Pumunta sa nilalaman

Bagyong Opong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Opong (Bualoi)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 2 (Saffir–Simpson)
NabuoSetyembre 22
NalusawSetyembre 29
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 140 km/h (85 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 155 km/h (100 mph)
Pinakamababang presyur965 hPa (mbar); 28.5 inHg
Namatay10
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2025

Ang Bagyong Opong (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong Bualoi), ay isang malakas na bagyo (severe tropical storm) at ika 15 na bagyong nakapasok sa Pilipinas ay nasa antas nang Kategorya 2 habang binabagtas ang Timog Luzon partikular sa mga Rehiyon ng Bicol, Calabarzon 4-A, Mimaropa 4-B at Silangang Kabisayaan hanggang sa "Kanlurang Dagat Pilipinas" o Dagat Timog Tsina.[1][2]

Meteorolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kasalukuyang galaw ng Bagyong Opong.

Ika Setyembre 22 matapos rumagasa ang "Super Bagyong Ragasa (Nando) ay isang LPA ang nabuo sa layong 850 kilometro sa silangan nang Caraga sa Mindanao at pinangalanan nang PAGASA sa lokal na pangalang #OpongPH ang ika 15 na bagyong pumasok sa loob nang PAR sa Pilipinas at pinangalan sa internasyonal na #Bualoi na hango sa Thailand na isang pagkain.[3]

Ang unang pagtama ng Bagyong Opong

Nag landfall ang sentro nang bagyo sa bayan nang San Policarpo, Silangang Samar bandang 11:30 (PST) nang gabi,[4] Setyembre 25, 20, Bandang 4:00 am namataan ang bagyo sa mga bayan nang Palanas, Masbate, 5:10 am sa Milagros, Masbate, 8:00 am sa San Fernando, Romblon, 9:20 am sa Alcantara, Romblon at 11:20 sa Mansalay, Oriental Mindoro, Huling namataan ang sentro nang bagyo sa layong 525 km kanluran sa Calintaan, Occidental Mindoro.[5]Habang tuluyang tinatahak ang direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20km patungong Vietnam.[6]Lumabas ang sentro nang bagyong Opong (Bualoi) sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro dakong 7pm ng gabi habang binabaybay ang Kanluran Dagat Pilipinas.

Nakaantabay ang PAGASA sa kilos at galaw ng Bagyong OpongPH (internasyonal) "Bualoi", Nakataas sa Pulang babala ang mga Rehiyon ng Bicol at sa mga lalawigan sa Samar, Kanlurang Kabisayaan, Cebu at Mimaropa.[7][8]

Silangang Samar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bayan nang San Policarpo na kung saan unang tumama ang sentro nang bagyo ay malubhang napinsala sa lalawigan at ang ilang mga bayan ng Oras at Taft. Karamihan sa mga nasira ay mga bahay at istablisyimento.

Lubos na naapektuhan ang lalawigan ng Masbate partikular sa Lungsod ng Masbate, Aroroy, San Jacinto at sa Palanas, Masbate kung saan unang tumama ang bagyo bilang isang Malubhang bagyo (Severe Tropical Storm) dakong 5am ng umaga. Nawalan nang suplay ng komunikasyon, kuryente at tubig. Mahigit 4,700 ang napinsala sa buong lalawigan ng Masbate.

Ang mga lalawigan ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro partikular sa mga timog mga bahaging bayan ay nakaranas ng hagupit ng bagyo ay nagdulot mga pagbaha, kawalan ng suplay ng kuryente, tubig, komunikasyon at mga nasirang tahanan.

Tropikal Storm Warning Signal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
PSWS LUZON KABISAYAAN MINDANAW
PSWS #4 Hilagang Samar, Silangang Samar N/A
PSWS #3
Biliran, hilagang Cebu, hilagang Leyte, Samar
N/A
PSWS #2 Catanduanes, Cavite, Kalakhang Maynila, nalalabing Laguna, hilagang Quezon, Rizal Aklan, Capiz, hilagang Iloilo N/A
PSWS #1 Guimaras, Lungsod ng Cebu, timog Cebu, nalalabing Leyte, Timog Leyte Kapuluang Dinagat, Surigao del Norte
Sinundan:
Nando
Kapalitan
Opong
Susunod:
Paolo