg. 04 re Paghahanda at Epekto ng Bagyong "AURING"] (PDF). NDRRMC (sa wikang Ingles). 2021-02-22. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-02-23. Nakuha noong 2021-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "WEATHER ROUNDUP FOR THE MARIANAS AND MICRONESIA" [ULAT SA PANAHON PARA SA MARIANAS AT MIKRONESYA]. National Weather Service Tiyan GU (sa wikang Ingles). 16 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-16. Nakuha noong 18 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tropical Cyclone Formation Alert Graphic" [Grapiko ng Babala sa Pamumuo ng Bagyo]. Joint Typhoon Warning Center (sa wikang Ingles). 16 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-16. Nakuha noong 18 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sitrep No. 05 re Preparedness Measures and Effects of Severe Tropical Storm "AURING"" [Sitrep Blg. 05 re Paghahanda at Epekto ng Bagyong "AURING"] (PDF). NDRRMC (sa wikang Ingles). 22 Pebrero 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Pebrero 2021. Nakuha noong 24 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan: Vicky |
Mga bagyo sa Pasipiko Auring |
Susunod: Bising |