Bagyong Kiko (2021)
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
![]() | |
Nabuo | Setyembre 5, 2021 |
Nalusaw | Setyembre 20, 2021 |
(Ekstratropikal simula Setyembre 18) | |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 215 km/h (130 mph) Sa loob ng 1 minuto: 285 km/h (180 mph) |
Pinakamababang presyur | 905 hPa (mbar); 26.72 inHg |
Namatay | Walang ulat |
Napinsala | ≥ $748,000 (USD) |
Apektado | Tsina, Japan, South Korea, Taiwan, Pilipinas |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021 |
Ang Super Bagyong Kiko, (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong Chanthu) ay isang malakas na bagyo ang ika-19 sa Pilipinas sa taong 2021 at ang ikalawang bagyo na dumaan sa buwan ng Setyembre ay namataan sa bahagi ng Mariana Islands sa Karagatang Pasipiko na may layong 1,708 km sa hilagang silangan ng Maynila, Ang bagyo ay kumikilos sa bilis na 100kph sa direksyong kanluran, hilagang-kanluran at nag babadyang tawirin ang bansang Taiwan at Timog Korea. Itinaas ng PAGASA sa Cagayan Valley at Lalawigan ng Isabela.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ayon sa ulat ng PAGASA ang bagyong Chanthu o sa Pilipinas ay Kiko ay lumakas pa bilang Severe Tropical bagyo habang binabagtas ang Dagat Pilipinas simula sa Kategoryang 1, dahil sa init ng temperatura sa Karagatang Pasipiko, habang papalit si Kiko sa direksyong kanluran-hilaga ay lumakas sa Kategoryang 2, ayon sa Pinhole na pinapakita, sa satellite image, simula sa Kategorya 3 hanggang Kategorya 4 ay tumaas pa ang Typhoon status sa antas ng Kategorya 5.[3][4]
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Humapyaw ng bahagya ang bagyong Kiko o (Chanthu) sa Lambak ng Cagayan (Rehiyon II) habang tinatahak ang hilagang direksyon papunta sa Taiwan-Peninsulang Korea. Mahigit 30,000 na mga residente ang inilikas sa Rehiyon ng Ilocos, Lambak ng CagayanGitnang Luzon at Cordillera Administrative Region, nawalan ng suplay ng kuryente sa loob ng apat na munisipalidad at nagtala rin ng mga pagguho ng lupa at pagbaha mostly sa mga nadaanan ng hanging Habagat dahil sa bagyo, Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nakapagtala ng pinsala ang bagyo na aabot sa ₱37.4 milyon (US$748,000).. [5]
Ang mga bayan ng Hualien and Taitung ay nakatanggap ng milimetrong ulan 200 mm (7.9 in), Si "Chanthu" ay nagdala ng malalaking alon na may metrong 7 m (23 ft) sa isla ng Orchid, Ang awtoridad ay nakapag tala ng 26,000 ng kabahayan ang nawalan ng suplay ng ilaw, Ang kapital na Taipei ay naka ranas ng malakas na hangin na may 164 km/h (102 mph) mula sa ulat.
Si "Chanthu" ay bahagyang lumapit sa bahagi ng Jeju ay naka ranas ng hangin na may 30 to 40 m/s (110 to 145 km/h; 65 to 90 mph) at ulan na may 50 mm (2.0 in) , Ayon sa ulat may mga naitalang pinsala sa pagapaw ng mga "drainage systems", 23 flights at 48 ferrys ang kanselado.
Ang bagyo ay nagiwan ng pitong 7, sugatan habang tumawid ang bagyo sa bansa, Ang mga daangbakal at flights ay nagsuspinde at kanselado dahil sa resulta ng panahon, Mahigit 7,000 na kabahayan sa Kyushu ang nawalan ng suplay ng ilaw, Sa Mihama, Wakayama ay naka ranas ng malakas na hangin at nakasira ng 50 bubong at durungawan ng mga kabahayan.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.reportr.world/news/pagasa-weather-update-jolina-kiko-sept-6-2021-a4832-20210906
- ↑ https://www.accuweather.com/en/hurricane/typhoon-chanthu-philippines-west-pacific-china-taiwan/1014182
- ↑ https://reliefweb.int/report/philippines/philippines-typhoons-conson-and-chanthu-snapshot-13-september-2021
- ↑ https://www.accuweather.com/en/hurricane/west-pacific/chanthu-2021
- ↑ https://english.kyodonews.net/news/2021/09/bdb1cf3556d2-typhoon-traverses-west-japan-at-least-5-injured.html
Sinundan: Jolina |
Mga bagyo sa Pasipiko Kiko |
Susunod: Lannie |